CHAPTER 4
------------------"Hunter gumising ka na! Umaga na baka malate ka.", katok sa pintuan ang nagpagising sa kanya.
Tinatamad siyang bumangon sa kama at nag-inat, matapos niyang maghilamos lumabas na siya ng kwarto at dumiretso sa kusina para mag-umagahan, matapos kumain bumalik ulit siya sa kwarto niya para maligo, paglabas niya ng banyo nakita na niya na nakahanda na ang susuutin niyang uniform na nakalatag sa kama niya.
Naiiling na lang na sinuot niya yun at lumabas na ulit ng kwarto.
"Mag-aaral mabuti ah!", bilin nanaman sa kanya ng ate Makayla niya bago umalis ng bahay.
--
"Himala Mr.Grayson at hindi ka late.", bungad agad sa kanya ng kapapasok pa lang na professor.
Blangko lang ang ekspresyong tumingin siya sa kanyang professor.
Mataman siyang nakikinig sa discussion habang pinaglalabanan ang antok, kahit boring ang makinig sa professor nila nagtiyaga siyang makinig dito, utos kasi yun ng ate niya..
Haaaay! Sa wakas natapos na din ang klase!!..
Umattend siya sa lahat ng klase niya na bihira lang mangyari.. Pauwi na siya ng may biglang humarang sa kanya, yung apat na lalaki nanaman.
"May atraso ka samin bata.. Lalo na sakin!", walang babalang kwinelyohan siya ng lalaking kalbo na boss ata sa apat na lalaki.
Nainis si Hunter sa paghila nito sa kanyang kwelyo. "Fuck! Dont touch me.", tinulak niya ng malakas palayo sa kanya yung lalaking kalbo.
"Tarantad* ka wa! Pumapalag ka pa wa! Kayo dalin yan."
Pagka-utos nung kalbo doon sa tatlo pa, agad lumapit sa kanya ang mga ito, biglang may nagtaklob ng kung ano sa kanyang mukha, may nakahawak din sa kanyang dalawang kamay na nasa likuran niya para di siya makapalag. Dahil hindi inaasahan ni Hunter huli na para pumalag pa siya.
Hindi alam ni Hunter kung saan siya dadalin ng mga ito, basta ang sigurado siya naka sakay siya sa umaandar na kotse, wala din siyang makita kundi pawang kadiliman at nahihirapan na siyang huminga.
Sa mga oras na iyon iniisip niya kung paano makakatakas ng biglang huminto ang sinasakyan niya, may humaltak sa kanya palabas at kinaladkad siya sa kung saan, matapos tanggalin ang nakabalot sa kanyang mukha, tinulak siya ng malakas dahilan para masadsad siya sa semento.
May kadiliman ang lugar na bumungad sa kanya, may mga balde na nagkalat at mga kahon, sa hinuha niya isa iyong abandonadong bodega.
Mula sa pagkakasadsad tatayo pa lang sana siya ng may humila sa kanya patayo at sinuntok siya nito sa mukha, napa-upo siya sa semento at naipilig ang ulo mula sa nanlalabong paningin naaninag niya ang isang kalbong lalaki.
Sumugod ulit ito sa kanya.
"Ahhh!!", napadaing siya sa sakit ng pagsuntok ulit nito sa kanyang mukha. Nabiling ang mukha niya pakaliwa, ramdam niya ang malapot na likidong namumuo sa gilid ng kanyang labi. Napadura siya sa sahig at pilit na tumayo.
Kaso lang naramdaman niya ang pagsipa nito sa kanyang sikmura, napahiga siya sa sahig habang hawak ang kanyang sikmura.
"Ano bata kaya pa?! Haha.. Laban! Ngayon mo ipakita ang tapang mo!", nanunuya nitong sabi sa kanya na sinabayan ng nakakalokong tawa.
Yung tatlo mga nakangisi lang habang nanunuod, mukhang walang balak ang mga ito na makisali.. sa ngayon wala pa..
Nang makabawi na siya napatingin siya sa kamay nito.
BINABASA MO ANG
The Lifeless Lady-(SMF) [HIATUS]
AcciónHunter Grayson is a bad-ass, pain in the ass, snob and he don't even care for the feeling of others. However, there is only one person he cares about his sister... Makayla. He value his sister like a crystal glass, he idolize, admire and respect her...