Love Affair 2: When He Was Mine
By: Tink
Chapter 10
Nandito na naman siya sa lugar kung saan siya sinuyo ni Joseph. Ang dagat na naging saksi sa mga luhang hindi niya kayang ipakita kay Vince.
" Aldie apo..gusto kong lisanin ang
mundong ito... na payapa. Gusto kong... makitang.. maayos kayo ni Joseph. Mahina na ako.., inuutusan kitang balikan mo ang asawa mo.''Bumitaw siya mula sa pagkakahawak ng wheelchair kung saan nakaupo ang kanyang lola.
She can see the sun as it reflects through her wrinkled face. Sunset. Ito ang gustong gusto ng kanyang lola. And the memories still remembered. The same place the same ambience.Hindi niya namalayang tumulo ang mga luha niya.
Lumuhod siya sa buhangin upang makita ang mga mata ni lola Martha." Im dying inside grandma, ang sakit sakit. Sobrang sakit po. Parang isang daang karayom ang nakatusok sa aking dibdib." sinubsob niya ang mukha sa kulubot ngunit malambot na mga palad ng matanda.
Dama niya ang paghaplos ng kamay nito sa kanyang buhok. Banayad at may kasamang pagmamahal.
" Alam mo noong..maliit ka...kapag ginagawa ko ito nakakatulog ka." ngumiti si lola Martha. Bagamat nahahapo sa pagsasalita pilit itong nagiging masigla alang alang sa kanya.
Dinala niya ang mga kamay nito sa kanyang pisngi at tumingin sa nakangiting mukha ng abwela.
" Forgiveness. Love. Honesty. Tandaan mo mga iyan Aldie apo. Kita mo ang mga alon na iyan? Tila galit na humahampas sa dalampasigan...pero gaano man kasama ng pagkakataon bumabalik siya sa buhanginan. Gaano man kasakit ang paghampas niya darating ang panahong...magiging haplos na lamang ang pag alon niya.''
Nakangiting tumingin si Lola Martha sa kalawakan. Wari'y pinaghahandaan ang kanyang pagpanaw.
She's a woman full of love and wisdom. Sa bawat pagsubok sa buhay hindi ito sumuko kahit pa maagang nawala ang kanyang lolo.
Loving is somewhat difficult kahit pa maraming balakid sa pagdaan ng panahon.
She closed her eyes at ninamnam ang
init ng kanyang lola na masasabing nasa stage of close curtain na. She admire her.₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
" Aldie.."
Pinunas ni Aldie ang mga luha bago humarap sa taong nasa likod niya walang iba kundi si Joseph.
He looked devastated, sa tabi nito ay si Vince at karga si Vernice.
Napangiti siya ng makita ang mga anak. Mabilis na yumakap sa kanya si Vince.
Lumapit si Joseph at kinintalan siy ng halik sa mga labi.
" Im sorry hon.." umiiling itong yumakap sa kanya.
Tumango siya at kinuha si Vernice mula sa kamay ng asawa. She miss her kids.
" Is Lola Martha-"
" Yes Joseph, she passed yesterday." maluha luhang saad niya.
She found her dead ng umagang dapat sana'y makakausap nito ang kanyang ama sa telepono. Dapat sana'y sabay silang papanuorin ang pagsikat ng araw. But she found her lifeless.
Suminghap siya.
Hinawakan ni Joseph ang kanyang mukha at idinikit ang mga pisngi nito.
" I love you Aldie. Im sorry."
Dama niya ang sinseridad ng asawa. At kahit pa nagkamali ito naroon parin ang pagmamahal niya kay Joseph. She knew how Joseph sacrificed for them." I love you more Hon.."
She kissed him torridly.
" Anu ba namang klaseng parents kayo!rated SPG dapat toh! Emeged!" saad ni Vince. They didn't wonder sa mga words nito, pinanganak itong henyo.(LA part I)
Natawa siya.
Alam niyang alam ni Vince ang nangyayari.
Tiningala niya si Joseph.
" Puntahan na natin si Lola, saan ba siya nakaburol? Nandito na ba sina Daddy?" sunod sunod na tanong ni Joseph.
Yumakap siya sa bewang ng asawa habang kalong niya si Vernice.
" Sa St Paul, ngayon ang dating nina Alden at Daddy, si Addie baka bukas pa."
******************
Kitang kita niya ang pagpunas ng luha ng kanyang ama, kasalukuyang ibinababa ang mga labi ng kanyang lola Martha.
Si Alden at ang pamilya nito'y magkakatabi, her sister Addie was crying too.
Inakbayan siya ni Joseph na natural ng gawain nila, like there's nothing happened.
Dama niya ang halik ng asawa sa kanyang ulo.
Mataas na ang araw, nilingon niya ang mga anak na noo'y nasa likod lamang nila, lumuluha din si Vince while Vernice is cuddled by her nanny.
Masakit ngunit kailangang tanggapin na ang kamatayan ay dumarating kanino man. Hindi niya alam baka sa susunod isa narin siya.
" Aldie " liningon siya ng kanyang ama lumapit siya dito.
Now her dad is aging nasa sixties na din ito ngunit nagsisilbi pa din ito sa bayan.
Hindi na din nito pinangarap maging presidente." Yes Senator?"
Ngumiti ang kanyang ama sabay hila sa kanya. Hinalikan siya nito sa noo.
" Hindi ka na mahahilap simula ng magkapamilya ka na. I know nasasaktan ka lalo na ngayong wala na si Mama, grow up darling."
Ngumiti siya. Alam na alam ng kanyang ama kung ano ang buhay niya.
" Aldie may tinatago ka ba sa akin? May problema ka ba?" sunod sunod na tanong ng kanyang ama. Sa oras na iyon nagtungo si Joseph sa kanilang sasakyan para ipahinga ang mga bata. Alden and Addie came to greet her too.
" Dad..howd you know?''
Tumabi sa kanya si kuya Alden." Anak kita nararamdaman ko ang bigat ng dinadala mo. Umamin sa akin si Joseph. Im proud of you Aldie at hindi mo naisipang makipaghiwalay,isa iyong pagkakamali. Masaya ako dahil mahal na mahal ka ni Joseph."
Napaluha siya.
" Dad ano pong problema nila?" tanong ni Alden na noo'y matamang nakatingin sa kanya.
" Oo nga" saad ni Addie. Ang ate niyang pating.
" Mga anak, walang problema si Aldie, magmoment na kayo diyan at mauuna na ako sa bahay.''
Humalik siya sa ama bago ito lumisan.
How happy she is? Dahil sa mga nangyari noon naging matibay pa ang kanilang pagsasama.
" Megan Aldie del Mindo I misz you bunso!"
Napatawa siya ng yakapin siya ng kanyang kuya, nilingon niya si Joseph at nakatingin ito sa kanya kumaway ito wari'y sinasabing take your time.
" Kuya bakit si ate hindi mo namiss?" tumawa siya. She knew her grandma will be happy seeing them laughing kahit sa harap ng puntod nito.
Masaya din ito para sa kanya, she let go of her feelings at hindi niya iniwan ang asawa.One precious thing that touches her heart? Joseph confessed to her dad.
She love him so much.₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
Tinatamad na dinampot ni Aldie ang cp ng asawa na tumutunog. She wants to sleep but the mobile keep on ringing. Nasa labas ng bahay si Joseph. Naroon parin siya sa bahay ng kanyang lola.
" God kanina pa ako tumatawag! Nasa hospital si Janelle!"
Boses ni Miranelle na dirediretso ito sa pagsasalita.
Hindi siya makapagsalita.
Sino si Janelle?
ABANGAN...
Tink: Forgive and Forge
BINABASA MO ANG
Love Affair 2: When He Was Mine
Romancewritten by:kimberlie lantion tobias first seen at Lavender Book Of Stories Pen name: Tink No part of this story should be copied or reproduced.