Chapter 12

2.1K 50 0
                                    

Love Affair 2: When He Was Mine

Tink: Bonus chapter po ba o LA3 nalang? Im thinking of inserting Miranelles fate here. Its a sad Love story.

Chapter 12

'' Aldie"

Tears ran down on her face, humihikbi siya habang hinihila ang braso mula sa pagkakahawak ni Joseph.

Nasa parking lot na sila ng Hospital at naroon pa rin sa balintataw niya ang mukha ng batang si Janelle.
Ayaw man niyang hiwalayan ang asawa its the best thing to do. Mahirap pero kailangan niyang tanggapin.

" I love you Aldie do you love me too?" binitawan ni Joseph ang kanyang braso at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. His fingers ran towards her reddish face to wipe her tears. Umiwas siya sa mga titig ni Joseph.

Mahal pa ba niya si Joseph? Si Miranelle dapat ang magsasakripisyo at hindi siya. Nakakatuwa nga naman talaga, kung may pag aaway o hindi pagkakaintindihan saka lang nakakarinig ng I love you's.

" God..Aldie please tell me you love me"

She can see Joseph tears, nanginginig ang mga daliri nitong naglalandas sa makinis niyang pisngi. Inilapit nito ang ang mukha at mariin siyang hinalikan sa labi.

She closed her eyes at pinilit niyang kumalma. Tapos na ang pag uusap. Tapos na ang lahat.

" Aldie please answer me, please oh my please."

Dama niya ang sinseridad ni Joseph, dama niya ang pagmamahal nito. Ngunit may lamat na ang kanyang pagtitiwala.

" Joseph may dapat pa ba akong malaman bukod - bukod sa kabit at sa anak mo?"

Umiling ito.
Wala siyang makapang paniniwala sa kanyang dibdib puro poot at pag aalinlangan ang kanyang nadarama, kung sana lang.

" Kung ganun wala na tayong pag uusapan pa. Tapos na ang lahat sa atin kalimutan mo na ako, magkalimutan na tayo. Since you have Janelle let me take care of my kids, nakaya kong alagaan si Vince mag isa kakayanin ko ngayon sila ni Vernice."

'' Ibabasura mo nalang ba ang lahat ng pinagsamahan at pinagdaanan natin Aldie? I love you Aldie, I love you and you know that. I love my kids too"

Itinulak niya si Joseph.

" Ibinasura mo na Joseph at huwag kang umasang pupulutin ko pa ang pagmamahal na iyon at isaksak diyan sa dibdib at puson mo. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo, ayoko kong maki hati sa iba. Its time to go away from you, hari ka ata ng kamalasan. Seriously ayoko ng lokohin mo pa ako.
At ayoko sa taong hindi tapat alam ko iyan."

Pinunas niya ang mga luhang naglandas sa kanyang mga mata.

Mga luhang nilalabas ng kanyang puso.
Kung bakit pa kasi in demand ang mga kabit.

" Aldie hindi mo ako naiintindihan eh, ako at si Mira wala na, isang gabing pagkakamali habang buhay ko bang pagsisihan? Aldie humihingi ako ng tawad sa iyo please.."

Ngumiti siya. Awang awa siya sa sarili niya. Wala na siyang maipagmalaki.

" Isang gabing pagkakamali? Bakit hindi ba nagflaflag ceremony yan kapag kasama mo siya? Sa tuwing dadalawin mo ang anak mo? Hindi ba tumataas ang libido mo sa tuwing nalalanghap mo ang hininga niya?, kilala kita I know how you react in such gestures, you cant evade temptation. Kahit itanong mo pa kay Tulfo!"

'' Hon!"

'' Shit! Ang kulit mo! Ang
kulit mo! Ayoko na sa iyo! Ang masakit? Alam mo yung masakit? Yung painful yunyun! Yung ilang beses kitang tinanong kung may iba ka na, kung bakit hindi ka naging honest sa akin. Yung iniisip kong ako lang ang pinakamaganda sa paningin mo. Yung ako lang ang hinalikan mo, at kami lang ang pamilya mo. Pero bakit ganun Joseph?"

" Hindi mo ako papakinggan? Hindi mo lang i consider ang pagsasama natin?naging tapat ako simula ng magsama tayo, Ive never loved other woman except you. Intindihin mo naman ako!''

Nabigla siya kay Joseph.

Tumibok ng malakas ang kanyang puso. Hinila siya ni Joseph, masakit at madiin ang pagkakahawak sa kanyang braso.

" Bitiwan moko!" pilit siyang kumakawala ngunit nangingibabaw ang lakas ng asawa dragging her towards his car.

" No! No! Hindi ka makikipaghiwalay sa akin, no! Mamamatay muna ako bago mo ako hiwalayan" sarado na ang puso ni Joseph.

" No Joseph! No!" umiyak man siya'y hindi na siya marinig ni Joseph. The car now is locked.

" Joseph stop the car..stop the car!"

Joseph drive so fast na animo'y walang hangganan. She burst on crying. Iyon lamang ang tanging magagawa niya. She forgot Joseph's ego and feelings. Naging self centered siya, hindi niya ito pinapakinggan.

She keep still at maghihintay ng susunod na mangyayari.

" Im sorry Hon.." bulong ni Joseph.

Hindi na siya makapagsalita she knew her husband can't control the wheel.

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪

'' Im sorry Aldie pero hindi kana muling makakalakad."

Napahikbi siya.

Her body is all bruised, blistered and scraped. Dama niya ang malalalim na sugat sa kanyang katawan.

Tumulo ang kanyang luha. Kitang kita niya ang awa mula sa mga mata ng mga taong nakapalibot sa kanya.
Her dad, Alden, Addie and Mommy Marice.

Wala siyang maapuhap na sasabihin, she raised her hands towards her dad na atubili namang lumapit sa kanya. Para siyang batang humagulgol. Kahapon lang naglalakad siya, kahapon lang tinuturuan niyang maglakad si Vernice. Pero bakit ang lupit nito.

Magiging wala na siyang silbi habang buhay.

" Anak"

'' Daddy..''

Nasasaktan man ang kanyang ama she knew he is hiding the pain. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kakayanin.

Abangan...

Tink: oh my...

Love Affair 2: When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon