Third Person POV
Kinabukasan, may pasok nanaman.
Nandyan nanaman ang mga estudyanteng daldalettes na kung saan ay makikita mo silang daldal ng daldal sa mga kaibigan nila na para bang hindi nagkita ng ilang taon pero sa totoo ay araw-araw silang nagkikita.
Nandyan din ang mga estudyanteng mala-news reporter na kung saan hindi sila nawawalan ng mga storya sa mga kaklase nila.
Ang mga estudyanteng unggoy na kung saan ay makikita mo silang nakahawak sa ulo nila na kunyari ay hinahawakan lamang ito pero sa totoo ay naghahanap na ng mga alaga sa buhok.
Ang mga estudyanteng kiti-kiti na kung saan ay makikita mo silang nakatayo sa mga upuan nila at pakalat-kalat kahit saan.
Ang mga estudyanteng may future sa pagiging runner na kung saan ay may mga runners este estudyanteng tumatakbo kahit saan na para bang hinahabol sila ng aso.
Marami pang iba't-ibang klase ng mga estudyante ngunit may dalawang estudyante dito na ibang-iba sa mga common students.
At 'yon ay sina Sunny Villegas at Steven Willford o ang mas kinikilalang Ms. Pambara at Mr. Pilosopo.
Hindi maiwasang mapatingin ang mga estudyante sa isang babaeng walang kaemosyong-emosyon tignan. Na kung maglakad ito ay parang walang tao sa paligid niya.
Jansport na kulay blue na bag ang nakasukbit sa kanyang kanang balikat at nakahawak ito sa strap ng bag niya samantalang ang isa niya namang kamay ay nakapasok sa bulsa ng blazer niya habang ang kaibigan niya namang babae ay nakasunod lamang sa likod niya.
"Hey girl! Isn't that Ms. Childish?" Tanong ng isang babae.
"Hmm? Oo nga noh! Grabe, ang kapal talaga ng mukha niyang pumasok pa dito pagkatapos niya tayong ipadetention." Masungit na sagot naman ng babae.
"Aba't himala, nagbago na ata ang isip-bata?" Nakangising tanong ng babae.
"Malamang, naka Jansport eh. Hindi na yung Hello Kitty bag niya." Maarteng sagot ng kasama niya.
Napatigil sila sa pagsasalita nang biglang nagsalita ang babaeng pinag-uusapan nila.
"Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong duwag. Ang mga taong kaya lang manira kapag nakatalikod na ang taong sinisiraan nila." Malamig niyang sambit.
"Tinatawag mo ba akong duwag, bitch?!" Galit na tanong ng babaeng isa rin sa mga pinag-uusapan siya.
Lumingon naman ang babaeng pinag-uusapan nila sa kanya at tila biglang nanlamig ang buong katawan ng babae dahil sa mga mata na nakatingin sa kanya na walang emosyon.
"Bakit? Natatamaan ka ba?" Malamig niyang tanong.
Parang biglang umurong ang dila ng babae sa tanong niya.
"O-of course not! Bakit naman ako matatamaan?!" Nauutal niyang tanong.
"Ahh... Ganon ba? Sa pagkakaalam ko kasi kakatanong mo lang sakin kung tinatawag ba kitang duwag, hindi ba?"
Namula ang buong mukha ng babae sa sinabi ng babae sa kanya. Napuno ng galit at pagkapahiya ang nararamdaman niya kaya hindi na siya nakatiis pa at sinugod ang babae.
"Slutty bitch!" Sigaw ng babae.
Akmang sasampalin niya na ito nang mabilis na pinigilan ng babae ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Pambara meets Mr. Pilosopo
HumorSi girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana eh kaya lang immature kung mag-isip pero huwag niyo siyang mamaliitin. Dahil once na mambara na siya...