COLEEN'S POV
Sunday ngayon at normal lang na pumunta sa simbahan. Susundoin ko si Zoe ngayon dahil siya lang naman ang kasama ko sa pagsisimba, si Avery kasi ay laging tinatamad kapag araw ng linggo pero kapag galaan ang usapan, G YAN!
"🎶Lal la la la la🎶" kanta ko pa habang pumipili ng aking susuotin.
Magbibihis na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, baka si Zoe na ito agad ko naman kinuha ang cellphone ko sa kama ko at sinagot ito ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"Wait lang" sabi ko.
"Coleen" tawag nito at batid kong si Avery ito.
"A-Avery?" tanong ko naman.
"Simba tayo" yaya niya.
Base sa kanyang boses alam kong may dinadamdam siya, hindi siya ganito makipag usap sakin.
"May sakit ka ba at bigla kang nag yayaya?" tanong ko sa kanya.
"Tss, sige na papunta na ako diyan" mahinang sagot niya at ibinaba ang tawag.
Ano naman kaya nakain nun at biglang sinipag mag simba?
Nagbihis na ako at nag-makeup ng beri beri light. Sandali pa akong nag selfie at in upload ito sa Instagram.
KNOCK! KNOCK!
"Ma'am nasa baba na po ang kaibigan niyo" sabi naman ng yaya namin.
"Sige pababa na ako" sagot ko at inayos muna ang damit ko bago ako lumabas ng kuwarto ko.
"Ang tagal ah" bungad ni Avery sakin ng maka lapit na ako sa kanya.
"Wow parang ang bilis bilis mo naman mag ayos" sabi ko at saka sumakay sa aking sasakyan.
Pumasok na rin siya sa aking sasakyan at naupo sa back seat.
"Diyan ka talaga?" tanong ko sa kaniya at binigyan naman niya ako ng may nagtatakang itsura.
"Bakit?" tanong niya.
"Ay baka nakakalimutan mong kaibigan mo ako at HINDI DRIVER" pandidiin ko sa kanya it inirapan siya.
"Susundoin muna natin si Zoe" sabi ko pa at hindi man lang ako nilingon.
ano bang nangyayari sa babaeng 'to? red day ba niya?
Pinaandar ko na ang aking sasakyan at pasimple kong tinitignan si Avery sa rear mirror. Halatang may problema o dinadamdam siya, kaya sa tingin ko magbabar kami pagkatapos namin mag simba. Nang marating na namin ang bahay nila ay tinawagan ko na ang number niya.
Ringgg...Ringgg
Ringgg...Ringgg
At pagkatapos ng apat na ring ay sinagit din ng bruha.
"Ang tagal mo naman sagotin?!" tanong ko sa kamya.
BINABASA MO ANG
Your Buddy
Teen FictionWould you take a risk to confess your love to your best friend? LOVE LIFE OR FRIENDSHIP? -vette