Third Person POV
"Yes, papa?" Nakangiting tanong ni Brattina.
"Hi, tintin! Papa's going home tomorrow. Anong pasalubong ang gusto ng prinsesa ko? Hmm?" Masayang tanong naman ng papa ni Brattina sa phone.
"Nothing, papa. I just want you to come home na. I already miss you." Malungkot na sagot ni Brattina.
"Aww... My princess is so sweet as always. Don't worry, once I'm already back in the Philippines, you can tell me anything that you want. And I promise that I'll make it come true just for you." Malambing na sagot ng kaniyang papa na ikinatuwa niya.
"Thank you, papa!"
"You're welcome, princess."
Nag-usap pa sila ng ilang sandali hanggang sa nagpaalam na sila sa isa't-isa dahil may pupuntahan pang seminar ang papa ni Brattina sa Chicago, California. Pagkapatay ni Brattina sa tawag ay napasandal siya sa may kitchen counter at pumikit.
Napangiti na lamang siya nang maalala niya ang mga panahong nandiyan parati ang kaniyang papa para sa kaniya at para gawin ang lahat ng mga gusto niya.
She's definitely a spoiled brat when it comes to her father.
Her mama died after she gave birth to her. May sakit kasi ang mama niya sa puso sabi ng papa niya sa kaniya. Ipapa-cesarian dapat ang mama niya dahil sa sakit nito ngunit ipinilit ng mama niya na i-deliver siya ng normal kahit na alam nitong malaki ang chansang hindi na ito magigising pa pagkatapos niyang manganak kay Brattina.
Bago manganak ang mama ni Brattina ay nagkaroon ng matinding away ang papa at mama niya dahil ayaw ng mama niya na magpa-cesarian. Pangarap daw kasi ng mama niya na ang unang magiging anak niya ay ilalabas daw niya ito sa normal na pagpapanganak. Gusto daw kasi ng mama niya na maramdaman ang sakit sa pagpapa-anak sa una niyang sanggol. Kaya ngayon ay only child lang si Brattina at kaya rin spoiled na spoiled siya sa kaniyang ama.
Nang makwento na ng papa niya ang lahat tungkol sa mama niya ay hindi naiwasang isipin ni Brattina na ang weird ng nanay niya. Dahil sinong nanay ang magpapanormal delivery pa kung alam naman nitong may maselan siyang sakit na ikamamatay niya? Minsan nga ring pumasok sa isip niya na baka hindi siya mahal ng mama niya ngunit kaagad namang sinabi sa kaniya ng papa niya na mahal na mahal daw siya ng mama niya kahit na hindi pa siya ipinapanganak noon.
Hindi na muling nag-asawa pa ang papa niya dahil mahal na mahal nito ang kaniyang mama. May mga pagkakataong nagkaroon ito ng mga girlfriend ngunit hindi rin nagtagal ang mga 'yon sa buhay ng papa niya dahil sa sobrang busy ng papa niya sa trabaho at dahil na rin sa mahal na mahal pa rin nito ang kaniyang mama. Hindi lamang 'yon, isa rin siya sa mga dahilan kung bakit wala ring tumagal na mga babae sa buhay ng kaniyang papa. Ayaw niya kasing magkaroon ng kahating atensyon sa papa niya. Simula nang palagi niyang nakakasama ang kaniyang papa ay nasanay na siyang sa kaniya lamang ang buong atensyon ng kaniyang papa.
Botong-boto rin ang kaniyang ama kay Ice mula noon pa na pabor rin sa kaniya dahil mahal na mahal niya si Ice at ganoon rin naman ang lalaki sa kaniya.
Speaking of Ice...
"Manang! Parating na daw po si Ice! Pakihanda na lamang po ang mesa at ang mga pagkain." Utos nito sa kasambahay nila.
"Yes po, ma'am." Sagot naman ni manang bago ito kumilos upang gawin ang kaniyang inuutos kasama ang iba pang mga kasambahay.
Umakyat na siya papunta sa kaniyang kwarto upang makapagbihis at ayos na siya para mas lalong humanga si Ice sa angkin niyang ganda at hindi na nito maiisip na balikan pa muli ang ex fake girlfriend nito.
BINABASA MO ANG
Ms. Pambara meets Mr. Pilosopo
HumorSi girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana eh kaya lang immature kung mag-isip pero huwag niyo siyang mamaliitin. Dahil once na mambara na siya...