C2: Feel usPaige
"Kukunin ko lang ang gamit ng kapatid ko"
Umurong si Eunice at tinuro ang mga gamit ko na nakakahon na, na nasa ibabaw ng aking dating higaan dito sa boarding house.
" Patrick," tawag ko sa pangalan ng aking kapatid subalit dumaan lang siya sa aking harapan na para bang isa lamang akong hangin.
" I miss you. Kayo nila mama." Naiiyak kong sabi habang busy siya sa pagcheck ng mga gamit ko.
" Kumusta na kayo?" Nahihiyang tanong ni Eunice sa aking kapatid.
" Nalulungkot din ako sa nangyari sa ate mo." Dagdag niya pa.
Nakita ko ang pagkabato ni Patrick sa kaniyang kinatatayuan. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya hindi ko mabasa kung ano ang kaniyang reaksyon.
" I miss her," Narinig ko ang mahinang pagkabasag sa boses nito at doon din tumulo ang sarili kong luha.
Lumapit ako sa kaniya at nakita ko ang mamumula-mula nitong mata na tila nagpipigil ng luha. Ilang beses din siyang lumunok bago nagpatuloy sa ginagawa.
" I'm here Patrick, I am here. If only you could see your sister," Malungkot kong pahayag dahil alam kong hindi niya ako nararamdaman, nakikita o naririnig man lang.
Naglakad na si Patrick sa pintuan na si Eunice na mismo ang nagbukas. Bitbit ang magkapatong na dalawang kahon ay nagpasalamat siya sa aking kaboardmate bago tuluyang umalis dala-dala ang aking mga gamit. Gusto kong sumunod sa kaniya subalit ayaw namang kumilos ng aking mga paa. Tila kalahati ng aking isipan ay ayaw pa ring makita ang aking pamilya.
Ngayong nakita ko na ang nag-iisa kong kapatid ay labis na kalungkutan ang bumalot sa aking buong pagkatao. Paano pa kaya pag sila papa at mama na ang nasa aking harapan. Tiyak na ilang balde ng luha at paghihinayang ang maibubuhos ko.
" The bed feels so empty. Nakakapanibago." Malungkot kong tinanaw ang aking ka-boardmate na si Eunice habang nakahalumbaba sa kaniyang study table sa gilid ng sarili niyang higaan. Bumuntong hininga ito bago humiga sa sariling kama at tinanaw ang mga glow in the dark na stickers na sabay naming kinabit sa kisame.Napayuko ako. Kahit papano kasi ay may pinagsamahan naman kami ng aking ka- boardmate. Si Eunice ang nagsilbi kong kaibigan at kapatid habang malayo ako sa sariling pamilya.
Lumabas ako ng building at naglakad lakad. The sadness suffocates me. Kailangan kong maghanap ng ibang bagay to distract my thoughts. The fact that I am a ghost right now is quiet scary for me to handle. I know its been a week since naging ganito ang sitwasyon ko but the truth is still hard to swallow.
Before, I sometimes wonder kung saan tayo pupunta pagkatapos nating mamatay. I guess the answer is clear right now. I thought heaven was the only place after death, I never realize that judgement is real until I experienced it myself. Some souls go to a nice place while some stays on earth to watch other live. And sadly I am one of those who have to wonder whether I committed a lot of sins or not? Looking back, I haven't done anything bad. But did I do good? I can't remember.
People passed by like it was just another ordinary day for them. Did they know I am here, walking and staring at them? Of course they don't. Silly me.
In contrast to the day of my accident ay napakainit naman ngayon. May kaniya- kaniyang lakad ang mga tao na para bang sigurado sila sa kanilang direksyong tinatahak. I raised my hand up to the sun. I sighed as the sunshine just passed through me. The heat didn't even affect me. I suddenly get jealous of the people around me. Kahit anino ay wala ako.
Walang direksyon ang aking paglalakad. Inaliw ko na lang ang aking sarili sa pag oobserba sa mga taong nagdaraan. Hanggang sa napako ako sa aking kinatatayuan. Nilibot ng aking paningin ang paligid. The familiarity engulf me as I look back to my student life. Nakita ko ang mga estudyante na nakasuot ng unipormeng katulad ko. Ang iba ay maraming dala, ang iba naman ay nagtatakbo na dahil siguro takot ma-late. I was once one of them. Ordinaryong estudyante lang din ako na may pangarap at mga plano sa hinaharap. Kagaya rin ako ng iba na may kaibigan na kahit mabibilang lang ng daliri. Napangiti ako ng mapait. Many years of studying and planning for my dreams, and I just end up this way. Kung hindi ako naaksidente ng araw na iyon, ano kaya ang ginagawa ko ngayon? May quiz ba? Projects? Papagalitan na naman ba ako ng masungit naming prof? Somehow, reminiscing what I have been before I've become a ghost slowly lifted my anxious feeling away.
Then a familiar figure walking across the street caught my attention. He is still wearing his favorite jacket which I assume dahil ito palagi ang lagi niyang sinusuot. Kakaiba. Natural lang ba na tumibok ang puso mo kahit patay ka na? Because I just feel my heart skip a beat as I saw Kiro's face parallel to mine. Nasa kaniya ang buo kong atensyon habang nasa traffic light naman ang kaniya. Pinakatitigan ko siya ng maigi. Wala pa ring pinagbago. Sa malayo ko lang pa rin siya pwedeng titigan ang pinagkaiba nga lang, noon ay patago ako kung sundan ko siya ng tingin subalit ngayon ay kahit pa tumayo ako sa harapan niya ay okay lang dahil hindi niya naman ako nakikita. But our eyes locked. Hindi ko agad nabawi ang aking paningin dahil nagulat ako. Nilingon ko ang nasa aking likuran subalit wala namang ibang nakatayo. Sa akin ba siya nakatingin? Can he see me?
Nababagabag ako sa kaniyang tingin kaya wala sa sarili akong naglakad patungo sa kaniya. I don't mind the passing cars. Hindi ako takot dito dahil alam kong hindi na rin naman mauulit pa ang aksidente ko noon. I am now a ghost. I just want to clarify if he can really see me pero hindi pa lang ako nangangalahati sa pagtawid ay nakita ko na ang kaniyang pagtakbo. I saw his hands reach out to me bago ko narinig ang malakas na sigaw ng mga tao sa paligid. I gasped and cover my mouth with my own hands. I frooze as shocked run down to my system. Parang dejavu lang ang nangyari, ang pinagkaiba nga lang ay hindi na ako ang nakahiga sa gitna ng daan kundi si Kiro. Nagkumpulan ang mga tao habang ako ay hindi pa rin makagalaw. Paulit ulit na nagpi-play sa aking utak ang nangyari. I can still picture out what his face looked like as he was approaching me. I saw how the car hit him and how his body flew few meters away from me. Kung kanina ay mabilis ang tibok ng aking puso ngayon ay mas dumoble pa dahil sa aksidenting nangyari.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili subalit paulit ulit na naglalaro sa aking isipan ang nangyari. Papalit-palit ito sa aksidenting aking kinasangkutan. Parang sirang CD na hindi ko mapatay. Nanghina ang buo kong katawan at sumakit bigla ang aking ulo dahil sa mga naglalarong imahe sa aking isipan. Bumalik lang ako sa aking katinuan nang may tumagos na babae sa aking katawan. Pilit itong nakisiksik sa mga kumpulan.
Narinig ko ang tunog nang ambulansya hindi kalayuan. Sumunod ako sa babae. At nanlambot ako nang makita ang sitwasyon ni Kiro. Nakahandusay siya sa magaspang na daan na ito at malayang dumadaloy ang masaganang dugo na hindi ko alam kung saang sugat nanggaling. Nakabukas ang kaniyang mga mata. Muling nagtama ang aming paningin.
'Kasalanan ko kung bakit ito nangyari. It's my fault.' Paulit-ulit ang bulong ng aking isipan. Unti- unti akong lumapit sa kaniya.
" Kiro, I'm sorry,"
"Please don't sleep."
"Please don't die."
Hinawakan ko ang kaniyang mukha at nagulat ako nang mahawakan ko siya. Hindi tumagos ang aking mga kamay at nararamdaman ko ang kaniyang balat at ang malapot na dugo na umaagos papunta sa kaniyang mukha.
" Kiro." I called his name once again hoping that he would stay awake. Pero nakita ko ang marahan niyang pagpikit.
" No! don't die yet Kiro," pagmamakaawa ko.
But he stayed silent. He did not move hanggang sa dumating ang ambulansya at nilagay siya sa stretcher papasok nito. Aligaga ang mga rescuer habang nakaupo ako sa tabi ng katawan ni Hiro. Nakita ko ang pilit na pagrerevive ng mga paramedics sa kaniya. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay and send a silent prayer. I know God is listening so I prayed for Kiro's safety. Mabilis kaming nakarating sa hospital. Agad siyang nilipat sa ER. Hindi na ako pumasok kahit pwede naman sana. Ayaw kong makita siyang nakaratay doon habang ini-operahan ng mga doctor. Mas lalo lamang akong panghihinaan ng loob pag pumasok ako doon at makita kung paano makipaglaban si Kiro sa gitna ng kamatayan at buhay. Atleast pagnandito ako sa labas, I know that I can build up my hope.
BINABASA MO ANG
After your Slumber
Short StoryTwo people met an accident and when their souls met how do they live? " They said when your heart gets broken, sometimes sleep is the medicine but I want us to wake up"