THE BET

527 16 0
                                    

*THE BET*

A/N: I would like you to know that this whole story will be a Third Person's POV. Since si Stephen ang pinakamain rito, hindi kasi talaga ko marunong gumawa ng POV ng lalaki so magiging fail. So yun. Hahaha. Enjoy!

"Stephen, pinapapunta ka ni Coach sa gym" sabi ni Renji. Ang kateammate ni Stephen sa basketball. Varsity kasi sya.

"Sige. Salamat pre"sagot ni Stephen kay Renji at lumakad na papunta sa gym.

Nang papalapit na si Stephen sa gym, napansin nyang may mga grupo ng lalaking nag-uusap ng masinsinan, at sa di kalayuan, napansin nya si Aldrin na pinaliligiran ng mga ito. Napansin din ni Stephen na ang kausap ni Aldrin ay ang leader at members ng sikat na fraternity sa Perpetual Academy.Naisipan ni Stephen na makinig sa usapan ng mga ito.

"Wilner, ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit anong i-offer mo saakin, hinding hindi ako sasali sa fraternity nyo. It's a waste of time!"sabi ni Aldrin kay Wilner at sa mga kasama nito.

Lumapit si Wilner kay Aldrin at inakbayan ito, "Aldrin, ano pa bang gusto mo? Pwede kong ibigay sayo ang pagiging leader ng frat kung gusto mo." Sabi ni Wilner. Sa isip isip ni Stephen, ano kaya ang mayroon sa Kuya Aldrin nya kung bakit ito pinipilit sumama sa frat nila? Kadalasan kasi, ang frat nila ang pinapangarap at nilalapitan. Pero iba to eh, iba.

Bigla namang ngumisi si Aldrin kay Wilner at sa mga kasama nito tsaka sinabing, "Bobo ka ba ha, Wilner? Kasasabi ko lang na hindi ako sasali sa frat nyo. Kung wala na kayong sasabihin, aalis na ko. Pinapatawag ako ni Coach"sabi ni Aldrin at umalis na bago pa may masabi si Wilner.

Patuloy pa ring nakinig si Stephen kanila Wilner.

"Pre, bakit ba kasi pinipilit mo yung tao? Ayaw nga diba"sabi nung isa nilang ka-member.

Bigla namang sumama ang mukha ni Wilner, "Bobo ka ba? Sikat si Aldrin sa campus na ito. Panigurado, madadagdagan ang kasikatan ng One Line kapag sumali sya"sabi ni Wilner. One Line ang pangalan ng Fraternity nila. Oo, sikat si Aldrin sa campus dahil bukod sa may hitsura ito at nasa star section, naging sikat din sya dahil kay Stephanie Villasantos, na ate ni Stephen na pumanaw na.

Matagal ng pinapangarap ni Stephen na makasali sa One Line. Hindi para maging sikat pero gusto niyang masubukan ito. Ang cool kasi tignan. Kaya bago pa makaalis sila Wilner, nilapitan ito ni Stephen.

"Wilner!"sigaw ni Stephen kung kaya't napaharap si Wilner at ang mga kasama nito.

"Bakit?"cold nitong tanong kay Stephen

"Uhmm, narinig ko kasing niyayaya niyo si Kuya Aldrin sa grupo nyo"sabi ni Stephen kay Wilner

Napataas naman ang dalawang kilay ni Wilner "Tapos?"sabi nito

"Kung pwede sana..."kinakabahang sabi ni Stephen.

Lalo namang napataas ang kilay ni Wilner.

"Ano yung kung pwede?"sabi nito kay Stephen

"Ano kasi..."sabi ulit ni Stephen ng kinakabahan

Napasmid nalang si Wilner "Bata, kung wala kang planong diretsuhin ako. Aalis na ko, marami pa kong gagawin. Tara na boys"sabi ni Wilner at paalis na sana sila ng mga kasama niya ng pigilan sila uli ni Stephen

"SAGLIT!"pigil ni Stephen dahilan kung bakit napatigil uli sila Wilner

Humarap uli sila Wilner rito ng mukang naiinip na.

A 30-day betTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon