Dedic ko kay babybangs.^___^
Thankyou again for the first vote.
Highle appreciated.
--
"Mahal magiingat kayo.", paalam ni Helmina sa kanyang asawa.
"Ikaw din mahal ingat ka.", hinalikan ni Clifton sa pisngi ang asawa.
"Pakiss din kay baby.", sabay baling sa kargang sanggol ni Helmina na dalawang linggo pa lang naisisilang, hinagkan ito ni Clifton sa noo.
"Hmmm.. Bango naman ng baby ko pati yung babes ko.", Clifton stare to Helmina while smiling.
"Naku! Umalis na nga kayo at baka mahuli pa sa school ang mga bata.", nangingiting sabi ni Helmina.
"Oh! Tara na daw at baka malate pa kayo, say goodbye to mommy and to your little sister na.", baling ni Clifton sa tatlong anak na lalaki.
"Mommy bye po.", naunang paalam ng panganay na si Zacharry, yumukod si Helmina para makaamot ng halik sa kanya si Zacharry. Ganun din ang ginawa ni Estefano at ang pinaka bata sa tatlo na si Geoffrey.
"Oh! Yung little sister niyo di niyo iki-kiss?", Helmina ask.
"Syempre ki-kiss po.", the three children said simultaneously and kiss the baby.
"Bye baby.", Estefano.
"Bye Zeraphina.", Zacharry.
"Bye baby Zera.", Geoffrey.
"Bye-bye my babies, mag-aral mabuti ah?"
"Yes mommy.", again the three children said simultaneously.
"Sige na lumakad na kayo, baka mahuli pa kayo sa klase."
"Sige mahal, alis na kami.", muli hinagkan ni Clifton sa noo at labi ang asawa.
"Bye mag-iingat wa?", tumango lang si Clifton.
"Bye mommy."
--
Masayang sinundo ni Clifton ang kanyang mga anak, habang pauwi nakita niya na bukas ang front gate ng bahay nila.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba.
For what?
Ang nakagawiang pagbusina upang pukawin ang pansin ng mga tao na nasa mansion ay hindi ginawa ni Clifton, bagkus dire-diretso siyang pumasok sa loob. May masama siyang kutob.
Eksaktong nakapasok na ang kotse sa loob, parang pakiramdam ni Clifton may kakaiba. Masyadong tahimik, bakit wala ang maid na magbubukas sana ng gate o kahit ang hardinero nila?
"Dito lang kayo wag kayong lalabas hangga't wala akong sinasabi.", bilin niya sa mga anak. Hindi na siya nag-abala pang ipasok sa paradahan ang kotse hininto niya ito sa bukana ng gate.
Kinuha niya ang baril sa may compartment ng kotse, bakas ang takot at pagtataka sa mukha ni Zacharry na katabi niya sa Front seat ng makita ang baril.
"I just want to ensure our safety.", paliwanag niya sa anak na panganay, at kumakabog ang dibdib na bumaba na siya sa kotse matapos masigurong lock iyon, nagtuloy-tuloy na siya sa pintuan ng bahay.
Pinihit niya ang seradura at maingat niya itong tinulak pabukas. At kagimbal-gimbal na tanawin ang tumambad sa kanya. Nagkalat na kagamitan, basag na flower vase, figurine at iba't-ibang kasangkapan na babasagin, nagkalat na mga papel, ang istante ng TV, bukas ang mga drawer nito, basag na din ang flat screen Television, may bakat ng butas ang pader.. na parang nagmula sa baril! At ganun na lang ang pagbundol ng takot at kaba sa kanyang buong pagkatao ng makita ang tatlong maid na nakabulagta sa sahig pati ang hardinero nilang si Mang Ignes, duguan ang mga ito at anyong wala ng buhay.
Ang kanyang mag-ina! unang-unang pumasok sa kanyang utak.
Lumibot ang kanyang mga mata at tumuon sa isang babaeng nakadapa sa sahig malapit sa hagdan. Wala sa sariling dalidali siyang pumunta dito.
Tinitigan niya ito, ang kanyang asawa! Duguan din at anyong walang buhay. Para siyang nauupos na kandila na napaluhod, unti-unting pumatak ang luha sa kanyang mga mata, parang naparalisa ang kanyang buong katawan, parang puputok ang utak na hindi niya matanggap ang kanyang nakikita. Ang asawa niya yakap ang kanilang nagiisang anak na babae, parehong duguan. Para siyang mawawala sa sarili, nabla-blangko ang kanyang utak.
Ano ang nangyari sa kanyang mag-ina? Bakit? Paano?, laksa-laksang emosyon ang sumapuso kay Clifton.
Ang kanyang mag-ina hindi! Hindi!
"Hindiiiiiii!!!!", malakas na sigaw niya, parang gustong magdilim ang kanyang paningin. Parang masisiraan na yata siya ng ulo.
"Ungaaaa!!", ngunit iyak ng sanggol ang nagpabalik kay Clifton sa realidad.
Dalidali niyang kinalong ang sanggol na yakap ni Helmina, animo prinotektahan talaga nito ang kanilang anak laban sa mga taong nanloob sa kanilang bahay.
Nanangis siya, ngunit nakaramdam siya kahit papano ng pag-asa dahil buhay ang kanilang bunsong anak ni Helmina.
Tagaktak ang luhang kinalong din ni Clifton ang asawa at inilagay sa kanyang hita, ang asawa niya patay na!
Hindi niya matanggap ang nangyayari, hiniling niya na sana'y isa lang bangungot ang eksenang ito, ngunit eto siya humihinga, dilat na dilat at na sa realidad, at nasa harapan niya ang asawa niya.. patay ito! Wala ng hininga.
Hindi maaari!
"Daddy ano po ang nangyari?", napalingon si Clifton sa nagsalita, si Zacharry at nasa likod nito si Estefano at Geoffrey na kababakasan ng takot ang ekspresyon ng mukha.
Hindi sumunod ang mga ito sa kanyang utos.
Lumapit ang mga ito sa kaniya, bakas ang pagkagulat sa mga mata ng mga ito ng makita ang ina nilang duguan.
"Dad what happen to mommy?", umiiyak na tanong ni Estefano.
"Bat po ang gulo ng bahay, who did this? Bat may dugo si mommy? Bat sila yaya duguan din? Pati si mang Ignes?", inosente at takot na tanong ni Geoffrey, sino nga bang bata ang hindi matatakot kung makakakita ng mga patay na katawan ng tao?
Hindi masagot ni Clifton ang katanungan ng mga anak sa halip tahimik lang siyang lumuha, umiyak din ang mga bata, ganun din ang sanggol na nakisali sa pagiyak.
Si Clifton puno ng hinagpis, sumisigaw ng katarungan ang utak at puso.
Pangako sa sariling magbabayad ang may kagagawan nito sa kaniyang mahal na asawa, kahit saang impyerno pa magtago ang mga gumawa nito susundan niya makatam lang ang katarungan para sa asawa't kasamahan nila sa mansiong iyon.. Kahit dumanak pa ulit ang dugo wala siyang paki basta makamit lang ang katarungan hinahangad..
Ngunit sisiguraduhin niyang dugo ng may gawa nito ang dadanak.
---
BINABASA MO ANG
The Lifeless Lady-(SMF) [HIATUS]
AksiyonHunter Grayson is a bad-ass, pain in the ass, snob and he don't even care for the feeling of others. However, there is only one person he cares about his sister... Makayla. He value his sister like a crystal glass, he idolize, admire and respect her...