DNO 079

1.9K 92 65
                                    

iMessage
August 21

BFF Kenzie

Beshy! Nakita ko ang My Day mo.
Nag-date pala kayo ni Fin? 😍

Yep, na-miss raw kasi akong ilabas ng pinsan mo. He took me to this cozy café. We should visit it with the girls sometime!

Good idea. Balak ka nga rin talaga naming ayain na lumabas para alam mo na, kumustahin ka.

That's so sweet of you. Sakto, I still have a few days left bago ako bumalik sa trabaho. Let's ask the others kung anong araw sila free.

Okay, let me take care of that. So, kumusta naman ang date niyo ni Finley James?
Did you have a good time?

Of course I did. Lagi naman akong nag-e-enjoy kapag kasama ko si Fin. It's one of the best things I like about your cousin, actually. There's no dull moment when I'm with him.

Ahhh grabe alam mo bang sobrang perfect niyo para sa isa't isa? And I'm not just saying this just because he's my cousin and you're my best friend. I've never met another couple so attuned to each other, as you two are.

Aww. Thanks, Kenz! I owe this all to you. Mabuti na lang at pinush mo talaga akong bigyan ng chance si Fin. Had I not followed your advice, hindi sana ako ganito kasaya ngayon.

Don't mention it, Leigh. Deserve mo naman kasing maging happy. I mean, I know you're already fine with being single, pero alam ko rin na magiging mas masaya ka kapag may isang taong nagparamdam sa'yo kung gaano ka ka-special. And Fin's really good at doing that.

Yeah, he really is. Alam mo nga kanina sa café, he kept saying all these sweet stuff to me, like how I'm the best thing that's ever happened to him. He also told me that even though we're still in the early days of our relationship, he already knows that I'm for keeps.

Oh, my God. He said that? Girl, mukhang nagpapahiwatig na sa'yo ang pinsan ko! 🙈

Luh, hindi naman siguro. Normal naman kay Fin na magsalita nang ganyan. Honey yata kasi ang pinainom ng tita mo sa kanya noong baby pa siya. 😂

Haha! Hayaan mo, tatanungin ko si tita kung tama 'yang hunch mo. Pero besh, if ever lang naman na mag-propose sa'yo si Fin, oo ba ang isasagot mo?

Baliw ka talaga, besh. Wala pa nga kaming isang taon ni Fin! I'm sure na wala pa sa isip no'n na mag-propose sa akin.

You didn't answer my question, though. 😛

Hay. Wala talagang nakakalusot sa'yo, 'no? Fine. Sa totoo lang, kahit bago pa lang kami ni Fin, nakikita ko na rin ang sarili ko na kasama siya habambuhay. Weird ba?

Ano ka ba, hindi weird 'yon! Wala rin naman kasi 'yan sa kung gaano na kayo katagal. 'Yong iba nga, sa hinaba-haba ng relasyon, hindi pa rin nagkakatuluyan.

Sabagay... Pero shocks, Kenz! I can't believe na nahanap ko na si The One. 🙊

I know! And I'm so happy for you. From "Dear No One" to "Hello, The One" na ang drama mo. Congratulations, Everleigh! 😭

Haha! Bruha ka talaga. Pero 'wag mo naman akong ibuking sa pinsan mo, ha? Baka mag-freak out 'yon. Aakalain no'n na pine-pressure ko siya. Hindi naman ako nagmamadali sa relasyon namin.

Oo naman! I gotchu, besh. Basta, 'wag niyo nang pakawalan ni Finley James ang isa't isa. To follow na lang ang pagtunog ng wedding bells, kapag parehas na kayong ready. 😉

Read 06:04 PM

Dear No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon