DNO 034

1.8K 101 42
                                    

Messenger
February 03

CPAs: Charoterang Public Accountants

Era
Online ba ang pinakamagandang accountant sa Kalakhang Maynila?

Leigh
Yes? 💅🏻

Dani
Hahaha! Napaka-confident naman po talaga ni Miss van Acker.

Era
Well hello there, Everleigh. 😹
Ano itong nabalitaan ko mula sa aking dear husband na volunteer ka na rin pala sa Red Rover?

Leigh
Bakit, masama? Alam niyo namang ang dami kong free time ngayon.

Kenzie
Or, maybe... our friend here enjoys doing volunteer work with this particular yummy veterinarian. 😉

Kristine
You calling your cousin "yummy" sounds weird, Kenz. 😅

Kenzie
Haha! I'm speaking on our friend's behalf naman. Right, Leigh?

Leigh
Hoy, excuse me. Kailan ko tinawag na "yummy" si Fin, ha?

Leigh is typing...

Although, now that you've mentioned it...
Yeah, he is. 🙊

Dani
Tingnan mo? Deny-deny ka pa noong una.
Napaka mo, Everleigh. 😂

Era
Pa-demure ang lola mo. Haha!

Era is typing...

So, ano na? Nag-level up na ba kayong dalawa ni Doc, Leigh? Kaya ba nag-volunteer ka na rin sa Red Rover? Is this some sort of a shared interest between the two of you?

Leigh
Napakarami namang tanong.
Nasa talk show ba ako, ha?

Dani
Pagbigyan mo na kami, girl. Alam mo namang we're living vicariously through you.
Ikaw na lang kasi sa tropa ang malaya pang lumandi. 😂

Leigh
Grabe kayo sa akin! Hindi naman landian lang ang namamagitan sa amin ni Fin.

Kenzie
See, people? This is what I'm talking about!
Ready na ulit sumugal sa pagmamahal ang kaibigan natin! 😭

Kristine
Nakaka-proud naman! Way to go, Leigh!

Dani
Jusko, salamat naman sa Diyos.
Umepekto yata ang panata ko kay San Rafael.

Leigh
At bakit ka naman namanata kay San Rafael?

Dani
Girl, he's the patron saint of single people!
Ipinagdasal kita sa kanya dahil baka sakaling kahabagan ka ng langit at bigyan ka ng matinong lalaki. Alam mo na, para hindi ka tumandang dalaga. You're welcome, by the way. 😌

Era
HAHAHA
Lokaret ka talaga, Danica!

Leigh
Hindi ko alam kung mata-touch ako o mabibwisit sa'yo, Dani.
But thanks, I guess? 😂

Dani
Ngayon, alam niyo na kung gaano ako kabuting kaibigan. And, more importantly, alam niyo na kung gaano ako kalakas sa langit.

Kristine
Invited kayong lahat sa beatification ni Danica the Blessed. 🙏🏻

Dani
Gaga! Papatayin niyo na ba ako?
Mga patay lang ang pwedeng i-beatify! 😂

Leigh
Ganoon ba?
Madali lang namang solusyonan 'yan. 🔪

Era
Alam mo minsan, Leigh, nakakatakot ka rin.
Warningan mo na kaya ang pinsan mo, Kenz?
Baka manganib ang buhay ni Doc Fin someday.

Kenzie
Naku, kahit hindi na.
Patay na patay na naman 'yon kay Leigh.

Leigh
Wait lang, babalik ako.
Kailangan ko lang i-release 'tong kilig ko. 🙈

Era
Sus, ang arte. Pero sige lang.
We're happy for you, besh. 😙

Dani
Oh, to be single and ready to mingle.
Bakit ba kasi ang aga kong nag-asawa?

Kenzie
Sising-sisi, friend?
Makakarating ito sa mister mo. 😝

Dani

Seen by everyone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Seen by everyone

Dear No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon