Chapter 16

2.4K 48 1
                                    

Love Affair 2: When He Was Mine
By: Tink◦°˚

Chapter 16

-After One Month-

The pain still hits Aldies very nerves, sa tuwing iaapak niya ang kanyang mga paa, sa tuwing hahakbang siya ngunit wala ng mas masakit sa pag iisip na mas pinili na ni Joseph sina Miranelle.

Lumuluhang pinunit niya ang kanilang larawan ni Joseph, they are happy family ngunit dahil sa isang babaeng walang delikadesa nasira ang kanilang pagsasama.

Picture fades gaya ng pagsasama. Ang pagsasamang akala niya'y kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa kanila.

Pinanood niya ang pagbagsak ng pira pirasong larawan na noo'y tila pakpak na tumigil sa paglipad at ang nagmamay ari noo'y patiwarik na bumabagsak.

She closed her eyes.

At muli nasa tabi niya si Lander.

" Thank you Lander..''

'' Naiinitindihan ni Joana ang lahat. Inaasahan niyang babalik ka kasama ang mga bata, huwag mo siyang bibiguin" inalalayan siya ni Lander papasok sa elevator.

She sighed habang paakyat ang elevator kung saan naroon ang kanyang mga anak, si Joseph at maaring si Miranelle.

Ayaw man siyang payagan ng ama napa oo din ito ng sabihin niyang kaya na niya, kahit pa parang batang binibilang pa ang hakbang niya.

Normal na siyang nakakatayo ngunit kailangan pa niya ng hahawakan upang makahakbang at pinilit niyang makarating dito sa California upang kausapin din si Joseph.

Nagpatiuna si Lander ng nagbukas ang elevator hinawakan siya nito at iginaya sa isang pintuan.

Napaupo siya ng makita kung sino ang nagbukas ng pinto, walang iba kundi ai Vernice. Nakakalakad na ito at bakit ito pa ang nagbukas ng pintuan.

" Baby.." napaluha siya.

" I told you not to open the-mommy!'' tinakbo siyang niyakap ni Vince.

" Oh God..Oh Thank God.."

Halos gusto niyang magtatalon sa tuwa. Niyakap niya ang kanyang mga anak.

" Shit!'' nagmumurang inuntog ni Lander ang ulo.

" Please Lander not infront of my kids.."

Mababakas ang galit sa mukha nito maaring galit dahil hinahayaan ni Joseph ang mga bata.

Ngumiti siyang bumaling sa mga anak na mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.

" Did you eat lunch baby?, Vernice do you want me to cook for you?" kahit nahihirapan binuhat niya si Vernice papasok.

" No Lander.." itinulak niya si Lander ng akmang papasok ito.

" Let me do it on my own. I will call you when things doesnt go well. Thank you!" tinapik niya ito sa balikat.

Nakahinga siya ng malalim dahil kahit naiinis tumalikod na lang si Lander. Alam niyang nangako ito sa kanyang ama ngunit hindi ito pwedeng maki alam sa kanilang mag asawa.

Madumi at tila isang taong hindi nalinisan ang inuukopahang pad na iyon awa ang nadama niya para sa kanyang mga anak.

The 21 inch television is still on, nakahang ang phone, ang mga papel at mga laruan ay nagkalat sa sahig.

Napaluha siyang tumingin ulit sa mga anak na noo'y nasa magkabilang mga kamay niya.

" Gutom ba kayo? Do you want me to cook?"

Love Affair 2: When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon