Pagkatapos ng program, naglabasan na ang mga tao sa auditorium. Napatingin sila Stephen sa gawi nila Bettina at nakita nilang umiiyak pa rin ito.
"Nakakaawa naman si Bettina." sabi ni Juliana. Kumunot ang noo ni Stephen sa sinabi ng bestfriend nya. Naawa pa talaga ito sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya.
"Let's go, Max." sabi ni Stephen at tumayo. Sumunod naman si Juliana.
"Nako, nalimutan kong itext yung driver! May lakad pa naman si Ate at Vaughn ngayon." sabi nito
"Tara, mall tayo." sabi ni Stephen
"Ha?" nagtatakang sabi ni Juliana
"Ang sinabi ko, tara sa mall." pag-uulit ni Stephen
Napatango nalang si Juliana. Nang makarating sila sa mall, nagulat siya ng dalhin siya ni Stephen sa optical shop.
"Uhmm, Stephen, bakit tayo andito?" nag-aalangang tanong ni Juliana.
"We'll change that." sabi ni Stephen at tinuro ang salamin niya.
"But--
"No buts, Max" pagkatapos ay tinalikuran siya nito.
Matapos bilhan ni Stephen si Juliana ng bagong salamin, kumain at namasyal sila.
"Stephen, puntahan ko lang yun pinsan ko sa shop." pagpapaalam ni Juliana kay Stephen.
"Samahan na kita." tumango lang si Juliana.
Nang makarating sila sa tapat ng boutique, kinausap ni Juliana ang lady guard.
"Andito po ba si Ate Marsha?" tanong ni Juliana.
"Ay opo Ma'am. Nandun po sa may couch." sabi nito. Ngumiti lang si Juliana at pumasok na sa loob. Sumunod naman si Stephen.
Nakita ni Juliana ang pinsan niya kasama ng mga kaibigan nitong nagtatawanan.
"Ate Marsha!" napatigil naman sila sa pagtatawanan at napatingin kila Juliana at Stephen.
Tumayo naman ito bigla.
"Oh Juliana, Stephen, napadalaw kayo?" nakangiting tanong nito.
Tumingin ito sa mga kaibigan niya "Girls, this is my cousin Juliana Maxine Henares Mendez and her bestfriend, Stephen Villasantos" pakilala nito.
"Hello!" sabay sabay na sabi ng mga kaibigan nito.
"Sophia, hindi mo naman nasabi na may pretty ka palang pinsan" nakangiting sinabi noong chinita.
"She's the topnotcher of their batch and Stephen's a member of the basketball varsity. Right? I told you, dapat sa Saavedra na lang din dapat kayo nag-aral. By the way, these are my friends."
"Cess, Christine, Val, Kiana and Leen." Ngumiti naman silang lahat.
"Wala pala kayong klase, Ate?" tanong ni Juliana
"Cutting. No I'm kidding. Wala eh" sabi nito. Tumango lang si Juliana.
"So you're the sister of Jhasmin Mendez?" tanong ni Kiana. Tumango lang si Juliana bilang sagot.
"Oh, kitang kita naman sainyo ang pagiging Henares, eh. Like Sophia, maganda na mayaman pa!" sabi ni Cess at naghi5 sila. Ngumiti lang si Stephen at Juliana.
Maya maya matapos ang kwentuhan at asaran, naisipan nila Juliana at Stephen na mamasyal muna saglit bago umuwi. Nag-uusap sila ng biglang may nagtext sa cellphone ni Stephen.

BINABASA MO ANG
A 30-day bet
RomantikaStephen Villasantos got tired of being his sister's shadow. He aspires to be a member of One Line fraternity in their campus to build his name. But the initiation is too much. What would he choose, his bestfriend or the 30 day bet?