CHAPTER 2
------------------Tuloy-tuloy lang na naglakad papasok si Hunter kahit may bantay sa harapan ng pintuan, ngunit hindi siya hinarang nito dahil tulad ng nakagawian, binigyan niya ang guard ng 500pesos para papasukin siya.
3thou na lang pera ko pero kaya ko pa tong mapalago. Tiwala sa sariling sabi ni Hunter matapos makita ang laman ng pitaka.
Lumapit siya sa counter upang ipapalit sa chips ang pera niya.
Naghagilap ang kaniyang mga mata, naghahanap siya ng bakanteng lamesa.
Napukaw ang pansin niya sa isang sulok, madaming taong nakapalibot sa isang mesa, mukhang bigtime ang mga naglalaro doon dahil sa tumpok-tumpok na chips na nakatabi sa mga naglalaro, at may isang napakaganda at sexy na babae ang nagbabaraha at taga bigay ng baraha sa bawat manlalaro, habang yung iba naman nagsisilbing miron.
Sa ibang panig din ganun ang nagaganap, mas naagaw nga lang ang pansin niya ng nasa sulok dahil madaming miron na halos matakpan na ang mga manlalaro.
Ayun!
Nadaanan niya ang Slot Machine, Wheel of Fortune, Keno, Baccarat, at Black Jack
Ngunit isa lang ang pinuntahan niya, iyon ay ang nakita niyang bakanteng lamesa, Poker lang naman ang lalaruin niya kaya hindi na kailangan pa ang Staff ng Casino ang magkokomando, mas maganda kasi kung kayo-kayo lang ang maglalaro walang magmamanipula ng laro.
Napangisi si Hunter, dahil kauupo niya pa lang sa lamesa ay may nakita na siyang matandang lalaking palapit sa kanya.
"Hey! Old man! Wanna play with me.", nakangising tanong niya dito.
"Wala kang galang sa matanda bata ah.", sa halip na pagalit, nangingiti pa ito ng magsalita. At naupo na yung matanda, hudyat na pumapayag itong makipaglaro sa kanya.
"Ikaw!", tawag ng matanda sa lalaking di kalayuan sa kanila.
Maang naman na napalapit sa kanila ang lalaki.
"Bakit?", takang tanong nito.
"Ikaw ang magbalasa.", utos ng matanda dito.
"Aba'y sige!", galak na sang-ayon nito dahil paniguradong isa lang ang iniisip nito sino man ang manalo sa dalawa may balato itong matatanggap.
Habang nagbabalasa ang lalaking tinawag ng matanda, may mangilan-ngilan na ding naglalapitan sa kanila para manood.
Ngunit may napansin si Hunter, pangatlong laro na kasi iyon at talo nanaman siya.
Sinipat niya ang barahang hawak niya ngayon, parang kinakabisa niya iyon. Napangisi siya bigla.
Tignan natin kung manalo pa ang matandang ito! Magka-kutsaba pala kayong dalawa ah! Tsk! Kunwari pa tong matandang to! na naghanap ng mambabalasa eh kakilala naman pala niya, madadaya! May palatandaan sila sa bawat baraha kaya alam nila kung ano ang mga ito!
Kung gusto nila ng dayaan pagbibigyan ko sila..
Hinintay ni Hunter ang paglantad ng baraha ng kalaban niya at ngiting-ngiti pa ito, napangisi din siya, talo nanaman siya pero mataktika niyang pinalitan ang barahang hawak niya ng iba pang baraha gamit ang baon-baon niyang baraha na nasa secret pocket niya.
Nang ilantad niya ang baraha nawala ang ngiti sa mga labi ng matanda, at nang-uusig na tumingin ito sa mambabalasa, nagtataka lang na napailing ang mambabalasa sa matanda.
Ngi-ngisi-ngisi naman si Hunter. Umpisa na ng matinding pandaraya!
Panalo si Hunter at sa sumunod na ilang round pa, nanalo nanaman siya.
Napapangiti si Hunter sa sarili habang binibilang ang lilibuhing pera na panalo niya, habang lumalabas sa Casino.
Woooo!! Oh boy! Kawawang matanda! Kung hindi niya kasi ko dinaya baka sakaling nakipaglaro ako sa kanya ng patas! Sorry na lang siya nagkamali siya ng tinalo! Natatawang sa isip-isip ni Hunter.
Well this is life! Kanya-kanya lang talagang diskarte para magkapera.
Hunter don't believe in superstitions, epigram and beliefs.
But he have a motto pagdating sa sugal.
"Ang taong manduruga hindi uuwing luhaan, kaya kung wala kang kamuwang-muwang sa panduruga, umuwi ka na lang at magbalat ng patatas.""Mukhang tiba-tiba tayo boy ah!", natigilan sa paglalakad si Hunter ng may humarang sa kanyang apat na malalaking lalaki. Napatingin siya doon sa nagsalita kalbo ito at mukhang sanggano.
"Ato naaalala mo pa ba kami ha?", maangas na tanong ng lalaking kulay blond ang buhok at mukhang goons.
"Balik mo samin yung pera namin!", matigas na utos ng lalaking may itsura sa apat.
"Amina yang pera mo!", utos naman ng lalaking shoulder length ang buhok.
"Ano ko hilo? Hindi ko sa inyo ibibigay pera ko!", palabang sagot ni Hunter na hindi nagpakita ng pagkasilo sa apat na maskuladong lalaki.
"Aba't matapang! Tignan natin kung magmamatapang ka pa matapos tong gagawin namin sayo!", sagot noong kalbo at naglabas ng balisong, ganun din yung lalaking long hair naglabas ng balisong, yung lalaki namang blond ang buhok naglabas ng batuta at yung lalaking may itsura sa apat tanging kamao lang ang gagamitin ngunit tadtad naman ng singsing ang mga daliri siguradong babaon yun sa balat niya pagsinuntok siya nito.
Lumibot ang paningin ni Hunter sa apat, naging mailap ang mga mata naghahanap ng malulusutan, kung isa-isa lang ang laban may pag-asa siyang mapatumba yung apat na lalaki ngunit sa tingin niya'y sabay-sabay na susugod ang mga ito, makaganti man siya ng suntok talo parin siya paniguradong sa ospital ang bagsak niya.
"Tuso ka rin bata ah! Mahusay kang manduga.", sabi ulit ng lalaking kalbo.
"Tanggapin niyo na kasing talo kayo!", palaban paring sagot ni Hunter, naalala niya ang mga ito, ito yung apat na lalaking nakalaro niya noong nakaraang araw. Maduga din ang mga ito, kaya nanduga din siya, kaya patas lang.
"Matapang ka talaga bata ah!", nagngingit-ngit na sambit ng kalbo at sinugod siya. Inunahan niya ito, akmang susuntukin siya nito ngunit tinadyakan niya ito sa may baba nito dahilan para mapaluhod ito sa semento at tuluyang napahiga habang namimilipit sa sakit.
Natigilan yung tatlo sa ginawa niya at iyon ang sinamantala niya, tumakbo siya ng napakabilis.
"Letse habulin niyo!", rinig niyang sigaw ng kalbo kaya napa tingin siya sa likuran niya at nakita niya na ngang humahabol sa kanya ang mga ito, habang inaalalayan ng may itsura yung kalbong sinipa niya sa harapan.
Lusot dito, lusot doon ang ginawa ni Hunter upang makatakas sa mga ito, pumasok siya sa iskinita, may nakita siyang malilikuan sa kanan kaya bumaling siya dito, ngunit nakakailang hakbang pa lang siya pakanan dahil sa kadiliman hindi niya napansin na may hagdan pala at nawalan siya ng balanse dahilan para mahulog siya pababa, limang baitang lang iyon ngunit napuruhan ang kanang binti niya pati kanang braso.
Dinig ni Hunter ang mga mabilis na hakbang kaya kahit kumikirot ang binti pinilit niyang tumayo at iika-ikang naghanap ng matatguan.
Isiniksik niya ang sarili niya sa pagitan ng dalawang pader.
"Nasaan na?", mula sa pinagtataguan niya narinig niya ang pamilyar na boses na iyon, hinuha niya ay ito ang lalaking blond ang buhok.
"Andiyan lang yon! Hanapin niyo!", sigaw naman ng lalaking kalabo sa hinuha niya.
"Maghiwalay na lang tayo boss.", mungkahi ng isa.
"Mabuti pa nga.", boses ulit ng kalbo.
At narinig na nga ni Hunter ang mga yabag paalis. Ilan sandali pa siyang nanatili sa madilim at mainit sa lugar na kanyang pinagtataguan bago nagpasyang lumabas.
Paika-ikang lakad takbo ang ginawa niya at palinga-linga ang ulong umalis na siya sa lugar na iyon.
---
BINABASA MO ANG
The Lifeless Lady-(SMF) [HIATUS]
AksiHunter Grayson is a bad-ass, pain in the ass, snob and he don't even care for the feeling of others. However, there is only one person he cares about his sister... Makayla. He value his sister like a crystal glass, he idolize, admire and respect her...