Chapter 2

26 3 27
                                        

Ahli's Pov:

Hindi ko na maalala anong oras kame nakabalik sa town house ang tanging naaalala ko na lang ay nang halikan ako ni Kristoff at hindi ko napigilan sarili ko na sampalin siya at iniwan na lang sa ere nakita nilang lahat yun. Tanghali na pala, tulog na tulog pa din si Blaire dito sa kama.Naisipan kong bumaba na at maghanda ng makakaen para sa lahat dahil mukhang tulog pa sila ngunit pag bukas ko ng pinto si Kristoff agad ang bumungad saken.

"Ahli about sa nangyare, I'm sorry." nakakaawang pagsasalita niya.

"Kalimutan na naten yun, sorry din kung nasampal kita nagulat lang ako. Ayoko ng binibigla ako lalo na sa mga ganung bagay." may puntong pagkasabe ko.

"Sorry, sana walang mag-babago sana okay pa din tayo, sana hayaan mong ligawan pa din kita at ipakita na seryoso ako." pagsusumamo niya.

"Walang magbabago, pero sa ngayon hayaan mo na muna ako kahit ngayon lang.. pwede ba ?"

"Kung yan ang gusto mo susundin ko andito lang ako hihintayin kita."

"Salamat, bumalik ka na muna sa kwarto niyo maghahanda na ako ng makakaen naten."

"Mmm, Ahli.."

"Oh ano ?"

"Wala naman siguro sa susunod na lang."

"Sige, baba na ko.

Blaire' Pov:

Narinig ko lahat ng usapan nila Ahli at Kristoff ramdam ko ang pagkadismaya ni Ahli kay Kristoff ngunit hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganun naging reaksiyon niya, sagrado ang halik para kay Ahli para sakanya ibinibigay lamang ang halik sa taong nagpapatibok talaga ng iyong damdamin, matapos ang kanilang pag-uusap sumunod ako sa kusina para tiyakin ang mga narinig ko.

"Para san y'ong kanina ?" taas kilay kong tanong kay Ahli na busy sa pag hihiwa ng sibuyas.

"Ang alin ?"

"Y'ong sainyo ni Kristoff, hayaan ka na muna ?"

"Gusto ko muna mag-isip isip."

"Tungkol saan ? Magsabe ka nga ng totoo, Ano na ba ang nararamdaman mo kay Kristoff?"

"Blaire.' hindi ko alam, gusto ko siya pero walang halong espesyal, ewan basta."

"So may iba ka bang nagugustuhan ? Ano?"

"Marami akong gusto, char lang,alam mo yan pero 'crush-crush lang.' Wala pa talaga akong masasabe na espesyal."

"Kung ako sayo maging totoo ka na lang kay Kristoff masasaktan mo na siya, pati sarili mo pahihirapan mo, kausapin mo siya."

"Wala pa akong lakas ng loob sabihin sakanya yun, alam kong tapat ang hangarin nya saken pero natatakot ako na baka masira lahat ng meron kame ngayon bilang magkaibigan."

"Yun nga eh! Matalino ka kaya dapat alam mo kung ano dapat gawin, mas masisira ang meron kayo kung papatagalin mo pa lalo, ilang buwan na din nanliligaw sayo ung tao kilala ko si Kristoff maiintindihan ka nun."

"Ang hirap naman kase... A h." biglang singhap nya.

"Anong nangyare ? Sheeeeeeetttt! Ano ba yang ginagawa mo, mag-ingat ka naman!" pagmamadali kong lapit sakanya, nahiwa niya ang pang gitnang daliri niya.

"May kung anong tumama sa kutsilyo lumihis y'ong paghiwa ko." pagdadahilan pa niya habang hinuhugasan ko ang daliri nya.

"Umupo ka nga muna, kukuha ako ng first aid kit." umakyat ako at kumuha ng betadine at band aid pagbalik ko nasa kusina na pala si Nika at Seina.

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon