Chapter 01

138 14 1
                                    

AVERY'S POV
"Averyyyy!" sigaw ni ate na akala mo naman kung may sunog.

"Ano ba ate? ang aga aga sumisigaw ka nanaman!" sigaw ko din sa kaniya, aba syempre di ako papatalo sa bunganga netong ate ko.

"Averyyy" bulong niya pa hays iba talaga pag may kapatid kang siraulo.

"Ano ba yun?!"

"Gaga! birthday ngayon ni Caleb" ani niya

Alam ko na ang ibig sabihin niya at isa lang ang ibig sabihin nun MAKIKIKAIN NANAMAN KAMI hays ewan ko ba hindi naman kami ganun kahirap para maki kain sa iba. Tumaas nalang ang dalawang kilay ko sensyales na kunwari di ko gets. "So?"

"Edi chu chuba tayo doon ano pa nga ba! hays" sabi ko na nga ba eh.

"Ayoko ikaw nalang tinatamad ako eh"

"Wala kang kakainin dito kaya sumama kana tsaka manananghalian lang naman tayo doon eh."

ano ba pwede kong palusot para di ako pumunta? hays avery mag-isip ka naman!

"Ate masakit puson ko!" angal ko

sana effective

"May buscopan diyan"

"Ate naman eh! ayoko nga kasing sumama at masakit talaga puson ko!" angal ko nanaman hanggang pumayag siya.

"Masakit ang puson o gagala nanaman kasi kayo ni Dart?"

Yung Dart na tinutukoy ng magaling kong ate ay yung best friend ko. My only Food buddy, Travel buddy and Inuman buddy. His name is Dart Jacob Bernardino, a nursing student of Apollo University and wait sam school kami :) He's also my partner in crime. Ako naman si Zendiah Avery Sanchez, a culinary student and ang pangarap ko ay obvious naman sa kurso ko, gusto kong maging chef. First year college nga pala kami ni dart.

"H-ha? w-wala ah wala" na u-utal kong sabi

"Naku avery kapag kayo nasa presinto nanaman dahil diyan sa kalokohan niyo di na kita piya piyansahan sinasabi ko sayo!"

haysss! di pa ba siya tapos doon sa isyung yun?

FLASHBACK- - -
Nasa bar kami ngayon ni dart kasama namin yung apat pa naming mga kaibigan sina Coleen, Zoe, Luke, at Dustin. Yes anim kami, tatlo kaming babae at tatlo naman silang lalaki. We're here to celebrate, dahil sa wakas graduate na kami sa highschool at mag co-college na kami.

"Guys guys guys!" tawag ni Luke sa amin.

"Oh luke bakit?" tanong ni Zoe habang nagsasalin ng ice sa kanyang baso.

"May nakita akong chic doon sa baba, Dustin tara samahan mo ako purmahan natin yun may kasama din siyang isa"

"Loko! binabae yun eh! ayoko nga ikaw nalang" ani dustin.

"Tarantado! iba yung sinasabi ko, yung nasa round table sa left side ulol! kung ayaw mo diyan ka nalang."

"Naku luke wag kang umasang papansinin ka nun dahil sa itsura niya palang halatang di siya pumapatol sa asong ulul!" sabi naman ni Zoe habang naka de kwatrong pang lalaki.

"Anong sabi mo?! ako? ulul? hoy zoe baka di mo alam na itong mukhang 'to habulin ng chics. Oo CHICS!" pandidiin niya pa.

"Ano ba! tama na nga yan! Asan na ba si Dart?" singit ko dahil baka kung saan nanaman abutin yung pagbabangayan nila.

Your BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon