C8: Umbrella

9 0 0
                                    


C8: Umbrella


Paige


Nagkakagulo na sa lugar na iyon nang iwan namin kanina at dinala ako ni David sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Pinaupo niya ako sa isang park. Nakatulala lang ako ni hindi ko rin sinagot si David kanina nang magpaalam siya saglit. May pumatak sa aking kamay na tubig. Agad kong pinunasan iyon subalit may pumatak na naman. Napatingala ako sa langit kung umaambon o umuulan ba. Maganda ang sikat ng araw pero hindi ang simula ng umaga. Pinahid ko ang aking luha. Ang mga mata ko pala ang umuulan. I hugged myself as I sat in this bench park. Naghalo ang lungkot, hinagpis at ang reyalidad ng trahedya at kamatayan.

May isang pares ng sapatos akong nakita sa aking harapan subalit hindi ko na inangat pa ang aking mukha para malaman kung sino ang nagmamay-ari ng itim na sapatos. Humagulhol ako ng iyak subalit hindi naman siya umalis sa kaniyang pwesto.

May pag-asa pa ba? Makakabalik pa ba ako? Natatakot ako. Paano kung hindi na. Paano kung bawiin ng nasa itaas ang lahat. Masakit isiping ang buong buhay ko ngayon ay wala ng kasiguraduan. Gusto kong mabuhay pero paano? Wala akong kongkretong sagot na pinanghahawakan. Tinunghay ko ang aking ulo kay David. Hilam man sa luha ang aking mukha ay wala na akong pakialam. Marami akong gustong sabihin sa kaniya. Gustong isumbat pero lahat ng iyon ay walang lumabas.

"I want to go home." I said to him. Mali. I asked him. Hindi ko alam kung paano makakakuwi. If I have to cling unto him then gagawin ko because right now what's keeping me sane is him. Tinitigan niya lang ako. May awa sa kaniyang mata at ang isa ay hindi ko mapangalanan. Akala ko hindi na siya sasagot subalit nilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa akin.

"Let's go." Simple niyang sagot. Walang ngiti pero wala ring halong inis pero nang titigan ko ang mukha niya ay tila nagkaroon ng direksyon ang lahat. Wala man akong makuhang sagot subalit kumalma ako. Kumportable ang pintig ng aking puso. Yung tipong sa isang pag-akay niya lang sa akin para sumama ay naging maayos ang lahat.

Tinanggap ko ang kaniyang kamay. Inalalayan niya ako patayo. At sa isang segundong pagpikit ng aking mata ay isang pamilyar na lugar na ang aking nasilayan sa pagdilat. Pinasok ko ang isang maliit na bahay. Tahimik ang loob pero ang katahimikan ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Pinagmasdan ko ang mga litratong nakadikit sa dingding ng aming munting sala. Naroon ang mga litrato ko noong pagkabata hanggang tumuntong ako ng highschool. Ang iba ay buo kaming pamilya habang ang ilan ay kami lang dalawa ng aking kapatid. A warm feeling touch my heart as I scanned every little detail of our house. The house I grow up into, where I started to dream. This is my home.

Sabay kaming napalingon ni David nang marinig ang tunog ng susi. Bumukas ang pintuan at niluwa nito ang aking ama. Napangiti ako ng makita ang pamilyar niyang bulto. Pasalampak niyang tinapon sa sofa ang dalang bag. Medyo gusot ang suot niyang polo at halata na rin ang itim sa ilalim ng mga mata nito. Galing pa yata si papa sa kaniyang duty. Isa kasing call center si papa at gabi ang oras niya ng trabaho. Dumeretso siya sa kusina at sinundan ko siya roon. Kumuha lang siya ng isang basong tubig at inisang tungga.

"I miss you papa," Mahina kong sambit kahit alam kong hindi niya ako naririnig. Nilampasan niya ako at umakyat sa kaniyang kwarto. Nang muli siyang lumabas ay bago na ang kaniyang damit. Muli niyang dinampot ang susi ng bahay at dali-daling umalis. Nagkatinginan kami ni David. Wala pa man akong sinasabi ay alam kong nakuha niya ang nais kong sabihin. Sinundan namin si papa hanggang sa umabot kami sa isa sa mga hospital malapit sa amin. Napalunok ako at muling nanikip ang aking dibdib. Ito na makikita ko na ang aking sarili. Tinahak namin ang pamilyar na putting dingding at kisame. Huminto kami sa isang kwarto. Nakasulat sa labas ang buo kong pangalan at ang iba pang detalye.

