LANCE'S POV
Nasa bar ako ngayon at mag-isa ako, nakita ko nanaman kanina yung babae na hindi ko sinadyang pagtawanan siya nung marinig ko siyang kinakausap niya ang saril niya sa labas ng cr kahapon. What a coincidence.Pailing iling akong tumayo mula sa kinauupuan ko sa bar counter at ininom yung last shot ko, palabas na sana ako ng bar nang makita ko si Amiel na mag-isa. Naglakad ako at lumapit sa kanya.
"Hey Amiel" tawag ko sa kanya at nilingon naman niya ako.
"Dude" tawag din niya sakin at nginitian lang niya ako ng tipid.
Umupo naman ako sa tabi niya at nagsindi naman ako ng sigarilyo ko at nilingon siya. Tinititigan lang niya ang hawak niyang baso at walang ekspresyon ang kanyang mukha.
"Mag-isa ka?" tanong ko sa kanya kahit obvious naman na wala 'tong kasama.
"Yes, ikaw?" tanong din niya sakin.
"Yeah, ganiyan siguro talaga pag single walang kasama" sabi ko at humalakhak. Napangiwi naman siya at uminom.
"I'm not" sabi nito at nilingon ko naman siya ng nagtataka.
"What do you mean?" tanong ko at ngumisi.
"I have a girlfriend" sabi nito saka ako nilingon.
"Really? Sino naman?" tanong ko sa kanya saka humithit ng yosi.
"Hindi pwedeng sabihin e" he said in a cold tone.
Tumango na lamang ako at sumandal habang humihithit parin ng yosi.
"Actually nandito siya kanina" biglang sambit niya saka tinungga ang laman ng baso niya.
"Huh? akala ko mag-isa ka lang pumunta dito?" tanong ko.
"Yes, she's with someone else"
"What? bakit parang okay lang sayo?" naguguluhang tanong ko.
"Because I love her" simpleng sagot niya.
If I were him, what mine is mine and I won't let anyone take it from me.
"Asan na siya ngayon?" tanong ko nang naka kunot ang noo.
"Umuwi na lasing na eh" sabi niya saka tumawa kaya napabuntong hininga nalang ako at hindi na nagtanong pa dahil it's his privacy.
Barkada ko si Amiel simula pa noong Grade 9 kami (third year highschool). Lagi din kaming umiinom noon sa condo ng kaibigan namin. Lux Amiel De Paz ang pangalan niya at ayaw na ayaw niyang tinatawag siya ng Lux dahil pangalan daw yun ng sabon kaya Amiel na ang nakasanayan namin.
"Mauna na muna ako dude" sabi ko sa kanya then I tap his right shoulder saka tumayo.
"Sige dude, see you tomorrow" sabi niya sakin at nginitian ko lang siya at tuluyan ng lumabas ng bar.
Nasa sasakyan na ako ngayon at di ko parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina nang sungitan ako nung babaeng nakita ko sa labas ng cr.
I like her attitude, I know it sounds weird but I think I like the way she treat me.
Nasa condo na ako ngayon at di na ako nag aksaya pa ng oras at naligo na ako. Saglit pa ako nagbasa ng libro at natulog narin ako.
Zzzz.
-KINABUKASASAN-
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko, another boring day nanaman ang haharapin ko. 9:00 am palang naman ang klase ko pero maaga akong pupunta ngayon sa school para ipasa ang portfolio ko sa Food Science na subject ko.
BINABASA MO ANG
Your Buddy
Teen FictionWould you take a risk to confess your love to your best friend? LOVE LIFE OR FRIENDSHIP? -vette