Chapter 3

1.4K 34 41
                                    

Chapter 3

Mabilis akong nakarating sa room at salamat iyon sa elevator na walang gaanong laman sa ganitong oras. Isang oras bago mag-umpisa sa klase ay nakaupo na ko sa gilid ng bintana, naghihintay lang na mapuno ang kwarto para sa first subject.


Pagpasok ko ay akala ko ako ang nauna pero noong naupo na ako ay doon ko lang napansin na may bag na nakasalampak sa upuan na nasa gilid ko. Isa ako sa mga nahuling lumabas kahapon kaya't alam ko walang naiwang gamit dito.


Habang abala ako sa pag-iisip kung kaninong gamit iyon ay nasa pintuan na pala ang isang katamtamang tangkad na lalaki na may kakulutan ang buhok. Tumatawa siya at ang tingin ay nasa likuran kung saan nakapwesto ang kausap nito.


"Bukas, magdadala ulit ako. Hinanap kita kanina kaso 'di kita makita. Naubos tuloy. Basta bukas!" hindi nabura ang ngiti niyang iyon habang naglalakad papasok at inaayos ang mga natirang plastic ng isang transparent na maliit na box. 'Yong madalas makitang lalagyan ng pagkain.


Bago pa siya mag-angat ng tingin at makasalubong ang mga tingin ko, umiwas na agad ako. Nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana habang ang daliri ay malikot na pumipindot sa sarili kong desk. Hindi ko na siya ulit tinignan Ang tanging narinig ko lang ay ang pag-usog ng upuan at presensya niya na nakaupo sa gilid ko. Naririnig ko ang mahina niyang pagbibilang at tunog ng barya.


"Gerard!" sabay kaming napatingin sa sumigaw. Isang babae na sinadyang dumaan sa tapat ng aming room.


Tumingin muna sa akin ang lalaking kaklase bago lumakad papunta sa may pinto.


"Bukas, reserve mo ako ng tatlong turon, ah!" hindi ko intensyon na marinig ang usapan na 'yon pero sadyang malakas lang talaga ang speaking voice ng babae. Kaya siguro lumapit si Gerard para hindi na siya sumigaw pero rinig pa rin.


"Oo na. Ako na bahala. Dadamihan ko na lang ng gawa bukas. Salamat!"


Dumaan ang dalawang klase bago tumunog ang bell hudyat ng lunch break. Pagbukas ng pintuan ay dinig na ang maingay na hallway. Everyone stood up in their seats and some of them grabbed their bags but some just left their things inside.


"Saan ba kayo? Mezzanine ba?" dinig kong tanong ni Gerard sa grupo nila Trinity.


"Sa canteen kami kakain pagkatapos siguro didiretso kami sa mezzanine. Hindi ka naman magtatagal, 'no? Aabutan mo naman kami sa canteen. Wala ka naman siguro milagrong gagawin sa cr." Nanunuya ang tingin ni Trinity sa kaniya kaya mas nagtawanan ang mga nakarinig. Isa rin ako roon. It made me chuckle.


"Loko! Iihi lang ako, 'no! Gusto mo sama ka pa sa cr para ma-confirm mo!"


"Hoy!" mabilis na saway ni Abby. Naka-pormang gunting ang kamay niya at nanlalaki ang mga matang tinuro ang bagay sa bandang zipper ng isa.


"Umayos ka. Putulin ko 'yan!" nagtawanan ang lahat maliban sa simangot ni Gerard.


Nagsilabasan na ang grupo nila at sabay na rin akong tumayo.

Dear MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon