C7: Obscure
Paige
"I know you." Nangunot ang noo ni Kiro dahil sa idineklara ni Bruno.
"Of course alam mo, anghel ka eh," I added and laugh awkwardly. Paano ba naman kasi kanina pa kami dito sa rooftop ng hospital at walang nagsasalita tapos si Bruno pa ang bumasag ng katahimakan.
"So paano mo kami matutulungan?" Deretsahang tanong ni Kiro. Nakwento ko na rin kasi sa kaniya kanina sa baba pa na pareho kami ng sitwasyon at ngayon nga ay maaring si Bruno na ang pag-asa naming magising. Naglakad si Bruno patungong dulo ng rooftop at tumayo kung saan mismo ako tumalon kanina lamang.
"Do you both believe in miracles?" Tumango ako at hindi naman umimik si Kiro.
"Forty days. After that is the critical stage. The longer your body sleeps the lesser your chance of surviving."
Napanganga ako. Apat napung araw. Tahimik kong binilang kung ilang araw na ba akong pagala-gala. Isang lingo na ba? Isa't kalahati? I lost track of time. Kung ganuon ay maaring kaunting oras na lang meron ako.
"At paano nga kami makakabalik?" Muling tanong ni Kiro dahil tila hindi pa rin nito nasagot ang importanteng tanong.
"Miracles." Simpleng tugon ng lalaking nakaitim sa tanong ng aking katabi at sa tanong na kanina pa naglalaro rin sa aking isipan. Pero ang sagot niya ay hindi man lang umakma sa nais kong marinig. Hindi kongkreto. Mas lalong nakakalito. Sabay naming pinagmasdan ni Kiro ang pagtingin niya sa kaniyang orasan.
"Until then, take care" Paalam nito sa amin at biglang nawala kasabay ng hangin.
"Sandali Bruno!" Pagpigil ko pero hindi ko na siya naabutan pa.
Tahamik kong nilingon ang aking katabi ng ilang minuto na at hindi na nga bumalik pa ang taga-sundo kuno. Tila malalim ang iniisip ni Kiro. Nakapamulsa siya at malayo ang tingin. Paminsan-minsan ding inaalon ng hangin ang kaniyang buhok na lalo lamang nagpadagdag sa kaniyang kagwapuhan. Napaiwas agad ako ng tingin nang ako naman ang kaniyang binalingan. Ano ba naman kasi iyan. Multo na nga pinagnanasaan ko pa.
" Tara na," Matamlay niyang alok sa akin. Agad itong tumalikod at naglakad pababa ng hagdan. Tumikhim ako at agad namang sumunod sa kaniya. Nang marating naming ang kaniyang kwarto ay sakto naman ang paglabas ng kaniyang nobya.
"Alissa," Pagtawag ni Kiro sa babaeng iniibig. Dumaan lang ito sa harapan namin na walang nakikita o naririnig. Sinundan niya ito ng tingin. I know that look, dahil ganito ako palagi pagdating sa kaniya, the look of longing and love. I watched him look at her. Napakagat ako ng labi. Naaawa ako sa kaniya, sa akin, at sa aming pamilya na walang kaalam alam kung magigising pa ba kami o hindi na.
Hindi na yata nakatiis si Kiro at sumunod ito sa deriksyong tinahak ng kasintahan. Para naman akong tanga na dahan dahang sumunod rin sa kaniya na dapat ay hindi ko na ginawa pa.
Dinala ako ng aking paa sa hospital chapel. Nakaluhod ang babae sa isa sa mga luhuran sa harapan. Nakapikit at mataimtim na nananalangin. Maya-maya pa ay tila nabuksang gripo ang mata nito nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha rito pababa sa kaniyang pisngi. Ang kaninang tahimik na panalangin ay naging isang malakas na hikbi. Napasalampak siya sa sahig. Puno naman ng pag-alalang inaalo siya ni Kiro. Pero kahit anong gawin niyang hawak kay Alissa ay tumatagos lamang ang kaniyang mga kamay. Hindi niya mayakap man lang ang iniibig. Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao at ang mumunting butil ng luha na tumakas din sa gilid ng kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
After your Slumber
Cerita PendekTwo people met an accident and when their souls met how do they live? " They said when your heart gets broken, sometimes sleep is the medicine but I want us to wake up"