"Paige Marie Suarez"

Sinilip ko mula sa labas ng pintuang may bintanang gawa sa salamin ang mga tao sa loob. Nandoon ang aking ina at ama. Wala si Patrick. Baka maaga itong pumasok sa paaralan. Binalingan ko si David na nasa aking likuran.

"Hindi mo 'ko sasamahan?" Tanong ko sa kaniya. Umiling ito at tinuro ang relo. Naiintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig. May misyon na naman siyang kailangan gawin. Tumango ako sa kaniya as I mouthed my thank you. Wala siyang sinukli kahit isang ngiti at bigla na lang naglaho. I sighed at hinarap ang pintuan papasok ng aking kwarto. Humakbang ako at tumagos papasok roon at mula sa aking pwesto ay natanaw ko ang aking sarili. Katabi ng aking higaan ay ang aking ina. Hinalikan ni papa ang noo ni mama. 

"Dapat nagpahinga ka muna." Pagsaway ni mama sa kaniya. Umiling si papa.

"Ako naman dito. Ikaw na ang magpahinga muna ma, kahapon ka pa dito." 

"Okay lang ako, ano ka ba." Ngumit ng kaunti si mama bago bumalik sa pagmamasahe sa aking kanang kamay. Umupo naman si papa sa isang maliit na upuan malapit kay mama at sinimulang balatan ang isang mansanas. 

Lumapit ako sa bandang paanan ng kama at pinagmasdan ang babaeng tila mahimbing ang tulog. Hindi ko akalaing ganito ang aking sinapit subalit hindi ako namamalik-mata o nananaginip. Ako ang babaeng nakahiga. Walang kulay ang mukha at humihinga lamang gamit ang makinang nakakabit sa katawan. May kaunting galos ako sa aking mukha at nakabenda naman ang aking ulo at kaliwang kamay. 

"Wake up!" I told myself. Pero kahit sigawan ko pa ang aking sarili alam ko na walang mangyayari. 

"Anong sabi ng doctor?" Tanong ni papa habang hinihiwa niya ang mansanas at nilalagay sa isang plato at ipinasa kay mama. Tinanggap iyon ni mama at marahang umiling. 

"Wala pa rin." Malumanay na turan nito. Umiba ang timpla ni papa.

"Bibili muna ako ng agahan sa baba." Mabilis itong lumabas ng kwarto. Sinundan ko siya ng tingin. Alam ko na nagpipigil lang umiyak si papa kaya mabilis siyang gumawa ng paraan para makaalis at para hindi makita ni mama. 

" I'm sorry ma, pa." I sighed. Ilang beses na ba akong humingi ng tawad? I felt sorry for a lot of things, to a lot of people. Umupo ako sa pinag-iwanan na upuan ni papa at maiging pinagmasdan si mama. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero ang laki ng kaniyang pinagbago. Malalim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Nawala rin ang masigla niyang presensyang lagi kong ramdam noon. Napalitan ito ng lumbay. 

She started to hum a song. something I am familiar with dahil ito ang paligi niyang kinakanta sa amin ng kapatid ko para kami makatulog noong bata pa, kung minsan nga ay sabay pa sila ni papa na kumanta. I have a happy family before. What happened now? Is this the price I have to pay for being too happy? A tear slip from my eye. Hindi na ako nag abala pang punasan iyon. I continued listening to my mother's low but comforting voice as memories from my childhood up to now flashes back unto my mind like ocean waves. 

"Ang bilis mo namang lumaki anak." Tumawa si mama ng mahina pagkatapos niyang kumanta.

"Pasensya na kung hindi kita masyadong nabibigyan ng atensyon nitong mga nakaraang taon. I'm sorry anak. Pero mahal ka ni mama. Sana naririnig mo ako ngayon anak. Miss ka na namin. Gising na please." Puno ng pagmamakaawa ang boses ni mama. She's crying beside me. Hinalikan niya ang aking kamay at marahang hinahaplos ang aking buhok. 

"H'wag mo kaming iiwan ha?"

"Oo mama, naririnig kita. Naiintindihan kita." I answered her crying too. I understand how her attention would be divided with me and Patrick dahil sa aming dalawang magkapatid ay si Patrick ang nangangailangan ng maiging gabay dahil palagi itong pasaway at nakakahanap ng gulo simula ng tumuntong ito ng highschool. Yinakap niya ang aking nakahigang katawan. Somehow I felt the warm feeling from her hug. Isang yakap ng ina na walang kasiguraduhan kung masusundan pa ba. I close my eyes as I take my time to feel my mother's presence. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After your SlumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon