Chapter 80: His Decision

22.7K 864 165
                                    

Blue's POV

Anim na buwan na ang nakalipas simula nang umalis si Sunny. College students na kami ngayon sa Willford University na pagmamay-ari rin ng pamilya ni Steven. Naisipan kasi naming magtatapos kami sa iisang school lang kahit na iba-iba ang mga course na kinuha namin. Barkada goals kami.

Ang kambal ko ay kumukuha ng Architecture samantalang ako naman ay kumukuha ng Engineering. Si Demon ay nag-aaral bilang isang Radiographer. Si Steven naman ay Entrepreneurship ang kinuha dahil siya lang ang nag-iisang tagapagmana sa pamilya nila ay at mukhang nag-eenjoy rin naman siya sa kurso niya.

Medyo maraming nagbago sa mga nakalipas na buwan. Kasalukuyan kong liniligawan si Keanne habang ang kakambal ko naman ay mas lalong pumanget subalit ganoon pa rin ang trato niya kay Kiana. Palagi niya pa rin itong inaasar na ikinaasar naman ng isa. Si Demon naman ay ganoon pa rin ang ugali ngunit nagiging makulit lamang ito kapag nandiyan sa tabi niya si Louise.

Hindi sinundan ni Louise si Sunny dahil 'yon daw ang gusto ni Sunny na hindi niya ito susundan kung saan man magpunta si Sunny hindi katulad noon kaya lumipat rin daw si Louise sa Willford Academy dahil kay Sunny.

At si Steven? Medyo marami ring nagbago sa kaniya. Hindi na siya masyadong malamig kung makipag-usap sa amin. Minsan ay nagagawa niya pang magbiro sa amin na ikinagulat talaga namin. Ngunit mas naiyak talaga kami ng kakambal ko nang tinawagan niya kami minsan sa mga tunay naming pangalan. Hindi na yung idiot twins o yung translated man sa tagalog na pangalan namin. Hindi niya na rin masyadong pinagtitripan si Berde na ikinaiyak lalo ng kakambal ko sa tuwa. 

Ikinabigla rin namin ang pagtawag niya kay tito ng 'dad' imbes na 'old man' na katulad ng tinatawag niya sa tatay niya noon. Hindi na rin siya masyadong nagsasalita ng English dahil pinipilit niyang sanayin na ang sarili niya sa Tagalog. Medyo hindi na siya nagiging snobber pero siyempre, ano pa bang maaasahan natin kay Steven? Mukhang inborn na ang pagiging snobber niya.

Pero ang mas nagpagulo sa aming isipan ay ang reaksyon niyang pinapakita sa amin na para bang hindi umalis si Sunny. Na normal lang ang lahat. Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lang siya nagbago basta ang alam lang namin nung nagsama-sama ulit kaming magbabarkada ay nakita na lang naming tumatawa na siya sa mga pinapanuod naming movies. Kasi dati kahit yung pinakanakakatawang movie pa ang ipapanuod namin sa kaniya ay wala siyang pinapakitang kahit na anong ekspresyon na para bang nasa hitsura nito na hindi niya gusto ang mga movies na pinapanuod namin. Kahit pa horror movie ay wala rin siyang pinapakitang ekspresyon. But now, it's like he's already taking his mask off that he wore for a long time.

At kahit nakakapanibago man sa amin na as in kulang na lang magkaheart attack na ang kakambal ko sa tuwing pinapakita ni Steven ang biglaan niyang pagbabago, I still think it's a good change for him.

The new Steven is much better than the old one.

Dumating kami ng kakambal ko sa may mga bench kung saan tumatambay kaming mga college students after ng mga klase namin o kapag hinihintay namin ang aming susunod na mga klase. May mga mesa rin dito para doon kami nakakagawa ng mga assignments or projects. Minsan naman ay may mga ibang college students na dito kumakain.

Nanlaki na lamang ang mga mata namin nang makita naming nakikipagtawanan si Steven sa mga kaklase niyang lalake.

"Asul, pakisapikin nga ako baka nananaginip lang ako sa nakikita ko." Utos ng kakambal ko na ikinasunod ko naman.

"Ay tikbalang! Hoy! Ang sakit! Bakit hindi mo man lang ako ininform na sasapikin mo na ako? Bwiset." Wika ng kakambal ko habang nakahawak sa parteng sinapik ko.

"Gago ka ba? Pagkatapos mo akong utusan, ngayon nagrereklamo ka sa akin? Pasalamat ka nga ginawa ko pa eh."

"Nag enjoy ka naman. Tss." Sarcastic niyang sinabi na ikinangisi ko.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon