Chapter 5

13 1 0
                                    

Ahli's Pov:

Nagising ako sa ingay na naririnig ko, parang tunog ng espada. Pinisil ko pa ang sarili ko para siguraduhin na panaginip lang ito pero masakit, dahan dahan akong bumangon at bumaba dahil baka napano na ang mga boys sa sala.

Laking gulat ko na tulog na tulog pa din sila pero nanatili pa din ang tunog ng espada na nanggagaling sa kusina. Kinuha ko ang baseball bat na nakatago sa gilid ng hagdan at lakas loob na pumunta sa kusina.

Kumakabog ang dibdib ko sa kaba habang papalapit ng palapit sa pintuan.

"Ano ba 'to? Lord, kung oras ko na po kayo na ang bahala sa mga mahal ko sa buhay lalo na kay Mama at Blaire, pero Lord hindi pa ko ready mamatay." kinakausap ko ang sarili ko at nilakasan ang loob.

May liwanag na nagmumula sa loob ng kusina unti-unti kong binuksan ang pinto, hinanda ko na ang baseball bat na hawak ko at pagpasok ko ay wala man lang akong nakitang kahit sino o ano, ang tanging naroon lamang ay ang libro na nakuha ni Blaire sa labas.

Nakakapagtaka, ang liwanag ay nagmumula din sa libro, nilapitan ko ito at ang mga tunog ng espada ay mga sundalong kawal na nakikipaglaban, gumagalaw na parang totoo at nasa loob ng libro, lumipat-lipat ang  pahina neto kung saan may nakasulat na 'Sa ikatlong araw ay lilisanin ang mundong nakagisnan.'

"Bat gising ka pa?" nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Hindi ako makatulog, nakarinig ako ng ingay dito sa kusina kaya nagmadali ako bumaba." sagot ko.

"Ano yun? tunog ng mga espada ?"
tanong ni Nika.

"Narinig mo din pala?"

"Oo akala ko nga nananigip na naman ako e."

"Teka nanaginip ka din? Ano ang mga panaginip mo ?"

"Mmmmmm, madalas ay yung nakasuot daw tayo ng armor at nakikipaglaban."

"As in, tayo ?"

"Oo, tayong lahat, ang weird nga e, ikaw pa lang pinagsabihan ko."

"Nanaginip din ako ng kung ano-ano."

"Like what?" pag-usisa niya.

"Nung una babae, nung mga sumunod  puro labanan, sundalong kawal, at mga Knights."

"Oh yeah, Knights nga tawag saten ng mga tao doon sa panaginip ko."

"Mmmmm, may napapanaginipan ka bang Vien ang pangalan ? Kapitan Vien ?"

"Wala, bakit sino ba yun?"

"Wala, wala naman." pag iwas ko na sagot.

"Ano yan?" nguso niya sa librong hawak ko.

"Alam kong hindi ka din naman maniniwala kaya siguro mas okay pang hindi ko na din sabihin ano meron sa librong ito."

"Then try me," seryoso niyang sagot.

"Sigurado ka?"

"Go, tell me about that."

"Dito kase nanggagaling ung tunog ng espada na naririnig naten kanina, mga larawang kusang gumagalaw at may buhay."

"Patingin," sabay kuha ng libro saken, isang malakas na hangin ang kumawala sa loob ng libro ng buksan ito ni Nika.

"Ingat." sabe ko sakanya, pareho kameng nakapaatras sa nangyare, naiwang bukas ang pahina at ng silipin namen pabalik ay makikita mo ang isang ipo-ipo, isinara ko agad ang libro na sa takot na bigla itong lumabas sa pahina.

"Sa tingin ko kailangan naten itong sabihin sa buong barkada." pagmumungkahi niya.

"Teka lang, siguro sa susunod na lang na araw, oobserbahan ko pa itong libro, may kakilala akong maraming alam sa mga libro baka sakaling may nalalaman sya tungkol dito."

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon