"Stephen!" napalingon si Stephen sa tumawag sa kanya at nakita niya ang bestfriend niya. Si Juliana Maxine Mendez.
Tumango lang si Stephen kay Juliana at napalunok. Matapos ang deal nila ni Wilner, naging tuliro na siya.
"Uy, Stephen!" sabi ni Juliana at hinawakan siya sa balikat.
"Oh, Max. Hindi ka ba mag-aaral?" tanong niya rito.
"Uhmm, tapos na ako mag-aral" sabi nito at inayos ang salamin. Tumango naman si Stephen.
Naglalakad silang dalawa habang nag-uusap nang biglang malaglag lahat ng libro ni Juliana.
"Oops, sorry. Tatanga tanga ka kasi. Apat na nga yang mata mo, bulag ka pa rin!" sabi ni Bettina, ang leader ng mga nambubully kay Juliana.
Pinulot lang ni Juliana ang mga libro niya at tinulungan naman siya ni Stephen.
"Bettina, stop bullying her!" kunot noong sabi ni Stephen kay Bettina.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Bettina "And why would I? This nerd doesn't belong here" sabi nito at umirap.
"Wala naman akong ginagawa sainyo" sabi ni Juliana.
"Ohh, how sad. I really don't know kung paano mo naging sister si Jhasmin Mendez. She is pretty as Stephen's late sister. And nakakaawa ka, Juliana. Hindi ka man lang lumebel sakanya" sabi ni Bettina at umiling iling. Nagtawanan naman ang mga alipores nito.
"You know what, Bettina? Shut up. Dahil kung mayroon mang panget rito, kayo yun! Napakapanget ng ugali ninyo! Let's go Max!" sabi ni Stephen at hinila na si Juliana. Naiwang tulala si Bettina at ang mga kaibigan niya.
"Stephen, sana hindi mo nalang ginawa yun" nahihiyang sabi ni Juliana.
"Max, para saan pa't magbestfriends tayo kung hindi ko gagawin iyon." sabi ni Stephen at umupo sa isa sa mga benches.
"Pero baka lalo lang kasi ako pag-initan ni Bettina at ng kampon niya" sabi ni Juliana at yumuko.
Hinawakan naman siya ni Stephen sa balikat "Max, kapag inaway ka nila, sabihin mo lang sa akin. Oh kaya lumaban ka. Mas matalino ka sa kanila noh!" sabi ni Stephen. Napangiti naman si Juliana.
"Salamat Stephen ha" sabi nito at inayos ang salamin.
Naalala na naman ni Stephen ang bet nila ni Wilner. Hindi niya magagawa iyon pero gusto niya magkaroon ng otoridad sa school nila.
"Uhmm, Max" tawag ni Stephen kay Juliana.
"Hmm?"
"May kailangan kang malaman" sabi ni Stephen at napalunok. Sasabihin niya ang plano kay Juliana at magpapanggap sila.
"Ano yun?" nagtataka si Juliana sa inaasta ng bestfriend.
"Ano kasi--
"STEPHEN!" napahinga si Stephen at nakita si Cholo, ang isa sa members ng One Line.
Mukhang nagtaka si Juliana sa biglang pagtawag ni Cholo. Hindi naman kasi ito varsity.
"Bakit?" tanong ni Stephen at napalunok.
"Pinapatawag ka ng Coach ninyo" pagkatapos ay bigla itong tumalikod.
"Uwi ka na ba Max?" tanong ni Stephen.
"Uhmm, oo. Parating na naman yung driver at patapos na klase ni Ate." tumango lang si Stephen.
"Sige, puntahan ko muna si Coach. Ingat ka." pagkatapos ay sumunod si Stephen kay Cholo.

BINABASA MO ANG
A 30-day bet
RomanceStephen Villasantos got tired of being his sister's shadow. He aspires to be a member of One Line fraternity in their campus to build his name. But the initiation is too much. What would he choose, his bestfriend or the 30 day bet?