AVERY'S POV
Nauna na akong umalis sa cafeteria pero hindi muna ako dumeretso sa bahay, dumaan muna ako sa lagi naming tambayan ni Dart. Nandito ako ngayon sa park malapit lang naman sa bahay namin, umupo ako at sumandal sa puno ng manga.
"hayyy pinili niya yun e anong magagawa ko?" sabi ko ng nakapikit "mahal niya yun, best friend lang niya ako anong lamang ko dun? friendship? hays" dagdag ko pa.
Ilang minuto lang biglang may tumabi sakin at nagsalita
"Oo" sabi niya at napamulat ako nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang naka kunot ang aking noo.
"Chillin' just like what you're doing right now, I guess?" sagot niya at saka pumikit.
tsk! may pa english english pa
"I mean ba't ka andito mister Lance?" tanong ko ulit sa kanya.
"To comfort you"
"Comfort me? bakit?"
"Tanga ka ba? o sadyang tanga ka lang talaga?" sabi niya at umayos ng upo.
"Wow ha nagtatanong po ako ng MAAYOS" pandidiin ko sa huling salita at inirapan siya.
mas tanga ka di naman kita kailangan sabi ko pa sa isip ko at lalo akong nainis.
Tumawa naman siya at mas lalo pa akong nainis sa ginawa niyang yun
"Anong nakakatawa? kung ako tanga ikaw baliw!" sigaw ko sa kanya at akmang tatayo na sana ako ng pigilan niya ako sa balikat.
"Wait" sabi niya na pinipigilan ang kanyang tawa, umayos ulit ako ng upo
"Huwag mo nga akong hawakan at layuan mo ako" sabi ko at agad naman niyang tinanggal ang kanyang kamay sa balikat ko.
"Okay okay pupunta sana ako sa cafeteria pero sakto naman na lumabas ka dun at mukhang wala ka sa mood at parang malungkot ka kaya sinundan kita" paliwanag niya
"Tsk" singhal ko
"So bakit ka nga malungkot?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sakin
"Hindi ako malungkot"
"Malungkot ka alam ko" pilit niya
ano ba 'to hindi ba niya ako titigilan?!
"Hindi nga!" sagot ko ng medyo pasigaw dahil sobrang rinding rindi na ako
"Kung hindi ka malungkot ano yung sinasabi mo kanina na anong laban mo—" hindi ko na siya pinagpatuloy sa kanyang sasabihin
"Ikaw na si Avery at ako na ikaw mas marunong ka pa sakin e" sabi ko at tumawa ulit siya
"Bakit ba napaka init ng ulo mo ngayon?" natatawa pang tanong niya
"Mas nawalan pa ako ng mood nung dumating ka tsk!" sagot ko
"Hey I'm just here to comfort you kasi parang ang lungkot ng awra mo kanina" sabi niya pero di parin ako nagsasalita "At ang sagot ko sa tanong mo kanina kung ano ang lamang mo dun? oo tama ka friendship" dagdag pa niya
Natigilan naman ako at nilingon siya "Bakit naman?" tanong ko
"Kasi ikaw mas matagal na kayong magka kilala mas marami kang alam tungkol sa kaniya"
"Kahit pa kung hindi naman ako ang mahal niya, oo mahal niya ako pero hanggang kaibigan lang" sabi ko at tipid na ngumiti
"Di mo lang matanggap ngayon kasi akala mo magugustohan ka niya porke't ikaw ang laging nandiyan, mali yun" sabi niya at bigla naman akong natigilan
"Nasaktan lang naman ako kasi yung dating comfort zone ko hawak na ng iba" malungkot kong sabi at napa tungo
"I can be your comfort zone Avery" sabi ni Lance at tinignan ko naman siya at naka ngiti siya sakin.
Di ko alam pero parang may kung ano na kumurot sa aking puso at parang gusto kong umiyak hindi dahil nasasaktan ako kundi dahil sa wakas may taong nakakaintindi sa akin bukod sa sarili ko.
••• A/N - HI GUYS! THANK YOU FOR SUPPORTING ME AND MY STORY. DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT! NEW CHAPTERS EVERYDAY, LOVE Y'ALL!❤️
BINABASA MO ANG
Your Buddy
Teen FictionWould you take a risk to confess your love to your best friend? LOVE LIFE OR FRIENDSHIP? -vette