DNO 053

1.8K 90 43
                                    

Messenger
May 09

Danica
Psst, babae!

Everleigh
Yes, kapwa ko babae?

Danica
Baliw ka talaga, friend. 😂

Danica is typing...

Kumusta na si ate ghorl? Buhay pa ba?

Everleigh
Anong klaseng tanong naman 'yan? Yes, Margot is still alive. In fact, according to Fin's latest update, she's thankfully stable now.

Danica
Really?

Everleigh
Really. Bakit parang hinihintay mo namang mategi 'yong tao, friend?

Danica
Gaga! Anong hinihintay na mategi? E nakailang pamisa na nga ako para sa kagalingan niya. Malaki-laki na rin ang nagastos ko sa donation, ha? 😩

Everleigh
Seryoso ka ba?

Danica
Oo, bruha! Sobrang nagi-guilty kasi ako na pinag-isipan ko siya nang hindi maganda, tapos ni-relay ko pa sa'yo. Paniguradong ako ang unang-unang mumultuhin no'n sakaling natuluyan siya. Buti na lang pala at stable na siya ngayon.

Everleigh
My gosh, Danica. Ano ba 'yang takbo ng utak mo? Hindi na talaga kita kinakaya. 🥴

Danica
Kayanin mo, Everleigh. Panghabambuhay na 'tong friendship natin. You have to put up with me until we're old and grey. 😆

Danica is typing...

Nga pala, mabuti at nagkaayos din kayo agad ni Fin. Hindi mo rin talaga nagawang tiisin ang dokie mo, 'no?

Everleigh
Matitiis ko ba naman ang mukhang 'yon? Tsaka hindi naman niya sinadya ang nangyari. Sobrang immature ko naman kung hindi ko iintindihin ang sitwasyon.

Danica
True. Kaso nga lang, balita ni Kenz sa amin, naudlot ang balak mong sagutin na siya.

Everleigh
Hayaan na. Maybe the timing wasn't right yet.
Next week ko na lang siya sasagutin. Char!

Danica
Anong char ang sinasabi mo riyan? Totohanin mo nang sagutin si Dok! Baka lang nalilimot mo na bago matapos ang buwan na ito, trenta ka na. At least hindi mo sasalubungin ang thirties mo na single ka pa, right?

Everleigh
Wala namang paalalahanan ng edad, friend. Nang-aano ka, e.

Danica
Ako ang taga-reality check sa tropa natin, haha!

Danica is typing...

Speaking of your birthday, saan mo kami ililibre sa 19, beshy? Samgyup?

Everleigh
Basta talaga usapang libre, mabilis ka pa sa bullet train ng Japan.

Danica
Ito naman... Ang tagal na kaya nating hindi nagge-get together! At ikaw ang madalas na unavailable sa tropa, dahil kasama mo lagi ang bet na bet mong vet. 😝

Everleigh
Ikinaganda mo ba 'yang joke mong 'yan, Danica? 🤨

Danica
Sus, kunwari ka pa. Maniwalang hindi ka natawa? 🤣

Seen 05:39 PM

Dear No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon