Chapter 11

2.2K 52 2
                                    

Love Affair 2: When He Was Mine
By: Tink

Chapter 11

Nanginginig niyang hinigpitan ang hawak ng cellphone, she dont want to miss Miranelle's voice.

" Ano ba Joseph! Nasa hospital si Janelle kailangan ka ng anak mo!"

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, para siyang nilulunod sa dagat at nginangatngat ng mga piranha. Nagsimulang umikot ang kanyang paningin. She closed her eyes. Gustuhin man niyang pigilan ang mga luha niya nag unahan ang mga iyong pumatak.

She compose herself.

" This is Aldie."

Hindi makapagsalita si Miranelle.

" Magkita tayo.'' maikling saad niya.

She detailed how they will meet, napagpasyahan nilang sa hospital mismo kung saan naka confine si Janelle. Inaya niyang umuwi sa Maynila ang kanyang asawa at dinala nila ang dalawang bata. Walang kaalam alam si Joseph sa mga nangyayari. At maging siya'y nagugulat sa mga ginagawa.

Hindi mawari ang kanyang nadarama habang papasok sa pribadong hospital na siyang sinabi sa kanya ni Miranelle. Sinalubong siya ng lamig ng centralized aircondition. Aatras ba siya? Hindi kailangan niyang linawin ang lahat.

Kailangan niyang ipakitang
hinding hindi niya hihiwalayan ang asawa at ipapaunawa kay Miranelle na mahalaga ang buong pamilya. Broken families causes pain that can't be endured lalo na sa part ng mga anak. She have kids, Vince and Vernice kung kailngan niyang ipaglaban ng patayan gagawin niya. Matanggal lamang sa sistema ni Joseph si Miranelle.

Sabi nila kung hindi dahil sa mga lalaki walang magiging kabit but hell they are wrong
man is man, they would never touch woman if ever she didn't flirt. Ganun yun eh. Kung sana hindi naglandi si Miranelle walang ganito, hindi siya masasaktan.

Sa pasilyo niya nakita si Miranelle mismong sa mga secluded rooms. Chemo areas.

Nagtataka man nilapitan niya ito.

Maganda ito sa suot na mini skirt at sleeveless mango blouse. Makinang din ang mukha nito dahil sa alahas na tumatama sa ilaw.

" Common"

Nagpatiuna siya sa akin, mula pasilyo may isang maliit na pahingaan sa isang corner ng hospital. Chairs and tables are meticulously arranged, may dalawang bending machine din doon. Nagkataong walang tao kaya naunang naupo si Miranelle.

Nag aalinlangan man siya sa ginagawa pinanindigan niya ito.

Naupo siya sa harapan nito habang nakatitig sa mga mata ni Miranelle. Habang paulit ulit naman ang
pagtapik ng kaharap sa mesa, unconsciously.

" Are you going to leave my husband alone or not?" diretsang tanong niya.

Nakataas ang kanyang noo kahit pa inaalala niya ang damdamin ng kapareho niyang Eba. Kitang kita niya ang pagtaas baba ng dibdib ni Miranelle. Kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.

" We have Janelle. May anak kami ni Joseph, hindi ko siya pwedeng hiwalayan Aldie." humikbi ito.

Parang sumulak ang dugo niya ni Aldie. Hindi lang pala isa ang panganay ni Joseph. Parang sinampal siya ng sampung beses, at parang minura siya ng ' ang tanga mo!' ng paulit ulit.

Nanginginig siyang kumuyom ng palad.

" Inuulit ko hiwalayan mo ang asawa ko!''

Hindi niya alam kung maawa siya kay Miranelle o hindi.

Hindi man niya alam ang pinagdadaanan nito alam niyang mabigat at kailangan si Joseph, pero paano siya?paano ang mga anak niya?.

" Gusto kong makita mo si Janelle." hayag nito sabay tayo. Sinundan niya ito ng tingin, Miranelle stopped infront of a marked room.

Love Affair 2: When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon