DNO 012

2.4K 132 45
                                    

Messenger
November 05

CPAs: Charoterang Public Accountants

Kenzie
Everleigh van Acker!

Leigh
Yes?

Kenzie
Tinatanong ni Fin kung ano raw ba usually ang activities na nakapagpapasaya sa'yo. Do you want to see a movie? Para mai-suggest ko sa kanya.

Kenzie is typing...

Worried pa rin 'yon sa'yo. Alam mo na, because of Lolo Clint. He wants to cheer you up.

Kristine
OMG kinikilig ako! 🥰

Dani
Sabihin mo Kenz sa pinsan mo, lalaki ang kailangan nitong si Leigh para sumaya. Kaya good 'yan na nasa eksena siya. No movies necessary.

Leigh
Alam mo Danica, malapit na kitang itakwil bilang kaibigan.

Dani
Charot lang friend, pinapatawa lang kita! ✌🏻

Leigh
Pakisabi kay Fin, Kenz, okay lang ako.
'Wag na kamo siyang mag-abala. Hindi ko naman siya jowa para mag-effort siya nang ganyan.

Era
Nagpa-practice na nga, Leigh!
Ito naman, pabebe pa. 😂

Dani
Kaya nga, haha! Sarap mo ring sabunutan minsan, Everleigh.

Era
Baka kakapakipot mo, makaalpas pa 'yang hottie na 'yan. Sunggab na agad, friend!

Dani
True. Remember, baka mangamoy old maid ka na naman... 😜

Leigh
Kamamatay lang ng lolo ko. Baka gusto niyong sumunod sa kanya, Era at Dani?
I'll personally see to it. 🔪

Era
Hoy wag naman huhu
Binibiro ka lang naman, e.

Dani
Bagay kasi talaga kayo ni Fin!
Kaya todo-push kami sa inyo.

Kristine
'Wag niyo na muna kasing pilitin si Leigh.
Baka wala pa talaga siya sa mood na i-entertain si Fin.

Leigh
Thanks, Tin. Ikaw lang talaga ang matino sa grupong 'to.

Kenzie
Hala, grabe! Ako, hindi matino?

Leigh
Hindi rin, McKenzie. Pakana mo ang pambubugaw na 'to, remember?

Kenzie
Oo nga pala. 🙈

Leigh
Don't get me wrong, besh. I really appreciate Fin's concern. Pero tama si Tin.
I'm not in the mood to do anything much today, let alone see a movie with a guy.

Leigh is typing...

Isa pa, ang laki na ng abala ko riyan sa pinsan mo. Kita mong hinatid pa nga ako papasok sa work ngayong umaga. Nahihiya na ako sa kanya.

Era
Hoy, may paghatid palang naganap kanina?
Hindi ako informed!

Dani
Lagi ka namang hindi informed, Era. 😂

Era
Sorry naman. Busy mommy si yours truly.

Era is typing...

Pero grabe Leigh, ha? Sobra ang pag-aalala ni Fin sa'yo. Looks like he is so into you na!

Leigh
Hindi natin sure.
Baka he's just a nice guy lang talaga.
Alam niyo naman ang prinsipyo ko, 'di ba?

Dani
Alin? Ang dami mo kayang life principles, friend. Ang hirap nang mag-keep track.

Leigh
'Wag umasa para hindi ma-hopia.
Amirite?

Dani
E mukhang hindi naman hopia ang balak ibigay sa'yo ni Fin, friend. 😏

Leigh
Ano na namang ibig mong sabihin, Danica?

Era
I think I know what Dani means. Pandesal yata ang balak ialay sa'yo ng bago mong suitor, friend. Look at him! 🥵

KenzieOMG haha! Are you stalking my cousin, Era?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kenzie
OMG haha! Are you stalking my cousin, Era?

Era
Hindi, ah. Si Dani lang ang nag-forward sa akin ng pic na 'yan. 😝

Kristine
Okay, even I have to admit, he's really hot!
He could be a model or something.

Dani
Marami pang ganyan sa IG niya. Sayang, kung hindi ko lang mahal ang asawa ko... Charot!

Era
Same feels, Dani. 😂

Leigh
I'm taking a screenshot of this conversation and sending it to your husbands.

Dani
Hala. Wala namang ganyanan, besh!
I think we're still allowed to find a guy hot, kahit married na kami. Di ba, Era?

Era
Check. Parang celebrity crush lang 'yan.
You can look, but you can't touch. 🤣

Leigh
Sige lang, Danica at Era Jane.
I-justify niyo lang ang kalandian niyo. 😝

Kenzie
At least ikaw, besh, you're still free to be attracted to any guy... and actually act on it.

Leigh
But what if I don't want to act on it?

Dani
Then we already know what to get you for Christmas. Sagot ko na ang pet cat.

Era
Sa akin ang knitting kit. 😂

Era is typing...

Kayo, Tin at Kenz? Anong balak niyong iregalo sa kaibigan natin?

Kristine
Salonpas na lang siguro? Or Katinko? 🙈

Kenzie
Basta ako, si Fin pa rin. Igi-gift wrap ko na lang ang pinsan ko. Para happy ang holidays ng best friend ko. 🤣

Leigh
Mga bwisit. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Walang matino sa grupong 'to. 🙄

Seen by everyone

Dear No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon