"Luis, ikaw ang bahala kay Bettina. Halatang halata na patay na patay yun sayo" sabi ni Wilner. Tumango naman si Luis."Cholo at Michael, kayo ang magvivideo noong gagawin ni Luis kay Bettina" tumango naman ang dalawa.
"Teka Wilner, ano ba 'tong binabalak mo?" ngumisi lang si Wilner kay Stephen.
Pagkatapos ng klase ni Stephen, lumabas na siya at nakita niya ang Driver na naghihintay sakanya.
"Sir Stephen, sa bahay na po tayo?" tanong nito nang makasakay siya.
"Hindi po. Kila Max tayo" tumango naman ang Driver.
Nang makarating sila kanila Juliana, dali-daling bumaba si Stephen. Pinapasok naman agad siya dahil kilala siya roon.
Nakita niya si Jhasmin sa veranda na katatapos lang makipag-usap sa phone.
"Ate Jhas, si Max po?" ngumiti ito at tumayo.
"Nasa taas. I wanna ask you something, Stephen" seryosong sabi nito. Bigla siyang kinabahan dahil hindi ito nakangiti.
"May problema ba si Juliana sa school? I mean studies?" Umiling naman si Stephen dahil wala naman talaga. Gusto man niyang sabihin, gusto niyang si Juliana ang magsabi nito.
"Uhmm okay. Kasi I was shocked kanina noong sinundo ako ng driver. Nagpasundo daw si Juliana kaninang 11 am. And ang dumi dumi rin ng uniform niya. Even her glasses were broken. May nambubully ba sakanya? You know, Juliana is a grade conscious student kaya baka napagkakamalang nerd" gustong gusto mang sabihin ni Stephen ang totoo, hindi niya magawa dahil baka magalit si Juliana sakanya.
"W-wala po akong alam, Ate. Sorry" sabi ni Stephen. Tumango naman si Jhasmin.
"Sige. She's upstairs. I'm just concerned about her. You know, our parents nasa States. Juliana is my responsibility." tumango lang si Stephen at umakyat na sa taas.
Kumatok muna siya bago niya buksan ang pinto. Nagulat naman si Juliana nang nakita si Stephen.
"Max, ayos ka na ba?" ngumiti ito at umupo mula sa pagkakahiga.
"Hindi pa rin. Parang ayoko na pumasok sa school, Stephen. Hindi naman ako ang may gawa nun sa gamit ni Bettina. Nagulat lang ako dahil pagpasok ko ng locker room, may mabaho. Tapos inamoy amoy ko isa isa. 'Di ko naman expected na ganon yung mangyayari" sabi nito at yumuko.
"I know, Max." kumunot naman ang noo ni Juliana.
"Paano mo nalaman?" natauhan naman si Stephen sa sinabi niya.
"I trust you, Max. Alam kong hindi mo magagawa yung ganon" palusot ni Stephen.
"Hay, hindi ko alam kung bakit napakalaki ng galit ni Bettina sa akin. Wala naman akong matandaang ginawa ko sa kanya" sabi nito at bumuntong hininga.
"Naiinggit lang yun, kasi matalino ka, mabait at maganda" bigla namang namula si Juliana sa sinabi ni Stephen. Pinilit nalang nito ngumiti.
Para malibang, inaya ni Stephen si Juliana na maglaro ng video games. Nang kinagabihan na, inaya ni Jhasmin si Stephen na magdinner nalang sa kanila pero dahil sa medyo late na, next time na lang daw.
Pagkauwi niya sa kanila, ganon pa rin. Malungkot. Walang tao ang la mesa. Wala ang parents niya pati ang Ate Trix niya at Grandma Elaine. Napailing na lang si Stephen.
Kinabukasan, bago pumasok si Stephen sa first class niya ay naisipan muna niyang pumunta sa locker room para kumuha ng ilang libro. Nang papasok siya sa locker room section, natigil siya dahil parang may nagkakagulo sa loob. Naisipan muna niyang makinig roon.

BINABASA MO ANG
A 30-day bet
RomansaStephen Villasantos got tired of being his sister's shadow. He aspires to be a member of One Line fraternity in their campus to build his name. But the initiation is too much. What would he choose, his bestfriend or the 30 day bet?