Chapter 9

2.3K 60 1
                                    

Love Affair 2: When He Was Mine

By: Tink

Chapter 9

'' Tell me are you having an affair?"

Joseph backed off. Kitang kita niya kung paano ito huminga ng malalim.

She found him guilty.

Ang mga luha niya'y naglandas sa kanyang pisngi. Hindi niya kayang marinig mula sa mga labi nito na meron itong iba.

" Damn tell me! May iba ka pa ba maliban sa akin!" malakas na saad niya sabay tayo.

Naawa na siya sa sarili niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa oras na sabihin nito, but it doesn't matter aminin lang ni Joseph.

" Aldie.."

'' Don't Aldie me! Aminin mo sa akin may mistress ka ba?" inabot niya ang damit ni Joseph at mahigpit niya iyong hinawakan.

Miranelle's sarcastic gestures vividly came. Ang ngiti nitong tila nanunukso.

" Parang awa mo na Joseph sabihin mo, parang awa mo na!" paulit ulit niya itong hinihila while her husband is trying to hold her arms ngunit para siyang bato.
Ang dami na niyang pinagdaanan pero bakit heto na yung pinakamasakit.

Napakasakit sa isang ulirang asawa at ina. Napakasakit bilang isang babae.

Kung pwede lang sana na mawala na si Miranelle.

" Aldie please stop it nasasaktan ka na.." malumanay na saad ni Joseph. Bakas sa mga mata nito ang awa.

" Aminin mo Joseph kung ayaw mo akong masaktan, aminin mo!. Inuulit ko may ibang babae ka ba?" tumingin siya diretso sa mata ng asawa.

She caught him nod.

Tumango ito.

" Yes her name is Miranelle."

Nabitawan niya ang asawa at
napatutop sa kanyang bibig.
Wife's instinct never fails.

" Aldie magpapaliwanag ako-"

Itinaas niya ang isang kamay at sinampal si Joseph. Dahilan upang ibaling nito ng mukha sa ibang direksiyon.

Taas baba ang kanyang dibdib, she's craving for oxygen. Umatras siya.

" Aldie"

Ang mga luha niya'y patuloy na naglalaglagan. Kuyom ang mga palad na nakatitig siya sa asawa.

" Anong pagkukulang ko Joseph?" halos bulong na pagkakasambit niya.

She closed her eyes to stop the anger that about to burst.

Naramdaman niya ang mga kamay ni Joseph na humahapit sa kanyang baywang. Para siyang isang lumang lamparang nauubusan na ng ningning. Sa mga oras ding iyon gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan.

" Aldie Im sorry"

Dinig niya ang bawat pintig ng puso ng asawa habang ang hirap na boses nito'y nanginginig dahil sa pagluha.

" Ba-bakit ako, bakit-" nanghihina siyang napaupo sa sofa. Lumuhod naman si Joseph sa harap niya hawak ang kanyang kamay.

" Aldie hindi ko sinasadya. Mahal kita alam mo iyan, mahal na mahal kita" hindi nakatakas sa kanyang paningin ang mga luhang naglandas sa pisngi ng asawa. Mga luhang kailanma'y hindi niya nakita.

" Aldie Im sorry patawarin mo ako-"

'' Nagkulang ba ako sa iyo Joseph? Bakit hindi ka naging honest? Ibinigay ko ang lahat lahat. Pero bakit naglihim ka?"

Love Affair 2: When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon