Chapter 6: The Dumbest Hero

46 4 0
                                    

CHAPTER 6
------------------

"Finally Im home, staying in that freaking hospital is a hell!", bulalas ni Hunter ng sumayad na ang kanyang mga paa sa loob ng bahay nila.

Napapailing na lang ang ate niya habang inaalalayan siyang maglakad. Nagkaroon ng sprain ang kaliwa niyang braso kaya kinailangan lagyan ito ng pangsuporta, hindi naman grabe ang sprain niya, medyo na twist lang ng konti ang buto niya. Nahihirapan din siyang maglakad dahil sa bugbog na natama niya sa mga binti at hita. Pero sabi ng Doctor pahinga lang ang kailangan at makakapaglakad na siya ng maayos.

Natapos ang isang araw na naburo lang siya sa bahay, pahinamad na nahiga sa kanyang kama si Hunter.

"Papatayin ko na yung ilaw, Goodnight.", hindi siya kumibo hinayaan niyang makalabas ang ate niya.

Pawang kadiliman na lang ang nakikita niya, tumingin siya sa kisame.

Hell hath no furry!! If I encounter those coward again! I fuckingly get my revenge! Lintik lang ang walang ganti!

Nagngi-ngitngit ang kaloobang pumikit na siya.

--

"Are you sure kaya mo ng pumasok?", bakas ang pagaalala sa mukha ng ate niya habang naglalakad na siya patungong pintuan.

Tumango lang siya sa ate niya.

"Eh yung kaliwang braso mo? Hindi na ba sumasakit? Nasan yung ginagamit mong suporter?", sunod-sunod nitong tanong.

"Ye! It's fine!", kinaway-kaway pa ni Hunter ang kaliwang kamay niya at hinampas ito sa pintuan. "See? Hindi na sumasakit. So hindi ko na kailangan ng pang-suporta sa braso ko.", tuloy-tuloy na siyang umalis ng bahay nila upang hindi na makita ng ate niya ang pag-ngiwi niya, medyo kumikirot pa din kasi ang braso niya kapag nagagalaw.

--

Nakapangalumbaba siya habang hinihintay ang professor. His bored, ba't kasi kay aga siyang ginising ng ate niya.

"Haaaay!", napahikab siya, parang gusto niya na lang matulog.

"Uhm!", may huminto sa gilid niya kaya napatingin siya dito.

"Hi! I think you need this.", kiming iniabot sa kanya ng babae ang yung notebook na hawak nito, kunot-noo lang siyang tumingin dito.

"Uhmmm.. Na-miss mo yung topic natin ng 3 days kasi na-ospital ka, may chapter test tayo ngayon.", paliwanag nito.

Mas lalo lang kumunot ang noo niya dito. Ilang segundong tumingin lang siya sa babae.

Nang di siya magsalita, nagtatakang nagtanong ang babae. "Hindi kaba magre-review?"

"Hindi!", direktang sagot niya dito.

Kailan ba siya natutong magreview?

"Ahhh..", unti-unting napalis ang kiming ngiti ng babae at ibinaba na nito ang notebook na kanina pa iniaabot sa kanya.

"Ganun ba sige.", alanganin itong ngumiti at tumalikod na para umalis.

"Tsk!", ipinatong niya na lang ang mga braso niya sa desk at sinubsob ang mukha doon.

"Ano kaba Rizza! Dapat hindi mo na nilapitan, napahiya ka lang tuloy! Hayaan mo nga siya sa buhay niya, siya rin naman ang magsisisipagbumagsak siya eh!"

"Okey lang ako yana."

"Anong okey dun? Hmp! Ikaw na nga nagmamagandang loob tapos ipapahiya ka lang? Tsk! Ni hindi man lang nagpasalamat kahit pabalat bunga!"

"Ako lang naman nag-alok Yana. Hindi naman siya nagtanong eh.. Sinubukan ko lang kung tatanggapin niya para mag-review and sad to say.. hindi.. pero ms.Eliana okey lang po ako so wag ng madaming sinasabi okey?"

The Lifeless Lady-(SMF) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon