Chapter 1

9.9K 117 2
                                    

Love Affair 2: When He Was Mine

by: Tink

Tink: A wedding Vow is not a guarantee for a perfect family, tandaan hindi nawawala ang pagsubok, dudurugin at babagyuin ang lahat ng mga relasyon, makikita kung gaano ka katatag at kung gaano kahigpit ang hawak mo sa iyong pagmamahal.

Chapter 1

" Happy Birthday!" nakangiting bungad ni Joseph kay Aldie, kasalukuyang nasa hotel sila. Simula ng mag asawa sila siya na ang may hawak sa Hotel Mariana, hands on siya doon. Kasama ang mga kaibigang sina Mayeth at Leo.

She smiled habang tinatanggap ang mga bulaklak at kahon ng regalo mula sa asawa.

Tumayo siya upang halikan si Joseph, that kiss na gustong gusto ni Joseph, torrid and breathtaking.

Dinig niya ang pag ungol ng asawa. She smiled habang yumayapos siya dito.

Kissing him passionately is more addictive than drugs, loving him is the most beautiful thing to do.

Pinaupo siya ni Joseph sa mesa, habang ang isang kamay naman nito'y hinahawi ang mga nakakalat doon.

Nasa executive office sila, at personal niyang kuwarto dahil papagabi na bihira na lamang ang mga empleyado, maliban sa mga room service at information desk.

Humawak siya sa leeg ng asawa, enjoying each touch, caress and kisses from him, mahal na mahal niya ito, at lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kabila ng lahat ibinalik Niya si Joseph.

Kaligayahan. Iyon ang kanyang tinatamasa.

" Ouch!" napamulat siya ng mga mata ng bigla siyang kagatin ni Joseph.

" Hon.." usal nito.

Kita niya ang paghihirap nito, she smiled kahit kailan turn on lagi sa kanya ang asawa, at lagi ding inaassure nitong mahal na mahal siya.

Joseph started to unbutton her purple blouse at nagpaubaya siya, mahal na mahal niya ang asawa. She is willing to give everything alang alang sa kanilang pamilya.

Ngunit bago pa man may mangyari sa kanila tumunog ang cellphone ni Joseph.

" Hon your phone.." tumayo siya at inayos ang sarili.

She smiled at sinamyo ang bulaklak na bigay ng asawa.

" Hon, may emergency sa office"

Kunot noo siyang napatingin sa asawa.

" Emergency?sa oras na ito?aba baka mga naglilinis na madatnan mo doon?" huminga siya ng malalim at naupo sa silya.

'' Hon?alam mo naman ang work saka naroon si Daddy"

Tumango siya dahil ibig sabihin noon hindi tuloy ang dinner ng pamilya. Naghihintay pa naman ang dalawang anak nila.

Vince is five at si Venice ay one, nasa pangangalaga ito ng kanilang kasambahay at ni mommy Marice.

Kinintalan siya ng halik ng asawa bago umalis.

" Humanda ka mamaya!" nakangiting saad ni Joseph sabay kindat sa kanya.

She sighed, nag ayos na din siya para umuwi.

Her 30th birthday. Kahit paano masaya siya sa piling ni Joseph. Sana maabot din niya ang edad ng kanyang lola Martha na hanggang ngayon ay buhay pa.

Inayos niya ang sarili bago lumabas ng opisina its eight in the evening at mag isa nalang siyang uuwi.

Pagdating sa bahay naroon na ang mga anak sa hapag sila na lamang ni Joseph ang hinihintay.

Love Affair 2: When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon