DART'S POV
Dumaan ang apat na araw na hindi kami nagpapansinan ni Avery, malungkot ako dahil hindi ako sanay na hindi siya kasama. Hindi naman mawawala ang lungkot lalo pa't matagal na kaming magkaibigan at siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Sinagot narin ako ni Aviy and I'm so happy.
"Babe" tawag ni Aviy sakin.
Nasa coffee shop kami ngayon dahil parehas naming vacant ngayon.
"What do you want?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Espresso and bread lang babe" naka ngiti rin na sagot niya.
"two espresso and one bread" sabi ko sa cashier.
Umupo kami ni Aviy sa may bintana.
"Alam mo ba na ayaw ni Avery sa mga mapapait na kape" sambit ko nang tumatawa. "Ewan ko ba sa babaeng yun, macchiato foam ang pabori—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bumuntong hininga ng malakas si Aviy.
"Can you please shut up?!" bulyaw niya sakin at inirapan ako.
"Sorry" usal ko.
Sinerved na ang orders namin at hindi parin siya nagsasalita.
"Babe" tawag ko sa kanya ng nakangiti agad din akong natigilan ng makita kong pumasok si Avery at may kasama siyan lalaki.
Siya yung lalaking kinakausap rin niya sa Cafeteria noon. close sila? tanong ko pa sa isip ko. Hindi nakita ni Aviy dahil naka talikod siya sa entrance.
"A.U's Fest na next week, so anong balak mo?" rinig ko pang tanong nung lalaki kay Avery.
Hindi nila kami napansin at sa likod namin sila naupo, bale couch kasi ang inuupuan namin dito.
"Ewan, siguro kakain" sagot naman ni Avery at nagtawanan silang dalawa.
close sila ng hindi ko alam?!
"Hey" tawag pa sakin ni Aviy.
Doon ko lang na realize na kanina pa pala siya nagsasalita.
"I'm sorry" paumanhin ko at uminom ng kape.
"May practice ba kayo mamaya?" tanong ko kay Aviy.
"Meron pero wag mo na akong antayin sasabay nalang akong uuwi kina Amanda at Mau"
"Okay" sabi ko ng naka ngiti.
"Avery, punta ka sa club isama mo narin yung mga kaibigan mo kung gusto mo" rinig kong sabi ulit nung lalaki.
"Sure Friday naman ngayon eh" sagot naman ni Avery.
Natigilan naman ako pero agad rin na naka recover.
"Let's go" yaya naman ni Aviy sakin.
Lumabas na kami ng Coffee shop at inihatid ko narin siya sa kanyang klase. Nasa locker ako ngayon at kasama ko si Luke.
"Dude, bar tayo mamaya?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ni Avery sa Vanity Club daw ulit tayo" sabi pa nito at isinara ang locker niya.
"Tss" singhal ko
"Hoy Dart" sambit ni Luke na nag cross arms pa at sumandal sa locker. "Nag away ba kayo ni Avery?" tanong niya sakin.
"Hindi" sagot ko.
"Pansin ko lang, simula noong Monday hanggang ngayon hindi kayo nagpapansinan ni Avery"
BINABASA MO ANG
Your Buddy
Teen FictionWould you take a risk to confess your love to your best friend? LOVE LIFE OR FRIENDSHIP? -vette