C5: Right here on earth
Paige
Hinayaan ko munang mapag isa si Kiro sa loob. Pasinghot-singhot na lang siya ng iwan ko. Dumating rin ang kaniyang ama at pinsan may dalang mga bag. Lumapit si Kiro sa kanila at sinusundan ang kanilang galaw, tila binabasa ang kanilang mga nararamdaman kaya imbes na masaksihan ang malungkot na tanawin na iyon ay walang kagana-ganang naglakad ako palabas ng hospital. Napayuko ako nang may makabunggo.
"Ay sorry po"
"Tsk."
Napaangat ang aking ulo at napatigil sa paglalakad. Muli akong lumingon nang marealize ko ang nangyari.
"Teka lang!" Agaw pansin ko sa papalayong bulto ng lalaki. Hinabol ko siya at pinihit paharap. Nagulat siya at maging ako rin. Nanlalaki ang mata ko na tinitingnan ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso.
"Multo ka na rin ba?" Hindi ko maiwasang itanong sa kaniya habang hindi siya binibitiwan. Iwinaksi niya ang ang aking kamay at isinuot sa bulsa ng kaniyang pantalon habang pinanliliitan ako ng tingin. Napaatras ako dahil sa sama ng tingin nito na pinupukol sa akin. Matangkad siya at kulay itim yata ang paboritong kulay dahil nakaitim ang kaniyang damit pantaas pati pantalon idagdagan pa ang matikas na tindig kaya naman nakakatakot ang presensyang bumabalot sa kaniya.
"Napakapangahas mo na hawakan ang ng isang taga-sundo at minamaliit mo yata ako para isiping kagaya mo ako na isang mababang uri na multo." Nanunuya niyang sambit sa akin.
"Hi-hindi ka multo?" Nauutal ko pang sambit na tila nilalabanan ang takot na unit-unti ng namumuo sa aking isipan.
" Ha! mukha ba akong multo? Kasasabi ko lang nataga-sundo ako," May bahid ng pagkainis ang kaniyang tono.
" Sundo?" Nangunot ang aking noo.
" S-sino?" Napaatras ako. Kukunin na ba ako? Ito na ba ang oras ko? Saan kaya niya ako dadalhin, sa impyerno ba o sa langit?
" Ako ba?"
Umikot ang kaniyang mata sa narinig.
"Stop. Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa'yo." Kinuha niya ang isang relo mula sa loob ng kaniyang pantalon at luminga-linga sa paligid. Bigla na lamang siyang umalis sa aking harapan at iniwan akong nakatunganga roon. Ang bilis niyang tumakbo kaya sinundan ko siya. Kagaya ko ay nakakalusot siya ng walang balakid sa kahit saang lugar o kahit may tao man.
Huminto siya sa isang kwarto at deritsong pumasok. Sumunod pa rin ako. May mga doktor at nars na nagkakagulo. Pinapalibutan nila ang isang pasyente at pilit na nire-revive. Humahagulhol din ang isang matandang ginang sa isang sulok samantalang katabi nito ay isang lalaki rin na kasing edad niya na malungkot siyang tinitignan. Siya ang matandang nakahiga sa kama ngayon.
" Miguelito Panganiban, 79 years old. Time of death 9:15 PM," kasabay na nagsalita ng lalaking nakaitim na aking katabi ngayon at ang doctor. Pumalahaw ang matinding pag iyak ng ginang na kung hindi ako nagkakamali ay asawa ni lolo Miguelito.
" Sandali lang, hindi pa ako nakakapagpaalam sa aking asawa," ani ni lolo Miguelito nang hawakan siya ng taga-sundo kuno.
" Tsk. There's no exception to the rule. Pag oras na ay oras na." Hinawakan niya ang lalaki sa kamay at giniya papalayo sa babae.
"Kahit sandali lang," pagmamakaawa ni lolo Miguelito. Subalit iling lang ang sinukli ng tagasundo. Sumikip ang dibdib ko sa nasaksihan. Kagaya ko ay hindi rin ako nakapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay. Masakit iyon sa parte ko pero mas masakit iyon sa mga iiwanan.
Nilampasan nila ako na nakatingin sa umiiyak na ale. Hinigit ko ang aking hininga at muling inipon ang lakas ng loob. Muli kong hinawakan ang braso ng tagasundo kaya sabay silang napatigil sa paglalakad.
"Bitaw, kung ayaw mong isama rin kita," Pananakot niya sa akin. Hindi ako nagpatinag at ginantihan rin ang kaniyang mariing pagtitig sa akin.
"Hindi mo ba kayang ibigay? Maikling oras lang ang hinihingi niya. At isa pa wala na siyang iba pang pagkakataon."
" At sino ka naman para sundin ko? Isa ka lang namang naliligaw na multo. Ang oras ko ay mahalaga kaya wala kang karapatang pagsabihan ako sa kung ano ang dapat gawin." Kalmado niyang sambit sa akin subalit kahit mababa ang kaniyang boses ay ramdam ko roon ang pagbibigay diin niya sa bawat salitang binibitiwan. Halata rin ang pagkakairita sa mukha nitong palaging nakakunot kaya napalunok ako.
" Wala ka bang puso?"
Tumaas ang kaniyang kilay sa narinig. " Sorry to disappoint you, pero wala!" Hinatak niya ang braso mula sa pagkakahawak ko at malakas na iwinaksi iyon kaya napasalampak ako sa sahig. Bago pa man siya muling makaalis ay yinakap ko ng mahigpit ang kaliwang paa niya. Wala na dapat pa akong katakutan pa, wala namang mawawala sa akin.
" Hoy!" Tila natataranta niyang sambit habang pilit ni na inaalis ang kamay ko sa pagkakapulupot sa kaniyang binti. Nabitawan niya si lolo Miguelito dahil sa kaniyang ginawang pagyuko para alisin ako.
"Mang Miguelito, kumilos na po kayo," Nakita ko naman ang pagmamadaling paglapit niya sa kaniyang naiwang asawa at yinakap ito.
"Arghhhh!" Galit na sigaw ng lalaking hawak ko at buong lakas na tinaboy ako. Mas napasalampak ako sa aking kinauupuan. Paglingon ko ay muli na niyang hawak si lolo Miguelito sa braso. He snap his fingers above his head and vanish into thin air. Napahinga ako ng maluwag subalit muli ring napalunok ng maalala ang masamang tingin na itinapon niya sa'kin bago nawala sa hangin.
Tumayo at pinagpagan ko ang aking sarili bago umalis sa kwartong iyon. Muli kong tinahak ang pamilyar na palapag kung saan iniwan ko si Kiro. Malapit na sana ako sa kwarto ni Kiro nang may humatak sa akin. Napasigaw ako sa pagkabigla at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ang humahatak sa akin. Dinala niya ako sa rooftop ng hospital. Mahigpit ang hawak niya sa aking braso. Ramdam ko iyon hanggang buto.
"A-aray," namimilipit kong sambit dahil tila wala siyang balak na bitawan ako. Umangat ang isang sulok ng kaniyang labi na tila nasisiyahan sa nakikita niyang reaksyon.
"Dahil sa'yo nahuli ako ng limang minuto sa nakatakdang tagpuan. Dahil din sa'yo nabawasan ang puntos ko sa itaas at alam mo ba ang ibig sabihin noon, ibig sabihin ay bumaba ang tyansa kong makabalik sa langit! Naiintindihan mo ba?" Pasigaw niyang turan sa aking pagmumukha. Nanginig ako sa takot at alam kong nahalata niya iyon dahil mas lalong lumaki ang kaniyang ngisi. Maya yata siyang makitang nai-intimidate ako sa kaniyang presensya.
"Ganyan nga, matakot ka. Dahil kahit anong oras pwede kitang dalhin paibaba kahit pa hindi mo pa oras."
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi ko pa oras? Is there a chance that I'm not dead yet? Kasi base sa nasaksihan ko kanina ay pagpatay na ay agad ng sinusundo. Pero ilang araw na akong paggala-gala at wala pang kumukuha sa akin? Kaya ba ganun rin si Kiro? Ibig bang sabihin ay kagaya rin ako ni Kiro na comatose?
"Hindi pa ba ako patay?" Natigilan siya sa tanong ko. Medyo lumuwang din ang pagkakahawak niya sa akin.
"Explain it to me. Please." Halos magmakaawa na ako. Gusto kong maliwanagan sa kung ano talaga ang nangyayari sa akin at alam kong siya lang naman ang makakasagot sa akin.
"Kung hindi pa ako patay, may chance pa ba akong mabuhay? Ano?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Tuluyan niya akong binitawan. Lumayo siya ng ilang hakbang at tumalikod sa akin. Tumingala siya ng nakapamewang tila malalim ang iniisip. Nang muli siyang lumingon sa akin ay kalmado na ang kaniyang postura at mukha subalit may galit pa rin na ang kaniyang mga mata pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ang mahalaga ngayon ay ang marinig ang eksplinasyon niya.
BINABASA MO ANG
After your Slumber
Historia CortaTwo people met an accident and when their souls met how do they live? " They said when your heart gets broken, sometimes sleep is the medicine but I want us to wake up"