-4-

185 14 0
                                    

"Napakatuso mo talaga, Wilner!" Nanggagaliiting sigaw ni Maicie. Ngumisi lang si Wilner.

"That's me." At nagkibit-balikat ito.

Umalis na si Stephen sa locker room para puntahan si Juliana sa Principal's Office. Nakita niya itong nakayuko.

"Max" napatingin naman ito sakanya.

"Stephen, believe me. Hindi ko iyon magagawa!" naiiyak na sabi nito.

"Yes Max. Naniniwala ako sayo"

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita nila si Jhasmin.

"Juliana, I know this is impossible pero bakit mo iyon ginawa?" nakakunot-noong tanong ni Jhasmin.

"Ate, pati ba naman ikaw? I can't do that! Someone framed me up!" pagtatanggol ni Juliana sa sarili niya.

"Okay, then sino?!" tanong nito. Bakas sa mukha ni Jhasmin ang pagod at disappointment.

"Si Bettina Alvarez, Ate Jhas." sagot ni Stephen. Napatingin naman si Jhasmin sakanya.

"Sigurado ba kayo sa sinasabi ninyo? Baka mapahiya lang tayo pag sinabi natin ito." sabi ni Jhasmin na pabalik-balik ang tingin sa kanila.

"Yes, Ate Jhas. I'm 100 and 1 % sure. Matagal ng pinag-iinitan ni Bettina si Juliana. She always say na malayo raw kayong dalawa sa isa't isa--

"Stephen, tama na." sabi ni Juliana.

"No, Stephen. Continue." sabi ni Jhasmin.

"She even bullied Juliana physically. Ate Jhas, pinagtatakpan siya ni Juliana sayo cause she knows na ipagtatanggol mo siya." tinignan naman ni Jhasmin ang kapatid niya.

"Juliana, you should've told me what's happening to you. Hindi yung ganito." awang-awang sabi niya rito.

Maya maya, dumating na ang Principal. Malungkot itong ngumiti sa kanila.

Umupo ito sa upuan niya at tumikhim.

"Miss Juliana Mendez, I didn't expect na mangyayari ito. You're a genius, for pete's sake. That's why I don't believe that issues. Someone also told me na hindi ikaw ang may gawa and someone framed you up. But Miss Mendez, the board wants you to take that exam in front of them. Is that fine with you?" bigla namang lumiwanag ang mukha ni Juliana.

"Of course, Ma'am! That's perfectly fine with me! Salamat po!" tuwang tuwa niyang sabi.

"Buti nalang may umamin. Kaya nga ako medyo natagalan eh. Sorry for that. You can go now." tuwang tuwa naman silang lumabas doon sa Principal's office.

Alam ni Stephen na napaamin agad nila Wilner si Maicie sa Principal.

"Oh my goodness, Juliana! I thought kung ano ng mangyayari." sabi ni Jhasmin at bumuntong hininga.

"Ako rin, Ate. Akala ko maniniwala na sila." nakangiting sabi ni Juliana.

"Of course Max! Hindi sila maniniwala. Matalino ka and alam ng lahat yun. Kaya nga maraming naiinsecure sayo" sabi ni Stephen.

"True!" pagsang-ayon naman ni Jhasmin.

"JHASMIN!" napalingon naman sila sa tumawag kay Jhasmin.

Ngumiti naman si Jhasmin rito "Oh, Nicole. Hello! By the way, this is my sister, Juliana Maxine Mendez. And her bestfriend, Stephen Villasantos. Guys, this is Nicole Sandoval. You call her Ate Nicole." Pagpapakilala ni Jhasmin.

A 30-day betTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon