Chapter 1

2.4K 35 6
                                    

Chapter 1

"Okay, class, let's call it a day. And I am expecting for a great output of your section next week." The last subject teacher said her goodbye to us.


Nang oras na ayusin niya ang gamit sa table ay nagsitayuan na rin ang iba kong kaklase. Alas singko na ng hapon. Dumungaw ako sa bintana at doon ko nakita kung gaano na karami ang tao sa field ngayon. Nasa ika-pito kaming palapag ng building pero kahit tanawin ko lang ang baba ay pakiramdam ko ay naririnig ko ang ingay nito.


"Guys, sa mga ka-group ko, bukas na lang natin pag-usapan tungkol sa activity, ah. Ingat kayo pag-uwi!" si Abi, ang class President.


Nasa kaniya ang atensyon ko nang sabihin niya iyon habang nasa bukana na ng pintuan ng room, sukbit sukbit ang kaniyang bag habang naka-angkla ang kamay sa braso ng isa pang kaklase na si Trinity. Inikot niya ang paningin sa buong room kung saan marami rami pa rin ang natitira sa loob at sa akin huling dumapo ang tingin niya.


Tumango lang din ako at nagbigay ng isang tipid na ngiti na ibinigay niya sa akin bago siya tuluyang hinila ni Trinity palabas. Hindi ko magawang pigilan ang pag-ngisi habang sinusuot ang strap ng aking bag.


I saw how she was starled when our eyes met. Nagulat siya sandali at mabilis din siyang nakabawi. I know that they're trying everything they can to make me feel comfortable. To make me feel like I belong to them. The problem is me, not them. Nag-a-adjust din ako katulad ng paano sila nag-a-adjust sa akin. Dalawang buwan pa lang mula nang palipatin ako ni Mommy dito. Hindi ko alam kung kailan grade 12, graduating, ay tsaka pa niya naisipan iyon gawin. Pero kung sabagay, kumpara sa dati kong school ay mas malapit ito. Isang sakay lang ng jeep ay makakapasok na ako hindi tulad dati na sasakay pa ng bus at ng isa pang jeep.


Maingay na hallway ang sumalubong sa akin paglabas ng room. Sabay lang ang oras ng dismissal mula sa ibang mga klase. Tahimik lang akong naglalakad at nang malapit na ako sa elevator ay kita ko kung gaano kahaba ang pila roon. Nakapila rin doon sila Abby at iba pa naming kaklase.


Walang tumawag ng pangalan ko, malayo sa madalas na nakikita ko sa t'wing uwian kung saan uso pa rin ang singitan sa pila kahit sa elevator. Kahit sa pila, find your friends.


Dumiretso ako sa hagdanan at iyon lang naman ang paraan upang makababa ako. Wala namang problema sa'kin. Hobby ko na rin siguro ang paglalakad. Pakiramdam ko nakakapag-isip ako nang tama at mas marami ang oras kong makapag-isip kapag ganoon ang ginagawa ko.


Pababa na ako ng ground floor nang makasabay ko pababa ng hagdan ang Adviser namin na may dala dalang maraming papel. Umiwas ako ng tingin at mukhang hindi rin naman niya ako nakita. Mabuti rin ay marami ring ibang lower grade level ang tumatambay sa hagdanan.


Papalubog na araw ang sumalubong sa akin sa field. Hawak hawak ang nakasukbit na aking I.D. ay naglakad ako palabas ng campus. May isang pila ng mga tricycle paglabas pero wala akong balak sumakay.


"'Neng, tricycle?" umiling lang ako at umikot sa isang eskenita papunta sa likod ng school.


Tahimik ang kabahayan ditto kaya masarap maglakad. Malamig din dahil sa ihip ng hangin. May nadaanan akong isang tindahan kaya huminto ako para bumili.

Dear MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon