Chapter 6

25 1 5
                                    


Ahli's Pov:

   Nakasunod kami'ng lahat kay Aldrin sa paglalakad, may kanya-kanya kaming hawak ng flashlight, kakaiba 'yong nararamdaman ko sa lugar na ito, umaasa na lang ako na masasagot lahat ng mga katanungan ko tungkol sa panaginip ko.

Mga kalahating oras din kaming naglakad sa kabundukan, nakarating kami sa may tuktok at doon nag set-up ng mga tent ang mga boys, si Aldrin at Blaire ang nag-sindi ng campfire. Nagtulungan na lang kami ng mga girls na mag-ayos ng mga makakain.

" Ahli ..." bulong ni Nikka sa'kin.

" Bakit?" sagot ko habang inihahanda ang mga dala naming pagkain.

"Natatakot ako, parang h'wag na lang kaya natin sabihin sakanila ?"

"Kahit ako man ay natatakot din pero may mga tanong akong gusto ko masagot. Pero sa ngayon, need natin malaman kung ano bang meron sa mga panaginip natin at ano ang kinalaman ng libro na 'yon."

" Okay bahala na nga, ayoko rin naman kasi ng may gumugulo sa isip ko baka ikapanget ko pa 'yon, " sabay tawa ng malakas nitong si Nikka, naisip pa talaga niyang papanget siya.

"Ikaw talaga, bilisan na nga naten at nagugutom na sila."

Naging abala ang lahat habang masaya na nagkwekwentuhan itong si Aldrin at ibang boys, akala mo ang tatagal ng magkakakilala ang kukulit kasi. Nang matapos ang nalutong pagkain ay nakapwesto na kami paikot sa bonfire na ginawa nila Blaire kanina.

"So, ano ang gagawin natin pagsikat ng araw?" tanong ni Ervin.

"Mamaya ko  na sasabihin ang mga pwede nating gagawin, sa ngayon may mga sasabihin muna kami sa inyo," sagot ko kay Ervin.

"Ano 'yon?" naguguluhan  na tanong ni Seina?

"Alam kong weird itong mga sasabihin ko.. namin sa inyo pero need niyo pa rin malaman." seryosong sagot ko.

"About ba ito sa mga panaginip?" tugon ni Nevy.

"Oo," nagkatinginan kami ni Nikka, si Blaire naman ay nakatingin kay Nevy.

Nagsimula na akong magkwento about sa mga panaginip ko. Halos lahat pala kami ay may panaginip, maliban, kay Blaire pero may nakikita siyang hindi niya maipaliwanag.

"Nakita ko nang mangyayari ito.. akala ko parang nag-iimagine lang ako na gusto ko magkakasama lang tayo palagi, may nakikita r in akong mga kawal na nagtitipon-tipon, out of a blue gan'on ako napapatulala na lang ako lalo na kapag ako lang mag-isa." mahabang paliwanag niya.

Nakangiting inilabas ni Aldrin ang libro, nang buklatin niya ang unang pahina neto ay nagsimula na naman itong mag- ingay na tila may nag-uusap na mga tao. Ipinakita samin ni Aldrin kung anong meron sa mga pahina at bawat pahina ay may mga larawan na gumagalaw.

" So ano ba itong nangyayari ? Hello, anong panahon na ba ngayon ? and baka guni-guni lang natin lahat ng mga panaginip naten, "pagsalungat ni Kianna na hindi makapaniwala.Halos lahat naman kami ay hindi makapaniwala, nakita ko sa mga mata ng mga kaibigan ko ang pag-aalinlangan.

"Mahirap paniwalaan lahat ng bagay at nangyayari sa mundo. Kung gusto niyong malaman kung totoo ang lahat nang ito sa ikatlong araw mula ngayon ay bumalik kayo rito at makikita niyo."

Natahimik kami'ng lahat habang si Aldrin ay nakangiti lang. Naguguluhan ako kung bakit parang ang dami niyang alam. Lumapit si Blaire sa'kin at hinawakan ang kamay ko, napansin niya siguro ang pag-aalala ko. Naputol ang katahimikan nang maglabas ng gitara si Aldrin at biglang kumanta

I see your monsters,
I see your pain.
Tell me your problems
I'll chase them away..

I'll be your lighthouse,
I'll make it okay.
When I see your monsters
I'll stand there so brave
And chase them all away

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon