Sunny's POV
"Milky, malayo pa ba tayo?" Tanong ko.
"Malapit na Kitty. Konting lakad na lang at mararating na rin natin 'yon." Sagot ni Milky.
Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya sa paglalakad dahil ginagabayan niya ako since I'm wearing a blindfold.
Napakamot ako sa ulo habang kating-kati na akong alisin ang blindfold na 'to.
"Bakit Kitty?" Tanong sa akin ni Milky.
"Kanina mo pa sinasagot sa akin 'yan eh." Nagtatampo kong sagot.
Anong tingin sa akin ni Milky?
Batang maliit na hindi makaintindi? Napanguso ako dahil doon.
Grabe siya ah.
"Kanina mo pa rin tinatanong sa akin 'yon eh."
"Paano ba naman kasi kanina pa tayo naglalakad ni wala ka mang sinasabi kung saan tayo pupunta." Nakanguso kong reklamo.
"Ah-eh... Basta! Malapit na tayo doon. Konti na lang."
"Ayoko na!" Pagmamaktol ko at padabog na umupo sa sahig atsaka nagcross arms habang nakanguso.
"Kitty! Tumayo ka na diyan." Pagpipilit sa akin ni milky at hinila ang aking kamay para patayuin ako ngunit mas matigas ang ulo ko sa kanya kaya mas lalo ko lamang pinapabigat ang aking sarili.
"Ayoko! Madaya ka! Ginawa ko naman ang sinabi mo na maglakad habang inaalalayan mo ako pero ako itong nagtatanong sayo kung saan tayo pupunta hindi mo man lang kayang sagutin ng matino. No! I will not walk again until you answer my question." Nakanguso kong sinabi at umikot ng konti habang nakaupo.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
Paano nga ba ako nagkaroon ng blindfold?
Ganito kasi 'yan.
Since it's the second day of the War of Gods ay kailangan pa rin naming mga Grade 12 na pumasok para ipagcheer ang mga Grade 11 na maglalaro at para na rin mafinalize ang mga larong sasalihan namin bukas.
Badminton ang napili ko dahil 'yon naman talaga ang sports ko.
Anyways, 'yun nga. Pumasok ako ng school ngunit pagkapasok ko ay may biglang nagtali ng panyo sa mga mata ko.
Sisigaw na sana ako pero napatigil ako dahil biglang bumulong si milky sa aking tenga at sinabing sumunod lang daw ako sa sasabihin niya.
At 'yon nga! Sinunod ko siya hanggang sa napadpad kami rito at nagsimula na akong topakin.
Eh kasalanan niya naman. Pabebe siya! Hmph!
Napatigil ako sa pagrereklamo sa aking isip nang marinig ko siyang magsalita na mukhang may kausap ito sa phone.
"Ayaw niya nang maglakad! Sabi ko naman kasi sayo na sabihin ko na sa kanya kung saan talaga kami pupunta dahil wala namang connect 'yon sa ipapakita natin sa kanya. Sige na, hihintayin na lang namin kayo dito." Saad niya at mukhang inend na ang call dahil hindi na siya muling nagsalita pa.
Aalisin ko na sana ang blindfold dahil namimiss ko na ring makakita nang bigla niya akong pigilan.
"Hep! Sige hahayaan na kitang umupo na lang diyan pero bawal mong alisin ang blindfold. Okay ba?"
"Okie!" Sagot ko at nag-okay sign pa.
Mga ilang minuto lamang ang nakalipas ay muli nanamang nagsalita si Milky.
"Kitty, aalisin ko na yung blindfold mo ha." Sambit niya atsaka inalis ang pagkabuhol ng tali ng panyo.
Nang maalis niya na ito ay medyo malabo pa ang mga nakikita ko kaya pinikit ko ng paulit-ulit ang aking mga mata hanggang sa naging maayos na ang aking paningin.
Napasinghap ako nang makita ko ang isang malaking bagay na nasa harap ko ngunit medyo malayo ito sa akin.
"Surprise!" Masayang sinabi nila Milky, Babob at Kiana.
"B-bi-big Hello Ki-kitty..." Nauutal kong sinabi habang nangingilid na ang aking mga namumuong luha.
"Go for it Kitty." Malambing na sinabi ni Milky at walang pagdadalawang-isip na tinahak ko ang direksyon ni big hello kitty at mahigpit na yinakap ito.
Nang mayakap ko na ito ay nagsimula nang tumulo ang aking mga luha.
Tears of joy! Huhu...
Napahiwalay ako sa pagkayakap ko rito nang may biglang pumasok na katanungan sa aking isip.
"Pa-paano niyo siya nakuha?" Takang tanong ko.
Tinignan nila kung seryoso ba ako sa tanong ko at tinignan ko naman sila pabalik upang malaman nila na seryoso talaga ako sa tanong ko.
"Pinalanunan namin doon sa laro kung saan siya ang prize. Well, actually si ate talaga ang nagpanalo dahil moral support lang kaming dalawa ni Milky." Sagot ni Babob.
"You deserve it, Kitty because without your help hindi mapaparusahan ang tatlong bitches lalo na yung may pangalang sofa at baka tuluyan nang masabotahe ang laban ni Cass." Pagpapaliwanag ni Kiana.
"Balita ko nadisqualified daw silang tatlo sa game nila sana para bukas at nasuspende pa sila sa buong week ng War of Gods at hindi lang 'yon. Kasama rin daw nilang maglilinis ang mga magiging talo para sa event na 'to." Saad ni Milky.
Magtatanong pa sana ako kung paano nila nalaman ang ginawa ko ngunit makakapaghintay naman 'yon kaya nagpasalamat na lamang ako sa kanila pero hindi ko alam kung narinig ba nila ang sinabi ko dahil busy silang pinag-uusapan ang bruhang 'yon kaya wala na akong pake basta ang mahalaga ay magkasama na kami ngayon ni Big Hello Kitty! Ayiee! Hihi...
Green's POV
"Captain naman! Bakit mo kami tinalikuran? Bakit mo tinalikuran ang basketball para lang sa badminton?" Natataranta kong tanong ngunit putangina! Tinignan niya lamang ako ng walang emosyon.
Oo pucha! May nakuha akong sagot sa tingin ni captain. Bwiset!
"Shut the fuck up, Berde. Demon is my co-captain. Therefore, he will be your captain for the meantime since I'm not going to play basketball for this event." Malamig niyang sinabi at tinalikuran ako ng bastos. Kinakausap pa eh!
Ang sarap talagang magfacepalm sa sitwasyon ko ngayon kaya 'yon ang ginawa ko.
Argh! Fuck my life! Fuck this fucking responsibility! Fuck you badminton!
Ano ba talagang rason mo captain at bigla kang nagbadminton?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
JamieeeBlue<3
BINABASA MO ANG
Ms. Pambara meets Mr. Pilosopo
HumorSi girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana eh kaya lang immature kung mag-isip pero huwag niyo siyang mamaliitin. Dahil once na mambara na siya...