Chapter 7: The Beginning of All the Changes

47 2 1
                                    

CHAPTER 7
------------------

Mula sa limbong kanyang kinaroroonan, may naririnig siyang mga nagsasalita na di niya mawarian, magulo.

Naramdaman niya na parang bumababa-taas ang kanyang dibdib, sumunod nagkakalinaw na ang kanyang mga naririnig.

"Charge a 150 Joules!"

"Charged!"

"Clear! 200 Joules!"

"Charged! Clear!"

Nawala na ulit ang mga boses na kanyang naririnig, nilalamon nanaman siya ng kadiliman.

Sandali teka lang! Fvck! Am I going to die? Not now! Kailangan ko pang balikan yung apat na yun!

At tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Napadilat si Hunter ng may marinig siyang nagaaway, hinanap niya ang mga ito, nahagip ng kanyang paningin ang dalawang taong nagaaway, malabo..

"Are you out of your mind!", inis na sabi ng lalaki sa isang babaeng mahaba ang buhok.

"I owe my life to him.", malumanay na sagot ng babae.

"Owe your life to him?", the man sarcastically laugh. "You can rid to that situation without the help of this damn man! Ano bang tumakbo diyan sa kukote mo!"

"Tama ka, kaya ko ngang makaiwas sa sitwasyong iyon, but doesn't change the fact that this damn man you were saying is willing to sacrifice his life for just a murderer like me."

Biglang natahimik ang lalaki sa sinabing iyon ng babae, para namang kinilabutan si Hunter sa huling katagang binigkas ng babae.

"He's awake.", napatingin si Hunter sa babaeng nagsalita, nakaupo ito malapit sa kanya.

Napabaling sa kanila ang atensiyon ng dalawang nagaaway.

"Hi Im Cell.", pormal na bati sa kanya ng babaeng nasa harapan niya. Shoulder length lang ang haba ng buhok nito. Nakasuot ng over-all na puting damit, mukha itong nurse.

"Kamustang pakiramdam mo?", tanong ng papalapit na babaeng mahaba ang buhok, nagulat siya ng makita sa malapitan ang mukha nito, ito yung babaeng iniligtas niya? Ngunit hindi niya pinahalata ang pagkagulat.

Hindi niya maibuka ang kanyang bibig, nanatili lang siyang nakatitig sa blangko nitong ekspresyon, hindi niya mabasa ang nararamdaman nito.

How come? Bakit nandito ang babae? Nasaan ako?

Sigurado si Hunter kulay puti man ang paligid hindi ospital ang kanyang kinaroroonan.

Matiim lang na nakatitig sa kanya walang buhay nitong mga mata, nakaramdam siya ng kilabot sa klase ng pagtitig nito.. Parang may mali.. Wala itong kabuhay-buhay.

Mahinang katok ang pumukaw sa atensiyon nilang lahat.

Isang malaking lalaki with a pormal look ang pumasok sa loob ng silid na iyon, mukha itong kagalang-galang.

"My lady and young master, pinapatawag kayo ni Sir Clifton.", malumanay ang pagkakasabi nito pero bakit kaba ang hatid ng boses nito kay Hunter?

"Gising na pala ang ating panauhin, maiwan ko muna kayo.", lumabas na ulit ang lalaki.

"Great! Just Great! Gumawa ka ng ikapapahamak mo my little princess.", sarkastikong saad ng isang lalaki at lumabas na din.

"I'll be back!", at lumabas na nga din ang babae, nasundan niya na lang ang papalayong likod nito, hanggang bewang ang alon-alon nitong buhok.

The Lifeless Lady-(SMF) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon