Chapter 4

11 2 0
                                    

Ahli's Pov:

"Ma, kailan ka ba mananatili dito sa bahay ng matagal?" malungkot kong tanong.

"Pasensya ka na anak, marami lang talaga akong inaasikaso, para din naman sa iyo yun."

"Pero Ma, sapat na saken na magkasama tayo, nawala si papa parang nawala na din yung mama ko." hindi ko na napigilan sarili ko maglabas ng sama ng loob.

"Patawarin mo ako anak, alam kong marami ako naging pagkukulang sayo bilang isang ina, pero lagi mong tatandaan, Mahal na mahal kita." naiiyak na wika ni mama, halos madurog ang puso ko na makitang ganito si Mama.

"Mahal na mahal din kita Ma, namimiss na kita kayo ni Papa, masayang magkakasama." hawak hawak ko ang kamay ni mama at nakatingin sa mga mata niya.

"Namimiss ko na din ang papa mo, kaya nga eto nagpakabusy na lang ako sa trabaho ngunit nawala sa isip ko ang nag-iisang prinsesa na iniingatan namen dalawa, wag kang mag-alala makakabawe din si Mama sayo, tatapusin ko lang ang mga trabaho ko at pangako sa susunod na linggo magbabakasyon tayo."

"Talaga ma? pangako yan ah, salamat ma, pasensya ka na naging madrama ako, namimiss lang talaga kita."

"Tigil-tigilan mo kase yung panunuod mo ng mga Kdrama ba yun? nung isang gabe naabutan kitang babad na babad sa cellphone mo!"

"Hala si mama, eh bakit hindi mo ako sinita?"

"Hahaha, pagod na kase ako masyado kaya hinayaan na lang kita, bakasyon naman"

"Pagalitan mo naman ako minsan ma, sa umaga mo nga lang tayo halos nagkikita...bihira pa." kunware kong tampo.

"Napakabait mong anak, wala akong nakikitang dahilan para pagalitan ka o pagsabihan, maliban na lang pag aalis ako sa umaga kailangan pa kitang gisingin, tulad ngayon!"

"Ah..eh..sabe ko nga po.. I Love you ma, pero pangako mo sa susunod na linggo magbonding tayo ah." masayang tugon ko kay mama.

"Pangako mahal kong anak, o siya aalis na ako, mag-almusal ka na diyan at late na ko ng sampung minuto sa meeting ko, I love you, mag-iingat ka lagi." matamis na halik sa noo ang iniwan saken ni mama, at umalis na siya.

Magaan ang loob ko na nagkaroon kame ng ganung usapan ulet ni mama, akala ko ay nakalimutan na niya talaga ako. Tinawagan ko ang barkada na pumunta dito sa bahay at magluluto ako ng masasarap, una kong tinawagan si Blaire para mauna na siya dito at tulungan na din niya ako.

"Mabuti naman at naging okay na ulet kayo ng mama mo." sabe ni Blaire saken habang nag-aayos ng pinamili namen.

"Ou nga e, hindi ko din akalain, ang sarap sa pakiramdam, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib." masayang sabe ko.

"Teka meron ka bang dibdib?" pang-aasar neto.

"Tse! maganda ako kahit walang dibdib, kala mo siya meron...! bleeeeehh!" sagot ko.

"Hoy! meron yan noh! pinagpapantasyahan yan ng mga lalaki! Tingnan mo oh !" sabay hubad ng t-shirt na suot.

"Hahaha, laswa! yaks!" tinakpan takpan ko ung mata ko para kunware hindi ko makita ung maliit na dibdib niya.

"Kahit pilit na pinapahawak ung dibdib niya.

"Blaire....hahaha, oo na malaki na yang dibdib mo..!" natatawa kong sigaw para lang tigilan niya ako pero para siyang bata na sobrang kulit, buti na lang may nag doorbell saka lang siya huminto at umayos.

"Ako na mag-bubukas, baka anjan na sila, simulan mo na magluto." natatawa pa eto habang naglalakad.

"Mabuti pa nga..." sambit ko.

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon