Chapter 1

12 3 12
                                    

"Ahli." sigaw ng isang babae tinatawag nya pangalan ko mula sa hindi kalayuan at habang papalapit sya ay napagmamasdan ko ang kanyang napaka-among mukha na may napakatamis na ngiti, paglapit nya ay hinawakan nya ang kamay ko at hinilang patakbo. Masaya kameng naghahabulan na parang mga bata nang mapagod ay nagpahinga sa damuhan, magkatabi kame ng mga sandali na yun nakapikit sya at nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan sya ng maigi ang kanyang mukha, napakaganda niya tila isang anghel.

" Ahli ? Ahli ? Gising! Gising!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang tawag ni mama, bat ba lagi ko na lang napapanaginipan ung babae na yun ? bakit ganun mga panaginip ko at kakaiba ang mga kasuotan namen ? Gusto ko maramdaman ung ganun kasayang sandali tulad ng panaginip ko, ' ays.'

"Ahli.' Ano ba male-late na ako bumangon ka na diyan at may mga ibibilin ako sayo."
"Opo, saglit lang ma."

   Mag-isa na naman ako dito sa bahay
ilang araw na naman wala si Mama hindi ko alam bakit lagi na lang siya nag out of town sinasabe niya negosyo pero tingin ko hindi, iiwanan niya ako ng pera pang gastos na kung tutuusin sobra sobra pa sa pangangailangan ko hindi nman kase ako maluho madalas ay pinapapunta ko na lang mga kaibigan ko dito sa bahay o kaya mag gala. Habang nag- aalmusal tumunog ang cellphone ko,

"Miss mo agad ako ?" sabe ko.

"What if yes? Haha choz free ka ba? gala tayo." sabe ng nasa kabilang linya.

"Hmm. San naman?" tanong ko.

"Batangas, don't worry kung abutin tayo ng gabe may town house kame dun." pagkukumbinsi ng kausap ko.

"Haha parang alam ko na mangyayare ah ? Ang hilig mo talaga sa biglaan Blaire." natatawa kong sagot, ilang minuto lang din muna kame nagkwentuhan about sa mga kung sino pang kasama, at kahapon lang nandito sya sa bahay tapos ngayon gala naman naisipan  ng babaeng yun talaga.

So ito na nga tanghali na nang sunduin ako ni Blaire dito sa bahay dame pa daw kase nya hinanda para incase daw magkasarapan sa gala o kung ano pa ba.

Si Blaire ang matalik kong kaibigan since high school at isa sa pinakamayaman sa barkada, maganda at matalino pero napakawar freak pag lasing kaya dapat bantayan, pero kahit ganun napakabait naman nya malambing at maasikaso napakaswerte ng mamahalin ng babaeng ito.

Habang nasa sasakyan nagkwentuhan lang kame ni Blaire sya nagdrive inisa-isa namen sunduin ang barkada, ang iba naghihintay na sa may meeting place.

Mahabang biyahe din ang inabot namen na halos ilang oras dahil sa traffic. Dalawang sasakyan ang dala ang isa ay kay  Blaire ung isa kay Ervin, siyam kame lahat Ako, si Blaire, Nika, Nevy, ang magkakasama at sila Ervin, Seina, Kristoff, Ghon, at Kianna.

  Nang makarating kame sa townhouse nila Blaire nakakamangha lang ang ganda ng bahay at mismong view sa labas na puro bundok at napakalawak na dagat.

"Pahinga lang muna tayo saglit then punta tayo ng dagat so be prepared huh," wika ni Blaire.

"Kaen muna tayo, magluluto ako." pag mungkahi ko.

"Mas okay pa nga, I'm starving na din tulungan na kita." sabe ni Nika.

"Kame ng bahala sa barbeque nila Ervin." sagot ni Kianna.

Habang abala kame sa pag hahanda ng makakaen ang iba nman ay nag aayos ng mga gamit sa kwarto.

Nang makatapos kame ni Nika magluto tinawag na namen sila para makakaen sakto nmang naluto na din ang barbeque naghanda pa ng masarap na lemonade si Blaire.

Nagluto ako ng adobong baboy na may patatas at buttered shrimp bumili kame kanina sa nadaanan nameng palengke.

"Alam mo Ahli napakasarap neto, pwede ka na mag asawa." pang aasar ni Ervin sabay siko kay Kristoff na nakatingin saken habang nakangiti 'ay sheeetttt ang gwapo haha..

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon