Chapter 7

11 1 0
                                    


Vein:

Ilang buwan na rin simula nung nagsimula kameng maghanda para sa mga darating na siyam na naitakda. Ngunit, habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang sitwasyon sa kaharian, marami ng kakaibang nangyayare pero mabuti na lamang ay hindi pa rin nawawala ang paniniwala ng mga tao sa Mahal na Hari at sa pagdating ng Knights.

"Malalim yata  ang iniisip naten d'yan," isang malumanay na tinig mula sa aking matalik na kaibigan na si Olivia.

"Ikaw pala Olivia, hindi naman, dahil iniisip ko lang kung ano pa ang paghahanda ang gagawin ko para sa pagdating ng mga naitakdang Knights." sagot ko.

"Makakaisip ka rin ng mga gagawin pero h'wag mo lang sagarin ang sarili mo ngayon. Marami kameng naniniwala sa kakayahan mo kaya imbes mag-alala ka pa diyan ay dapat magpahinga ka na muna, hindi ka na nakakasama sa salu-salo nating magkakaibigan dahil halos ginugugol mo na lahat ng oras mo sa ganyan. " May halong pagtatampo ang tuno nang pananalita  niya.

" May tungkulin sa'kin ang Mahal na Hari at sisiguraduhin kong magiging maayos ito."

" Tama si Olivia," sabat ng isang pamilyar na boses.

"Mahal na Reyna, magandang araw. Paumanhin sa aming asal, naparito po kayo?" tanong ko habang nakaluhod at nakaangat ang ulo bilang respeto pag nagsasalita.

"Tumayo ka aking anak, nasabe sa'kin ni Olivia na masyado ka na raw abala at hindi mo na ako nadadalaw sa kaharian, nag-aalala rin ako sayo baka napabayaan mo na ang iyong sarili?" pag wika ng Mahal na Inang Reyna.

"Paumanhin Kamahalan, labis lamang ang aking abala n'ong mga nakaraang araw." tugon ko sa Mahal na Reyna na kanina'y malulungkot ang mga mata ngayon ay naging masigla na at masaya.

" Halika at sumama ka sa'kin sa kaharian. Sumama ka rin, Olivia dahil gustong gusto ng Mahal na Hari ang mga luto mo.

"Masusunod po, Mahal na Reyna," masayang wika ni Olivia dahil sa mapagluluto niya ulit ang Mahal na Hari at Reyna.

Hindi mapagkakaila na napakabuting tao ng Mahal na Hari at Reyna kaya naging mabuti at masigla rin ang kaharian at dahil din siguro dito ay may mga masasamang nilalang ang nag nanais na masira at masakop ang buong kaharian. Nang makarating kami sa kaharian, pumunta agad si Olivia sa kusina at nagsimula nang maghanda ng iluluto.

"Vein, halika at kakausapin ka ng iyong Amang Hari," wika ng Mahal na Reyna, pag nandito ako sa Kaharian ay mas ninanais ng Hari at Reyna na tawagin ko silang Ama at Ina-- itinuturing na nila ako bilang isang tunay na anak.

"Anak ko," masayang wika ng Mahal na Hari .

" Masaya akong makita ka, balita ko ay abala ka at hindi na nagpapahinga?" may lungkot na tono sa pagtatanung nya.

" Ayoko lang po kayong mabigo Amang Hari, nangako ako sa puntod ng aking Ama na gagawin ko ang lahat para sainyo at sa kaharian." pagsusumamo ko.

" Alam ko ang kakayahan mo at lahat ng pagsisikap mo para mapanatili ang katahimikan sa kaharian, ngunit, ayokong isa-alang-alang ang iyong kalusugan, ayaw namin ng iyong Inang Reyna na mawalan pa ng isang anak.

"H'wag po kayong masyadong mag-alala  dahil ayos lang naman po ako."

" Sa darating na linggo ay  napagpasyahan namin ng iyong Amang Hari na magkaroon ng munting pagdiriwang sa nayon at doon ay mamuhay tayo ng pangkaraniwan lamang, walang ibang iisipin. Inimbitahan ko ang lahat ng iyong kaibigan at lalo na ang iyong Ina na masayang masaya na  makapagpahinga kahit isang araw lamang."Tugon ng Mahal na Reyna.

"Ngunit Amang Hari, Amang Reyna ..." aakma na sana akong tumanggi ng mapagtanto ko ang ngiti sa Hari at Reyna na wala na akong magagawa.

"Ang pag-anyaya ng Amang Hari At Inang Reyna ay hindi ko maaaring tanggihan." mahinang tugon ko na kinagalak ng Hari at Reyna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon