Chapter 3: The man who is a sister's boy?

65 3 1
                                    

CHAPTER 3
------------------

Ilang minuto din siyang naglakad takbo hanggat nakakita siya ng dalawang liwanag sa madilim na lugar na iyon. Despiradong hinarang niya ito.

Laking pasasalamat niya na taxi iyon, dalidali siyang pumasok sa backseat.

"Ma! Sa Fioree."

Ilang sandaling natigilan ang driver, ngunit nagmaniobra na ito pakanan upang bagtasin ang Fioree.

Hininto siya nito sa isang kanto malapit sa traffic lights, nagbayad siya dito at bumaba na ng kotse.

Bumaling siya sa kanan niya at nagumpisa ng maglakad, madilim ang lugar na iyon, wala kasing kailaw-ilaw.

Labing-limang minuto din siyang naglakad upang makapunta sa subdivisiong kanilang tinitirahan ng ate niya.

Isang gate na malaki at kulay pula na may karatulang COPELAND sa itaas ang pinasukan ni Hunter, ang guard mukhang inaantok na, hindi rin naman masyadong sikat ang subdivisiong iyon, mukha na nga itong napabayaan, walang proper hygiene ang mga taong naninirahan doon, may basurahan naman pero may mga nagkalat paring kalat sa paligid, yung damo na hindi na natatabas at kasing taas na ata ng tao ay para kang nasa gitna ng kagubatan o kaya ay nasa isang liblib na lugar, wala na ang cleanliness at neatness ng lugar na iyon.

Pumasok si Hunter sa may kababaang kulay puting gate, bukas na ang mga ilaw sa bahay na iyon kaya paniguradong may tao na sa loob.

Hindi na nag-abala pang kumatok si Hunter dahil may susi din siya ng bahay.

Malinis at maaliwalas na sala ang bumungad sa kanya, napangiti siya, ang sarap lang sa pakiramdam na madadatnan mong malinis lagi-lagi ang bahay niyo, ayaw kasi ng ate niya sa makalat kaya halos araw-araw ata itong naglilinis ng bahay.

Napatingin siya sa bukana ng kusina ng may marinig siyang kalansingan ng pinggan, nagtungo siya roon para lang makaramdam ng guilt dahil nakita niya ang ate niya na naghahain na ng hapunan nila.

Naka uniform parin ito, mukhang pagkauwing-pagkauwi sa trabaho ay dumiretso agad ito sa kusina para magluto ng hapunan, samantalang siya nagtulog nanaman sa rooftop, hindi umattend sa lahat ng klase niya at nagsugal pa siya!

Ba't ba lagi kong nakakalimutan ang habiling iyon?

Mag-aaral mabuti! Laging sinasabi ng ate niya sa kanya sa tuwing aalis siya ng bahay para pumasok.

Naguilty nanaman siya, lumapit siya sa ate niya at walang babalang niyakap niya ito.

"Oh! Andiyan ka na pala!" Gulat na sabi nito, sinubsob niya lang ang mukha niya sa likod nito.

"Hmm.. Let me guess.. may nagawa ka nanaman bang mali?", usisa nito ngunit hindi niya ito sinagot sa halip humigpit lang ang yakap niya dito.

Kilalang-kilala na talaga siya ng ate niya, pagkakaiba ang kinikilos niya tulad na lang ngayon alam na ng ate niya ang dahilan kahit hindi niya pa sinasabi.

Ilang sandali lang silang nanatili sa ganoong posisyon.

"Hala! Sige na! Baka maiyak pa ko sa ginagawa mo.", natatawang sabi ng ate niya at kumalas na sa pagkakayakap niya, hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. "Wag na lang uulitin ah?", seryosong sabi nito, napayuko na lang siya.

Lagi namang ganun ang ate niya, hindi siya tatanungin kung ano ang nagawa niyang mali, basta lagi lang siya nitong pinangangaralan o kaya ay pagsasabihan na "wag ng uulitin." Lalo tuloy siyang naguilty, napaka maintindihin talaga ng ate niya.

"Ang cute! cute talaga ng bunso ko.", at kinurot ng ate Makayla niya ang magkabila niyang pisngi, dahilan para mapalitan ng inis ang nararamdaman niyang guilt.

"Ate naman!", agad niyang tinabig ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang mukha.

"Haha.. Oh ayusin mo nga yang mukha mo! Hala sige ka baka pumangit ka niyan! Tara na nga at kumain.", at natatawa itong umupo sa pang-apatang lamesang iyon.

Nakabusangot naman ang mukha na naupo na si Hunter.

Tanda ko na ginagawa pa akong bata! At kailan ba siya titigil tawagin akong bunso!

"Ayusin mo na nga yang pagmumukha mo at kakain na tayo, para naglalambing lang naman si ate eh.", himig nagdadamdam.

Bigla namang nagbago ang mood ni Hunter sa sinabi nito, para siyang binuhusan ng malamig ng tubig at nawala ang oagkabusangot ng kanyang mukha.

Kahit kailan talaga ang ate niya lang ang may kakayahang pagaanin ang loob niya.

Magana siyang kumain, matapos yun nakipag agawan siya sa ate niya sa paghuhugas ng pinagkainan, alam ni Hunter na pagod na ang ate niya kaya pinilit niyang siya na lang ang maghugas ng pinggan upang makapagpahinga na ito. Sa huli wala itong nagawa kundi payagan siyang maghugas.

Matapos niyang maghugas ng pinggan, pumasok na siya sa kwarto niya, naglinis ng katawan at nahiga na sa kama.

Ipinikit niya na ang kanyang mga mata..

Natapos nanaman ang isang walang kwentong araw para sakin!

---

The Lifeless Lady-(SMF) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon