Chapter 15

2.3K 52 0
                                    

Love Affair 2: When He Was Mine
By: Tink

Chapter 15

'' Anong ibig mong sabihin?!'' naggagalaiting saad ni Lander habang ang mga kamay nito ay nasa kwelyo ng polo ni Joseph.

Seeing an old friend miserable was like hanging himself into old tree. Damang dama ni Lander ang sakit sa bawat subok ni Aldie na tumayo, hapdi sa tuwing umiiyak ito, sa tuwing humihikbi at sa tuwing gumagapang upang ulitin ang instraksiyon ng PT.

Nakakaawa.

Walang magawa si Lander upang tulungan ito, wala siyang magawa kundi manalanging sana bigyan pa ng Panginoon ng lakas ng loob si Aldie.
At sana bumalik na ang mga bata dito.

" Sino ka ba para sabihan ako kung ano ang gusto ko? Bumiyahe ka mula sa Pilipinas para lang pangaralan ako?"

Iwinaksi ni Joseph ang mga kamay ni Lander. Nanginginig
din ito.

" Damn you coward!'' isang malakas na suntok ang natamo ni Joseph mula sa galit na galit na kamao ni Lander.

Napailing man sa pagtama ng kamao ng kaharap, mabilis na nagpalipad din ng isang suntok si Joseph.

" Fuck! Sabihin mo kung ayaw mo na kay Aldie dahil ako ang mag aalaga sa kanya, ako ang mag aasikaso, ako ang tutulong sa kanya!"

Joseph backed off.

" Anong ibig mong sabihin?,hindi gamit ang asawa ko para ipamigay ko, oh
baka naman may gusto ka pa sa asawa ko?hindi ka ba makuntento sa asawa mo?''nangungutyang saad ni Joseph.

'' Gago ka! Sana ikaw ang hindi makalakad at hindi si Aldie! Gago ka Joseph! Palibhasa sobra kang minahal ni Aldie, addict ako oo pero marunong akong magpahalaga ng taong nagmamahal sa akin! Hindi ako katulad mo!matino ka nga ngunit sa mata lamang ng tao, malinis ang suot mo pero kasing dumi ka ng imburnal!'' galit na galit na dinaluho ni Lander si Joseph.

Umaagos ang pawis na kinubabawan nito at malalakas ang suntok na dumadapo sa mukha ni Joseph.

Hindi na ito makagalaw dala ng pagkabigla.

Lander paused when he saw Vince crying, nasa isang sulok ito ng sala.

Agad na tumayo si Lander upang lapitan ang bata. He can feel vulnerability instead of anger.

" Uncle Lander?tama po ba ang narinig ko?'' nagtatanong ang mga mata ni Vince.

Again. Dama na naman ni Lander ang napakagaang pakiramdam habang nakaharap sa batang dati'y akala niya anak niya.

Napapilig siya at pinanood na lamang niya ang pagtayo ni Joseph. Ang mukha nito ay parang pinakagat sa sampung hippo dahil basag ang labi at kilay nito.
Tinalikuran niya ito at lumuhod sa harap ni Vince.

Kinuha ni Lander ang cellphone sa bulsa ng jacket, trying to dial Aldie's phone number.

" Vince!"

'' You liar daddy! Liar!"

Kitang kita ni Lander ang mga mata ni Vince, puno iyon ng hinanakit. He knew Vince love his mother.

Narinig niya ang pagsagot ni Aldie.

" Here talk to Vince!'' inilagay niya sa tenga ni Vince ang cellular phone. And the kid cant help but cry.

Walang magawa si Joseph kundi suminghap. He was shocked. Binalewala niya si Aldie. He did promise to call ngunit naiipit siya between Janelle and Aldie.

Napapikit siya. He can't imagine the pain and the guts to walk. Hindi niya akalaing nakuha pang ngumiti ni Aldie bago siya nito
pakawalan. Hindi niya akalaing dahil sa aksidenteng kagagawan niya hindi na ito makakalakad.

Love Affair 2: When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon