Sunny's POV
Itinabi ko ang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya habang pinagmamasdan ko ang mahimbing niyang tulog.
Milky, I'm so proud of you. Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo at hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya dahil sa katapangan na pinakita mo. No words can express how happy I am for you, Louise.
Habang hinahaplos ko ang kaniyang malambot na buhok ay may biglang kumatok sa pintuan ng clinic.
Lumingon ako roon at nakita kong nakatayo doon sina Kiana at Babob.
Pumasok sila at umupo sa dalawang bakanteng upuan na nasa tabi ko.
Pagkaupo nila ay wala munang umimik sa aming tatlo hanggang sa nagsalita na si Babob.
"Nakita ko si ate sa dating classroom ng mga taga-Dionysus. Kasama niya si Green Fuentabella." Sambit nito na ikinalingon ko kay Kiana na ngayo'y nakayuko at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
"What happened? Anong ginagawa niyo doon?" Tanong ko na ikinatingin sa akin ni Kiana.
"I-Uhmm... Iㅡ" Hindi niya na natuloy pa ang kaniyang sasabihin nang magbuntong-hininga siya.
Maya-maya lamang ay tumingin ito sa amin ng seryoso at mukhang guilty.
Guilty?
Nagsimula na itong magkwento at habang nagkukwento ito ay hindi namin naiwasan na manlaki ang aming mga mata sa gulat at dismaya.
Nang makita niya ang dismaya sa aming mga mata ay yumuko ito at ipinagpatuloy ang pagkukwento ngunit sa mahinang boses na lamang.
Pagkatapos niyang magkwento ay may pumatak na luha sa kaniyang shorts.
"I-I'm sorry..." Mahina nitong sambit habang patuloy pa rin itong umiiyak.
Napalitan ng awa ang aming pagkadismaya at kaagad siyang yinakap na ikinahagulgol niya.
"It's okay, Kiana. At least narealize mo na kung anong mali mo." Nakangiti kong sinabi na sinang-ayunan naman ni Babob.
Nagulat kami nang may biglang sumali sa yakapan namin.
Liningon namin ito at nakita namin si Milky na nakangiti sa amin.
"Milky, s-sorry." Mahinang sambit muli ni Kiana kay Milky.
"Ano ka ba Kiana, okay lang 'yon 'no! Para saan pa at naging substitute leader ako ng hetero diba? Atsaka nanalo tayo sa second game kaya dapat hindi ka umiiyak. Okay sana kung tears of joy 'yan eh." Nakangusong sinabi ni Milky na ikinatawa naming tatlo.
Nakangiting pinahid ni Kiana ang kanyang mga luha sa mukha at determinadong tumingin ulit sa amin.
"Thank you guys. Tara na! May tatapusin pa akong laban ngayon." Nakangiting sambit nito sa amin na ikinangiti rin namin. Ngunit bago kami tuluyang umalis sa clinic ay may tinanong si Babob.
"Kitty, bakit ka naka PE uniform?"
"Ahh, yun ba? Sinabi kasi nung MC na magsuot daw ng PE attire ang lahat ng mga grade twelve bago nagsimula ang break." Saad ko na ikinatango niya bago kami naglakad paalis sa clinic.
Third Person POV
"We're finally at the last game for this final competition. This is the game where we will witness the teamwork of both teams. Yes, you heard it right. Teamwork of both teams. Meaning, hindi lang ang leader ang maglalaro kung 'di ang buong hetero at first sections. Exciting isn't it?" Nakangiting tanong ng MC na ikinahiyaw ng lahat.
BINABASA MO ANG
Ms. Pambara meets Mr. Pilosopo
HumorSi girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana eh kaya lang immature kung mag-isip pero huwag niyo siyang mamaliitin. Dahil once na mambara na siya...