Keanne's POV
Shit! Nagkandaloko-loko na. Ba't kasi hindi kami nainform na nandito pala si Sunny? Ayan tuloy! Nagkandaleche-leche na yung mga nangyayari. Mas lalo lang lumala yung sitwasyon isama mo pa yung biglaang pag-amin nung magkambal. Walang 'ya! Paano na niyan?
Nang mahabol na namin si Sunny ay tahimik lamang kaming sumusunod sa kaniya dahil sa totoo lang ay nakakatakot na talaga ang aura niya ngayon. Gusto man namin magsalita ay hindi namin magawa dahil baka mapahiya at magalit lamang siya sa amin. Nang makalabas na kami sa mall ay bigla itong huminto sa paglalakad kaya napahinto rin kami.
"Bakit niyo ako sinusundan?" Malamig nitong tanong sa amin na ikinalunok namin ng malalim. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Tama ba ang desisyon na sundan siya o hindi?
"Kitty about doon sa sinabi nila Blueㅡ" naputol ang sasabihin ko nang bigla nitong hinarang ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Save it. I don't need to hear your explanations. I've heard enough. Actually, I've heard everything. Louise, if you think that I'm mad at you because you just shared to them my past life, well I'm not, okay? It doesn't matter to me whether you share it to them or not because I already accepted that we can't change what happened in the past. Ngayon kung tungkol naman sa magkambal, oo galit ako sa kanila. Sino ba namang hindi magagalit eh tinuring ko na silang kaibigan pero simula pa lang ay linoloko na pala nila ako dahil sa magaling nilang kaibigan. Gawin na nila ang gusto nila sa buhay nila 'cause I don't give a fuck anymore. Nakakasawa na. Paulit-ulit na lang. Now kung gusto nila na ganito ako, bakit hindi ko sila pagbigyan diba? Wala namang mawawala sa akin. Thank you dahil palagi kayong nandiyan para sa akin but for now, please leave me alone first." Walang emosyon nitong sagot sa amin bago kami nakarinig ng busina sa likod namin.
Liningon namin ito at nakita namin ang mga kuya ni Kitty sa loob ng isang itim na sasakyan. Kaagad na pumunta si Kitty sa sasakyan at pumasok sa back seat nito bago bumusina ulit ang sasakyan nila at umalis na ito.
Naiwan kaming tulala lamang na nakatingin kung nasaan ang sasakyan kanina bago kami nakarinig ng mga sigaw sa likod namin. Hinarap namin ito at bumungad sa aming paningin ang magkambal na tumatakbo papunta sa direksyon namin.
"Where is she?" Hinihingal na tanong ni Blue.
"We want to talk to her. We want to explain our sideㅡ" Hindi na natuloy pa ni Green ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Milky.
"Hindi na kailangan. She will not listen anyway." Walang emosyon nitong sagot bago ito naglakad papasok sa loob ng mall.
"Ha? What do you mean?" Naguguluhan na tanong ni Green.
"Ibig niyang sabihin ay sarado ang isip ni Sunny ngayon dahil sa mga kagaguhan na ginawa niyo sa kaniya." Masungit na sagot ng kapatid ko bago nito sinundan si Milky.
Malungkot ko lamang silang tinigan at tinapik ang mga magkabilaan nilang balikat bago ako naglakad papasok sa loob ng mall upang sundan ang dalawa.
Noong una ang saya-saya pa namin. Yung tipong wala kaming ibang pinoproblema at puro asaran lang kami. But now? Ito na ba ang kapalit ng pagiging sobrang masaya namin? That's why sometimes, being too happy is a bit difficult. Kung gaano ka kasaya dati, ganoon ka naman kalungkot ngayon. How fucking ironic life is.
Green's POV
Tangina... Tangina talaga. Bakit kasi napakagago namin? Kung alam ko lang sana na mapapalapit pala ang loob kay Ms. Cutie, edi sana hindi na lang ako nakisama doon sa putanginang plano ni captain. Pero hindi eh. Ang bobo ko! Ang tanga-tanga ko! Syet. Ang sarap bugbugin nung Brat na 'yon kung 'di lang siya babae. Bumabalik-balik pa ang bruha! Okay na eh. Masaya na sana kami pero bigla na lang sumusulpot ang isang 'yon tapos isama mo pa bwisit na ibon na 'yon. Dapat silang dalawa na lang yung nagkatuluyan eh. Mas bagay pa sila. Parehas silang mga extra sa buhay ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Ms. Pambara meets Mr. Pilosopo
HumorSi girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana eh kaya lang immature kung mag-isip pero huwag niyo siyang mamaliitin. Dahil once na mambara na siya...