Chapter 09

28 9 1
                                    

AVIY'S POV
"Hey Aviy" tawag sakin ni Maurine nang papalapit ako sa kanila.

Nasa Freedom Wall kami ngayon at may mga wood table benches dito. Wala gaanong dumadaan dito kaya dito na ang naging tambayan namin.

"Hello girls" bati ko sa kanila at pinatong ang Louis Vuitton cluny handbag ko sa table saka umupo sa tabi ni Amanda.

"Kamusta naman ang FAMOUS SUITOR MO?" tanong pa sakin ni Kleia.

"He's okay" I answered saka ako ngumiti ng tipid.

"Sooo" pabitin na sabi ni Kleia at nag cross arms siya "Gusto mo na ba siya?" she asked.

Well sa totoo lang, I have no feelings for him. Gwapo siya, pero he's not my type dahil masyado siyang corny at boring. I prefer mature relationships.

"Yes" I lied.

She rolled her eyes kaya napa buntong hininga naman ako. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo lalo na kapag nandito si Maurine dahil for sure sesermonan niya ako dahil nagpaligaw ako sa taong hindi ko naman gusto. Maurine is my best friend, she's not a party-goer but she is good at giving advice.

"Mabuti naman" sabi naman ni Maurine at nagbasa ulit sa mga notes niya.

TING!

Tumunog naman ang cellphone ko namg may nag text. I opened it.

1 message received

"sabay tayong mag lunch ngayon"

"Umm, guys I have to go mag lu lunch daw kami eh" paalam ko sa kanila at tumayo na.

"Okay, see you later girl" sabi naman ni Amanda.

Ngumiti naman ako at saka naglakad papalayo sa kanila. Nilabas ko ang cellphone ko naman ang cellphone ko para mag reply.

"okay, I'm on my way" reply ko.

DART'S POV
Nasa kalagitnaan ako ng klase ko sa Physiology nang mag vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko naman kung sino ang nag text.

1 message received

From: Aviy ❤️
Dart, hindi muna ako makakasabay sayong mag lunch. See you later.

Ibinulsa ko na ang cellphone ko nang makita ko ang text ni Aviy. Nagtaka naman ako kung bakit hindi siya sasabay ngayon, sayang naman.

Di bale makakasama ko naman siya mamaya sa bar. Kausap ko pa sa sarili ko at napangiti.

Nang matapos na ang klase ko ay tinawagan ko na si Avery. Pagkatapos ng apat na ring ay sinagot na niya.

"Oh bud, napatawag ka?" tanong pa nito.

Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Coleen at Luke kaya batid kong nasa Cefeteria sila.

"Sasabay ako sa inyong mag Lunch" sagot ko naman.

"Sige nandito kami sa Cafeteria" sabi pa niya at binaba ko na ang cellphone ko.

Your BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon