Chapter 2

1.2K 25 0
                                    

Chapter 2

Kumukulog na noong bumaba ako ng jeep. Paminsan minsan akong tumitingin sa langit at sa daang nilalakaran ko eskinita na papasok sa amin. Ilang bubong bago sa bahay namin ay may mga tulo na pumatak sa sleeve ng aking damit. Napapikit ako nang may bumagsak din na tulo sa may mata ko. Ang ibang tao rin na kasabayan ko ay bumibilis na ang lakad para sumilong at ang iba'y ginawang payong ang kani-kaniyang palad.


Pagbukas ko ng gate ay walang kotseng bumungad sa akin sa garahe. Marahil narinig ni Manang ang pagtunog nito kaya'y bumukas din ang may kataasang kahoy na pintuan.


"Wala pa po si Mommy?" bungad ko sa kaniya.


"Naku! Bakit nagpabasa ka. Kapag ikaw nagkasakit, bubulyawan ka na naman ng nanay mo!" Pilit niyang pinapagpagan ang basa sa aking ulo kaya mas lalong nagdidikit dikit ang buhok ko roon.


"Ambon lang naman po, Manang."


Sinilip niya ang labas bago isinara ang pinto. "Buti nakauwi ka agad bago lumakas ang buhos. Hindi ka pa naman nagdadala ng payong, ikaw na bata ka."


"Ulan lang iyan, Manang. Hindi naman nakakamatay," nakangiting biro ko at dumiretso ng upo sa dining table.


"Naku! Oo nga at hindi nakamamatay pero ang mommy mo ang papatay sa'yo!" natawa kaming dalawa sa sinabi niya.


"Kumain ka na po ba?" tanong ko nang hindi siya umupo sa lamesa para sabayan ako. Tahimik ang bahay. Tanging TV lang sa sala ang maririnig. Sino ba naman ang mag-iingay sa bahay na tatlong tao lang ang laman? Ako na madalas nasa school, si Mommy na laging wala sa bahay, at si Manang na laging natitira rito mag-isa.


"Nauna na akong kumain, Lilia. Ay, siya, at kumain ka ng marami. Nangangayayat ka na naman."


"Tumawag po ba si Mommy? Ang akala ko ay ngayon po ang uwi niya." Tanong ko habang ngumunguya. Kumuha lang ako ng isang pirasong hipon at iyon naman ngayon ang binalatan ko, Tinabi ko na bowl na puno ng sinabawang hipon dahil hindi ko naman na gagalawin iyon.


Nakita ni manang ang ginawa ko at napailing na lang siya bago kuhanin ang bowl na 'yon at ilagay sa ref.


"Niluto ko nga 'yan para kainin mo 'yang hipon pero ang ginalaw mo naman ay 'yang pork chop. Ikaw talagang bata ka. Kailan ka pa matututong kumain ng seafood. Kailangan mo 'yan. Alam mo lang kainin ay puro baboy at manok!" Nag-umpisa siya sa pangaral sa akin habang patuloy kong inuubos ang dalawang hiwa ng porkchop na kinuha ko.


Tinusok ko ng tinidor ang kalahati ng hipon at pinakita iyon sa kaniya. "Kumain naman ako ng isa, Manang. One is enough."


Sumama ang tingin niya sa'kin at nagpamaywang pa. "Isusumbong na kita kay Lilien at tumitigas na naman ang ulo mo. Isang lingo pa lang nawawala ang nanay mo at hayaan, nangangayayat ka na naman!"


Hindi ko masyadong sineryoso ang sinabi ni Manang dahil hindi naman niya talaga ako isusumbong. Minsan niya lang naman iyon tinotoo pero iyong mga minsan na iyon ay panahong bata bata pa ako. Para ko na siyang tatay at ako ang spoiled niyang anak.

Dear MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon