Chapter 3

30 2 3
                                    

Ahli's Pov:

Boring vacation. Suck life of me. Walang kahit anong magandang nangyayare sa buhay ko maliban na lang pagkasama ang barkada. Yung Papa ko namatay ng 15 years old pa lang ako simula nun hindi na nagste-stay ng bahay  si Mama, hindi ko na maramdaman yung pagmamahal ng isang ina kahit lagi niyang sinasabe na mahal niya ako at lahat ng ginagawa niya ay para saken. Pinagtataka ko lang wala man lang akong nakilala na kahit sinong kamag-anak namen both sides ng parents ko. Nagtatanong ako kay Mama about sa mga relatives nila ni Papa ngunit lagi na lang niyang sinasabe na nung nagtanan sila ay hindi na muli sila nakipag-usap kahit isa sa mga pamilya nila dahil tutol ang mga eto sa pag-iibigan nila.

Anong oras na bakit wala pa si Blaire. Nandito ako ngayon sa isang fastfood restaurant ng mall naghihintay, manunuod daw kame ng movie.

"Nasan ka na ba? Inuugat na ko dito!" naiirita kong sabe ng sagutin niya yung tawag ko.

"Sorry, sobrang natraffic lang talaga ako,  park lang ako wait." pagdadahilan ni Blaire.

End call, alam naman niya kung nasaan ako kaya hintay na lang talaga ako dito, sa hindi kalayuan may mga taong nagkukumpulan, nagkakagulo sila kaya lumapit ako at nakiusisa.

"Mamatay ka na!" wika ng isang lalaki

"Hanggang kamatayan ipaglalaban ko siya!" pagtuligsa ng isang lalaki nababalot ng dugo ang braso niya na sugatan.

Sinugod agad ng isang lalaki ang isang duguan na lalaki at biglang sumulpot sa kawalan ang isang babae.

"James!!!"

"Vien!" pagkarinig kong sigaw ng babae napatitig akong maigi sa sugatang lalaki at nagulat ako sa aking nakita.

"Vien." bulong ko sa aking sarili, nanghihina ako, pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko.

----
Blaire's Pov:

Sa gitna ng maraming tao natagpuan ko si Ahli na walang malay, sabe ng mga nakakita ay nanunuod lamang siya ng munting palabas sa teatro at ngayon nandito kame sa kotse ko.

"Anong nararamdaman mo, okay ka lang ba ?" pag-aalala ko.

"Anong nangyare? Nakita mo ba si Vien?"

"Vien? Yung sa panaginip mo? Alam mo kailangan mo na magpatingin sa doctor!"

"Kanina nakita ko siya, tinawag pa nga siya nung babae, sugatan siya." may pag-aalala sa boses niya.

"Yung tinutukoy mo ba yung short play kanina?"

"Short play, pero ..."

"Next time na tayo manuod ng movie dun ka na lang muna sa bahay magstay this night okay ?"

"Pero Blaire...."

"Walang pero pero, hindi kita pwede hayaan mag-isa, napakalungkot ng bahay niyo baka dahil d'on nagkakaganyan ka." madiin kong sabe kay Ahli na tumahimik na lang at nakatingin sa labas ng bintana. Nagpunta muna kame sa paboritong tambayan namen n'ong high school, isang simpleng park eto pero maraming memories.

"Matagal na din nung huling punta naten dito." panimula ko.

"Ou nga. Madalas pag napapagalitan ka ng Mommy mo dito tayo magpapalipas maghapon." natatawang sabe niya.

"Ayan! Ngumiti ka na din, kala ko hindi ko makikita yang ngiti mo ngayong gabe"

"Sana kahit mabaliw na ako dahil sa mga panaginip ko hindi ka magbabago, sana hindi mo ko pabayaan tulad ng magulang ko."

"Ssssshhhhh.. Matagal ka ng baliw, pangako hinding hindi ako magbabago."

"Sira! baliw pala ako ah!" at kinurot kurot niya ako.

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon