CHAPTER1
-----------------"Bunso mag-i-ingat ka.", nakangiting paalam ng ate Makayla niya sa kanya. "Mag-aaral mabuti wa?"
"Tsk! Sabi ng wag akong tinatawag na bunso!", naiinis na sabi niya sa kanyang ate.
"Hehe.", tumawa lang ito sa sinabi niya. "Sige na pasok ka na sa school, baka malate ka pa."
"Para namang elementary.. Tanda ko na nito kailangan pang paalalahanan.", bubulong-bulong na litanya ni Hunter, habang palabas na ng bahay nila.
Nilalakad niya lang ang paaralang kanyang pinapasukan, mas gusto niyang maglakad kesa magcommute, nakakalanghap pa siya kahit papano ng sariwang hangin, minsan kasi siyang nagcommute, nakakarinding ingay na nga ng nagdadaanang sasakyan ang kanyang naririnig, pati ba naman halakhakan at matitinis na hiyawan ng mga babae ang kanyang naririnig maguusap na lang ang mga ito kala mo ay napakalayo sa isa't-isa sa sobrang lakas ng boses, at hindi rin niya gusto ang kakaibang naaamoy niya.
Kailan ba matatapos ang bagong taon?
*meow!-meow!*, napatigil sa paglalakad siya sa paglalakad dahil sa kuting na nakaharang sa lalakaran niya, lumapit ito sa kanya at kiniskis ang katawan sa kanyang binti.
Siyete tong pusang to! Ginawa pang basahan ang pants ko!
Nainis siya, sisipain na sana niya yung pusa na walang humpay sa pagdikit at kiskis ng katawan nito sa kanyang pantalon ay bigla siyang natigilan ng mapatingin sa mga mata nito, para itong nagpapaawa na ewan, para din itong malungkot na parang maiiyak.
Seriously? Anong kalokohan ang iniisip ko? Kailan pa nagkaroon ng damdamin ang hayop?! Tsk!
"Damn you little kitty!", naiinis pinagpag niya ang pants niya at nilayuan niya na lang ito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at napahinto sa isang kanto, may malapit kasi na Casino doon, napangiti siya akma na sana siyang tatawid para pumunta roon sa Casino, ngunit naalala niya ang sabi ng ate niya.
Magaaral ng mabuti wa!
Napabuntong hininga na lang siya at naghihinayang na napatingin sa direksyon kung saan nandoon ang nasabing Casino, naglakad na ulit siya patungong skwelahan.
Hunter was very fond to his sister Makayla, bukod sa ito na lang ang nagiisa niyang kapamilya, ito rin ang nagpapaaral sa kanya, namatay sa isang car accident ang kanilang magulang, simula ng maulila sila ang ate niya na ang tumayong magulang para sa kanya, his sister is only 16yrs old that time and he was 10yrs old. Mahirap para sa isang 16yrs old na babae ang umako ng isang malaking responsibilidad lalo na kung wala ka naman kaalam-alam sa bagay na iyon, but thanksGod his sister is born as a fighter. Nakasurvive silang dalawa, hindi nga lang birong paghihirap ang pinagdaanan nila para matutong tumayo sa sariling mga paa lalo na ang ate niya. That's why he idolize, admire and adore his sister, his sister is an good Icon for him. Kaya kung may pinapahalagahan man siya ngayon iyon ay walang iba kung di ang ate niyang si Makayla.
Kaya kahit wala naman siyang balak magtungo sa paaralan, napipilitan siya dahil ayaw niyang biguin ang ate niya, pangarap kasi nito sa kanya na magtagumpay siya sa buhay at makamit ang kanyang pangarap, ang tanong ano ba ang pangarap niya?
Napapailing na pumasok na siya sa malaking gate ng Hinghston University, 20minutes din siyang naglakad.
"Mr.Grayson late ka nanaman! Ilang beses ko bang sasabihin na pumasok ka ng maaga ha!", inis na bunganga agad sa kanya ng Professor nila, ngunit parang walang narinig na dire-diretso lang siyang nagtungo sa kanyang upuan. Napabuntong hininga na lang ang kanilang professor out of frustration, waring sawa na sa pangaral kay Hunter at nagpatuloy na lang sa pagtuturo.
Nang magising si Hunter may mga estudyanteng pumapasok sa room nila at napapatingin sa kanya, hindi pamilyar sa kanya ang mga mukha ng mga ito, nagtatakang tumingin siya sa wall clock na nasa center sa taas ng white board, mag na-9 na pala, dalawang oras pala siyang nakatulog.
"Kyaaa!!.. Siya ba yung Hunter? Siya ba siya ba?"
"Waaa!! His sooo handsome talaga!"
"Tsk! Hindi rin maputi lang!"
"Hmp! Inggit lang kayo kay Hunter my labs! Mas gwapo kasi siya sa inyo!"
"Hoy! Hindi rin uy!"
"Sinong sira-ulo ang nagsabing inggit kami sa lalaking--"
Bitbit ang bag na umalis na si Hunter sa silid na iyon, nagtaingang kawali siya sa kanyang naririnig, tinatamad na naghikab siya at pumanik sa hagdan patungong rooftop, doon na lang niya ipagpapatuloy ang pagtulog.
*ding-dong*ding-dong*
Tunog ng malaking orasan ng paaralan hudyat na tapos na ang klase sa araw na iyon. Nagiinat na bumangon si Hunter sa pagkakahiga sa semento, inayos ang nagusot na uniform at umalis na sa lugar na iyon. Naging alarm clock na ni Hunter ang malaking orasan ng Highston University, at naging tamabayan o tulugan naman ang rooftop. Kapag sinumpong siya ng katamaran hindi na siya uma-attend sa klase bagkus nagtutungo na lang siya sa rooftop upang matulog, ayos na sa kanya ang ganoong gawin basta masabi lang na pumapasok siya.
Naglalakad siya na nakapamulsa sa magkabila niyang bulsa ang kanyang kamay, nakakairitang bulungan ng babae at tilian ang kanyang naririnig.
Kelan ba tatahimik ang paaralang ito? Tsk! Mga babae talaga napaka iingay!
"Ayan na siya!"
"Oh! His so cool talaga."
"Hindi nanaman siya pumasok, oh I miss him already na.."
"Tahimik nga kayo! Baka maglit yan! Ayaw pa naman niyan sa maiingay."
"Gwapo talaga ng labs ko."
"Hoy! Labs ko yan!"
Katulad kanina nagtaingang kawali lang siya sa mga usapan ng mga babae sa kanyang paligid.
"Ahhhhh!! OMG his sooo handsome talaga!!", tili ng isang babae, nakuha ng babaeng ito ang attention ni Hunter, kaya pinukol niya ito ng matalim na tingin.
Natigilan ang babae, at pigil hininga itong nakatitig lang din sa kanya.
Binawi na ulit niya ang tingin sa babae at nagsimula na ulit maglakad wearing a bored look.
"Goooosh!! Nakita niyo yun! Tinitigan niya ko! Kyaaaa!", tili ulit ng babae.
Napailing-iling na lang si Hunter.
Dinala siya ng mga paa niya sa Casino na balak niyang puntahan sana kanina.
Why not? Maaga pa para umuwi. It's only 6 in the evening.
---
Leiram_mej;
Hi!:"> kilalanin po muna nating mabuti si Hunter.^__^, next UD tungkol sa kanya po ulit.:)
Plsss.. support my story thanyouuuuu!!!:*
Thanks din po pala sa nagfollow sakin.;">, lumyuuuu.:**
BINABASA MO ANG
The Lifeless Lady-(SMF) [HIATUS]
ActionHunter Grayson is a bad-ass, pain in the ass, snob and he don't even care for the feeling of others. However, there is only one person he cares about his sister... Makayla. He value his sister like a crystal glass, he idolize, admire and respect her...