iMessage
November 23BFF Kenzie
Leigh! Pssst!
Delivered 11:17 AM
Hoooooy. Everleigh Castillo van Acker!!!
Delivered 11:35 AM
Kanina ka pa namin tinatawagan.
Buhay ka pa ba????Delivered 11:57 AM
Usong sumagot sa tawag, ano po?
May best friend kang nag-aalala! 😩Delivered 12:05 PM
OMG. Sorry, Kenz!!!
Kakagising ko lang.Bwisit ka, Leigh!
Alam mo bang hindi na ako mapakali rito?
Akala ko, kung napaano ka na. 😭Sorry na huhu
Okay lang ako, promise.
Sobrang lalim lang talaga ng tulog ko.Mukha nga. Ilan na kaming tumatawag sa'yo, pero wala kang sinagot ni isa.
Grabe nga kayong tropa.
19 missed calls! 😂Masisisi mo ba kami? Hindi mo naman ugaling ma-late ng gising kahit weekends, ah.
Balak na nga kitang puntahan diyan sa condo mo, just to make sure na nakauwi ka nang safe kagabi. Na-stress kami sa'yo! 😤I know. Sorry. 🥺
'Yong pinsan mo kasi, pinuyat ako.Si Fin??? 😳
Oo. Sino pa ba?
OMG! Nakakaloka ka, Everleigh!!!
Anong ginawa niyo ni Finley James kagabi?
May bagong pamangkin na ba akong aasahan by next year? 😱Gaga! Anong pamangkin ang sinasabi mo riyan? Hindi pa kasi ako tapos magkwento!
Jusko! Sana kasi tinatapos mo na agad ang kwento sa isang message, ano?
Akala ko, bumigay ka na sa pinsan ko! 🤣Baliw ka talaga, McKenzie. Ganyan na ba talaga ako karupok sa paningin mo?
Nakaka-offend ka, ha?Sorry naman. Excited lang ang beshy/cousin!
Mukha mo, excited. 😒
Sorry na nga! Galit ka na agad, e. 😝
Chika na lang tayo para good mood ka na ulit.
Bakit kayo magkasama ni Fin kagabi?Nagyaya ang pinsan mo na mag-late night drive. Nakaabot kami hanggang Tagaytay.
Aww, kainggit!
Miss ko nang mag-road trip!Ang tagal nga naming nag-ikot.
Around 2 am na kami nakabalik ng Manila.Grabe, besh! Akalain mo 'yon, napapayag ka ni Fin na gumala nang dis-oras ng gabi?
Kasalanan ko rin naman.
I told him kasi na hindi ako makatulog.Hay naku. Nag-ooverthink ka na naman, 'no?
Kilalang-kilala mo talaga ako.
Siyempre, best friend kita! In fairness naman kay Finley James, taking you on a road trip was a good idea. I hope nakapag-unwind ka kahit paano.
Yeah. I had a great time, actually.
Fin even took me to this 24-hour resto that serves amazing burgers. Best midnight snack, ever. 😋I'm really happy that you and Fin get along so well, besh. Sabi ko naman sa'yo, 'di ba?
He's an amazing guy. You just need to give him a chance.Mabait nga at masayang kasama ang pinsan mo. I could see why women easily fall for him.
Hmm... ibig sabihin ba niyan, pati ikaw, nafo-fall na rin?
Mga 5% pa lang. 🤪
Charotera. Ano ka, battery?
Kailangang naka-percentage? 😂Bakit nga pala panay ang tawag niyo sa akin kanina? Is that just to check on me?
Nope. Take a look at your call log. Si Era ang unang tumawag sa'yo. Siya rin ang nagsabi sa group chat natin na hindi ka ma-contact.
E bakit daw ako tinatawagan ni Era Jane?
Kukunin ka niyang ninang ni Erol.
Next month na ang binyag ng bata.Ako lang sa tropa ang magni-ninang kay Erol?
Siyempre, pati kami nina Tin at Dani.
Pero ikaw ang principal sponsor.Aww. Bakit naman ako? 🙈
Kasi raw, ikaw na lang ang single sa tropa.
Ikaw ang pinakamalaki ang disposable income sa ating lima.So?
So, sabi ni Era, aasahan niya raw na malaki ang ibibigay mong cash gift kay Erol. 😝
Bwisit talaga 'yang si Era Jane.
Mata-touch na ako, e.
Kaso, pera ko lang pala ang habol. 😂Haha! Alam mo naman 'yon.
FYI, kukunin ding ninong ni Erol si Fin.Really? Kilala ba ni Era si Fin personally?
No. But as it turns out, her husband does.
Dan is a digital fundraising officer for this animal charity group, remember?
Turns out he's become good friends with my cousin, who volunteers for the same group.Wow. Small world.
Nabanggit nga sa akin ni Fin ang tungkol sa volunteer work niya.Nagulat nga si Era noong sinuggest ni Dan na kunin nilang ninong ni Erol si Fin.
Anyway, that's perfect, don't you think? Pati sa baptism ng isang bata, paired-up kayo ng pinsan ko.Anong point mo?
My point is, the universe is giving a sign na meant-to-be talaga kayo ni Finley James.
You're reading too much into things, McKenzie. Itigil mo na 'yan. 🙄
Says the girl who goes to a late-night drive with the very guy we're talking about.
Ugh. I shouldn't have told you about that.
Even if you didn't, I'd still know about it.
Fin would surely tell me.Bwisit kang babae ka.
Wala talaga akong maitatago sa'yo, 'no?Haha! Buti naman, alam mo. 😝
Read 1:13 PM
BINABASA MO ANG
Dear No One
Short StoryEverleigh "Leigh" van Acker always thought of herself as a strong, independent woman. She's perfectly okay with being alone - flirting with guys here and there, but never really committing herself to a relationship. Although sometimes, she must admi...